Napuno ng mga nakakatakot na disenyo ang mga cottages ng Haven for Children bilang paggunita ng Halloween activity nitong taon. Tulong-tulong ang houseparents, mga residente at iba’t ibang service group sa pagpapamalas ng kanilang galing, pagkamalikhain, at kani-kanilang malikhaing interpretasyon sa mga temang, “Dark Wedding,” “Dangerous Forest,” “Spooky Farm,” at “Grim Cemetery”, sa pamamagitan ng makukulay at nakakatakot na dekorasyon.
Matapos ang masusing paghuhusga, itinanghal na kampeon ang Kamagong Cottage kasama ang Social Service at Security Service ang unang puwesto para sa temang “Grim Cemetery.” Nakuha naman ng Yakal Cottage kasama ang Dietary at Administrative Services para sa temang “Spooky Farm.” Sumunod sa kanila ang Mahogany Cottage kasama ang Medical at Psychological Staff na ikalawang puwesto para sa temang “Dark Wedding,” at Narra Cottage kasama ang HPIII, Productivity at Educational Service bilang ikatlong puwesto para sa temang “Dangerous Forest.”
Ang aktibidad ay hindi lamang nagbigay ng kasiyahan at aliw kundi nagsilbi ring pagkakataon upang palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan sa pagitan ng mga residente at kawani ng Haven for Children. Sa kabuuan, naging matagumpay at makabuluhan ang Halloween Activity 2025, isang patunay na sa kabila ng kasiyahan at katatakutan ng pagdiriwang, patuloy na umuusbong ang diwa ng pagkakaisa, pagkamalikhain, at malasakit sa Haven for Children.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD






