Ang DSWD – Field Office National Capital Region (FO-NCR) ay nananawagan sa mga kamag-anak, kaanak, kaibigan, o sinumang may impormasyon tungkol sa mga indibidwal na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Sanctuary Center. Ang Sanctuary Center ay matatagpuan sa Welfareville Compound, Acacia Lane, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.
Kung mayroon kayong impormasyon na makatutulong upang matukoy o mahanap ang kanilang mga kamag-anak at mahal sa buhay, hinihikayat kayong makipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan o direkta sa Sanctuary Center.
Para sa mga katanungan at impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kay:
Ms. Fhebilyn S. Palino, RSW
Social Welfare Officer II
Contact No: 09565043082
Welfareville Compound, Acacia Lane, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City
Anumang impormasyong inyong maibabahagi ay maaaring makatulong upang mahanap at muling mapag-ugnay ang mga pamilya.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD




