Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto, aktibong nakilahok ang mga kliyente at residente ng Haven for Women sa Muntinlupa City, sa isang paligsahan na may temang “Kultura at Kasarian: Sayaw at Balagtasan.”
Ipinakita ng mga kalahok ang pagiging tradisyong Filipino sa pamamagitan ng pagsayaw ng mga tradisyunal na sayaw at balagtasan kung saan ipinamamalas ang kagandahan ng lenggwaheng Filipino.
Sa pamamagitan ng paligsahan, ipinapakita nito ang pagbubuklod, pagkakaisa at tila naging isang instrumento ng ‘empowerment’ ng mga kababaihan.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD








