Quezon City โ Sa pangunguna ng Sustainable Livelihood Program โ National Program Management Office (SLP-NPMO) Director Marife C. Leon, nakiisa ang DSWD Field Office NCR sa isinagawang Skills Advancement and Network Development toward Welfare and Economic Acceleration (SANDIWA) Conference bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-15 anibersaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP), na ginanap nitong June 26 (Biyernes) sa SB Park, Barangay Batasan Hills, Quezon City.
Bilang bahagi ng aktibidad, sumailalim sa Microenterprise Management Training (MMT) I ang anim (6) na SLP Associations na may kabuuang walumpoโt isa (81) benepisyaryo mula sa Quezon City. Tinalakay sa pagsasanay ang mahahalagang konsepto sa pagpapatakbo at pagpapalago ng negosyo at iba pang estratehiya upang mapalakas ang kanilang mga kabuhayan.

ย ย ย ย ย 



