Matagumpay na sumailalim sa business mentoring and coaching ng Go Negosyo, katuwang ng Sustainable Livelihood Program (SLP), ang mga miyembro ng 2025 Makati Joyful SLP Association bilang bahagi ng Lab For All Caravan na ginaganap sa Makati Coliseum ngayong Martes, June 23.
Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga benepisyaryo sa pagpapatakbo at pagpapalago ng kanilang mga negosyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay at praktikal na kaalaman mula sa mga business mentors.
โ€œ๐˜”๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜จ๐˜ฐ๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ,โ€ ani Anna Liza Yangco, elected officer ng kanilang SLP Association.
Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatibo, patuloy na pinalalakas ng DSWD Field Office NCR ang kakayahan ng mga benepisyaryo upang makamit ang mas matatag, produktibo, at maunlad na kabuhayan.
Sulong Kabuhayan, tungo sa Pagyabong!

Please share