Nagtipon-tipon ang mga magulang na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Pedro Guevara Elementary School sa Maynila ngayong araw, Hunyo 4, 2026. Para sa isang magkasanib na aktibidad: ang taunang Brigada Eskwela at ang kanilang buwanang Family Development Session (FDS).

Sentro ng paksa mula sa FDS na ipaalam ang reponsibilidad ng isang magulang sa komunidad at sa edukasyon ng kanilang mga anak. Ang paghuhubog na mapahusay ang kapasidad ng isang huwarang Kabataan ay magkatuwang na responsibilidad ng mga magulang at ng paaralan.

Sa pagtutulungan ng mga pamilya at mga guro, nabubuo ang isang mas matibay na sistema ng suporta na tumutulong sa mga bata na lumaking may magandang pakikipag-kapwa sa loob man o sa labas ng silid-aralan.

Ang ganitong mga gawain ay patuloy na nagpapakita ng mataas na antas ng responsibilidad, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok sa komunidad ng mga magulang na kabilang sa 4Ps. Sa pamamagitan ng ganitong bayanihan at patuloy na pagkatuto, katuwang sila sa paggabay sa pag-unlad at pagtatagumpay ng bawat mag-aaral.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

Please share