DSWD-NCR acts on a viral video of a 2 y/o boy left in a car

Screen grab from the viral video posted in Facebook by Mr. Jasper Pascual

The Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD-NCR) takes action on the viral video of a 2-year-old boy left inside a heavily tinted car by his parents at a parking lot located at Metrowalk Comercial Complex in Pasig City.

As seen in a video posted on Facebook by a concerned citizen named, Mr. Jasper Pascual on July 8, the young boy cries for help to get out as he knocks on the windows of a Toyota vehicle. This incident happened at around 11 PM. Alarmed by what he saw, Mr. Pascual immediately asked the help of Mr. Michael Villanueva, the security guard on duty at that time. It took them some more minutes to locate the parents of the 2 y/o boy.

Mr. Nilo M. Salgarino, Social Welfare Officer II along with Ms. Gracille Anne Tarroquin and Ms. Beverly Grace Bergonia, Information Officers from DSWD-NCR’s  Reach Out Team visited the area earlier today to verify the incident and check the situation of the child. According to the General Manager of Metrowalk, Atty. Virgilio Publico, the parents of the child are current tenants in the food park located at the area.  In addition, Mr. Villanueva narrated that it took him twice to approach the parents before they came to rescue the boy. “Kung hindi pa namin sinabi ni Sir Jasper na  babasagin namin ang windshield ng sasakyan, hindi pa nila pupuntahan yung anak nila,” he narrated.

The team went to the family’s residence to get their side of the story however; no one’s answering their phone calls. This case will be endorsed to the Community Based Services Section (CBSS) for the provision of social protection to the child. The Department will continue to monitor this case and ensure to provide the right intervention for the child’s welfare.

#DSWDMayMalasakit #DSWDParaSaNakararami

Posted in newsComments (0)

DSWD-NCR conducts Kalinga Caravan

DSWD workers assist the residents of Barangay 105, Tondo in the mobile help desk for the Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS)

The Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD-NCR) conducted the Kalinga Caravan on July 3, 2018 at the covered courts of Barangay 105, Tondo, Manila.

DSWD staff presented the various programs and services to the barangay’s residents. Mr. Jeremiah Farol, Officer in Charge of DSWD-NCR’s Protective Service Program gave a short orientation on the various assistance that the Department provides through its Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program. On the other hand, Ms. Marlene Guzman, Social Welfare officer III, discussed Lingap sa Masa – a program which gives indigent Filipinos access to free medical services to partners with hospitals.

Another program that was introduced during the caravan is the Regional Social Pension Program, which provides indigent senior citizens with additional stipend to augment their daily subsistence and other needs.

DSWD-NCR Regional Director, Vincent Andrew T. Leyson, gave the opening remarks during the event. “The Kalinga Caravan is part of the Department’s thrust to provide its programs and services to the poor, the vulnerable and the disadvantaged in an easily accessible manner,” he said.

DSWD Undersecretary for Luzon Affairs and Special Concerns, Francisco M. Domagoso is also present in the said activity and  showed his support by giving a short inspirational message for the residents.

The Kalinga Caravan has served around 450 residents of Barangay 105 with the onsite assessment for assistance and almost 200 senior citizens for possible inclusion to the Social Pension Program. Conduct of series of Kalinga Caravans is planned for the rest of the year.

Posted in newsComments (0)

Pagsusumikap na Mula sa Pagiging Mahirap

L-R: Gng. Veronica Palenda mula sa Bagong Silangan Quezon City, kasama ng dalawang Community Organizers ng Pantawid Pamily

Ang kwentong ito ay hango sa totoong hamon ng buhay at kung paano nagsumikap at nakipaglaban sa bawat suliranin na kinakaharap. At kung paano naging daan ang programa upang ang kaniyang pamilya ay magkaroon ng maayos na pamumuhay.

 Si Ginang Veronica Palendas ay isang mabuting may bahay ni Ginoong Luis Palendas na binayayaan ng tatlong anak na sina Hannah Grace, labing walong taong gulang na nasa unang taon ng kolehiyo; Lloyd Van, labing anim na taong gulang na nasa unang taon ng Senior High School at si Luis Jr., sampung taong gulang na nasa ika-limang baiting sa elementarya. Si Ginang Veronica ay ang siayng taga-pangalaga sa kaniyang mga anak at ang asawa nito ang siyang taga pagtaguyod ng kanilang pamilya upang matustusan ang gastusin sa pang araw-araw. Bago pa man dumating sa buhay ng pamilya ang Programa ng Pantawid ay lubos na nakararanas ng hirap sa buhay ang pamilyang Palendas. Isa na rito ang pagkakaroon ng hindi wastong pamamahay dahil gawa lamang ito sa kawayan at kahoy na kung saan ay malapit sa ilog sa Damayang Lagi Quezon City. Ayon kay Ginang Palendas, ang sahod ng kaniyang asawa ay hindi sapat sa pangangailangan ng kaniyang mga anak lalong lalo na sa mga pag aaral ng mga ito.

Taong dalawang libo’t siyam nang dumating ang bagyong Ondoy sa lugar nila Ginang Palendas. Ayon sa kaniya, lubos ang kanyang pangangamba dahil bukod sa nasira ng bagyo ang kanilang tahanan ay muntik ng mapahamak ang kanilang mga buhay sapagkat inabot ang kanilang bahay ng baha at tanging ang mga bubong ng mga bahay ang kanilang naging tulay upang makalabas sa kanilang lugar. Lubos na nahirapan ang pamilya sapagkat walang itinira ang unos sa kanilang mga kagamitan.

Nalaman lang ni Ginang Veronica na sila ay kabilang sa listahan na magiging benepisyaryo sa tulong ng kaniyang mga kapitbahay. Taong dalawang libo’t labing isa ng maging miyembro sila Ginang Veronica sa Pantawid Pamilya ng Pilipino Program. Ayon sa kanya sa tulong ng Programa sa pamamagitan ng Family Development Session, natuto siya ng mga iba’t ibang kaalaman katulad na lang karapatan ng mga bata.  Nabanggit niya na, “Natutunan ko na ang mga bata ay may Sampung karapatan at isa na roon ay magkaroon ng maayos na tahanan.” Bukod dito ay naging motibasyon din ng kanyang mga anak ang pagpasok sa eskwelehan dahil sinusugurado ni Ginang Veronica na napupunta sa pag-aaral ng kaniyang mga anak ang pera. Sakatunayan, tinatanaw niyang malaking biyaya Honor Students ang kanyang mga anak. Sa kabila ng mga pinagdaan sa buhay ng pamilya ay patuloy na pinagbubuti upang pangarap na makatapos at maitawid ang pamilya sa kahirapan ay makamit.

Ayon kay Ginang Veronica, nagkaroon sila ng pagkakataon makapag-ipon ng dahil sa programa sapagka’t hindi nila nagagalaw ang bonus ng asawa na si Ginoong Luis. Bukod dito, labis niyang ipinagmamalaki na silang dalawang mag-asawa ay walang anumang kahit anong bisyo na sa tingin niya ay lubos na nakatulong upang silang dalawa ay parisan ng kanilang mga anak.

Nang mawala sa programa, dahil rin sa kakayahan maitaguyod and pamilya, ang pamilya ni Ginang Veronica ay nanatiling mataas ang pangarap sa buhay ng Pamilya Palenda. Patuloy ang pagtutulungan ng mag-asawa at nakapag pagawa sila ng bahay na sementado. Bukod pa rito, nakabili ng rights at nakapag-patayo ng kanilang sariling paupahan. Ayon kay Ginang Veronica, malaki ang naitulong ng programa sa kanilang pamilya lalo sa pangangailangan ng kanilang mga anak sa edukasyon. Nakakabawas ito ng gastusin at natulungan sila na makapag-ipon. Mas lalo silang naging disiplinado sa paggamit ng pera dahil alam at naranasan nila ang hirap ng buhay. Dagdag pa ng Ginang, hindi niya masasabing may kaya na sila dahil kailangan parin ng tulong ng mga anak nila. Ngunit ngayon, taas-noo na niyang nasasabi na kaya na nilang pagtulungan na mag-asawa na makapagtapos ang kanilang mga anak.

Ito ay kwento ng buhay ng isang naging miyembro na sa kabila ng kahirapang nararanasan bagkus nakipag laban sa hamon ng buhay at patuloy na nangarap upang maibigay ang maayos na pamumuhay para sa kanilang mga anak.

Posted in newsComments (0)

Ang Pag Asenso ay nasa Kamay Mo!

Ipinapakita ni Ate Joey and iba’t-ibang disenyo ng kanyang mga cakes

Patuloy ang ng mga matamis na tagumpay ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Isang pamilya na naman ang nabago ang buhay sa tulong ng ating programa. Isang pamilya muli ang nagtaas ng bandila ng mga pamilyang naka-ahon sa kahirapan sa tulong ng Maagap at Mapagkalingang serbisyo ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad.

Isa ang pamilya Oconer sa matamis na ibinunga ng Programang Pantawid Pamilyang Pilipino. Naging sikreto ni Verdaflor Oconer o mas kilala sa tawag na “Ate Joey”, ang sipag at tiyaga upang umunlad ang kanilang buhay.

“… kami noon”

Isang simpleng maybahay noon si Ate Joey Oconer. Taong 2009, nakikitira sa bahay ng kanyang biyenan, sina Ate Joey, ang asawang si Ronaldo at dalawang anak na sina, Lorenz at Arjay. Gawa sa pinagtagpi- tagping kahoy ang kanilang kwarto na ayon kay Ate Joey, “kapag tumapak ka eh, lulusot ang paa kaya dapat maingat ka sa paglalakad”. Madalas na nasa bahay lamang siya at nagaalaga sa kanyang mga anak na noon ay maliit pa. Samantala, mekaniko naman ang kanyang kabiyak na si G. Rolando sa Kawasaki Motors. Masasabing payak lamang ang kanilang pamumuhay noon. Makaraan ang isang taon, mayroong mga dumalaw sa kanilang lugar at nakapanayam si Ate Joey ng mga kinatawan mula sa ahensya. Kwento niya, sinabihan niya ang mga nag-iinterbyu na ang hipag niya ang kausapin dahil tingin niya ay mas kailangan ito ng kanyang hipag. Nagsisimula pa lang noon ang kanyang asawa sa trabaho kung saan nagkukumpuni ito ng mga motor. Siya lamang rin ang bumubuhay, hindi lamang sa kanyang pamilya, kundi pati sa kanyang extended family. Walang ideya si Ate Joey na ang panayam palang iyon ay para sa posibleng inklusyon sa programang Pantawid Pamilya. Itinuturing ni Ate Joey na isang biyaya mula sa Diyos ang pagkakatanggap sa kanilang pamilya bilang miyembro ng Pantawid Pamilya.

“…hanggang sa naging Parent Leader na ako”

Kabilang si Ate Joey sa mga pinaka-unang naging miyembro ng Pantawid Pamilya na sa katunayan, siya ay bahagi ng Set 1. Nasabi sa kanila na kailangan nilang dumalo sa DSWD at pinapapunta sila sa basketball court. Hudyat na pala ito ng kanilang pagiging  miyembro ng programa. Sabi ni Ate Joey, “ wala pang mga lider lider noon at wala rin akong alam doon”. Hanggang isa nga  siya sa mga napiling maging  Parent Leader. Sabi pa niya, “ O sige, e di okay lang. Hanggang sa naging Parent Leader ako.” Nasa elementarya noon ang kanyang dalawang anak na siyang minonitor. Nagkaroon na rin sila ng FDS at pumupunta na rin sila sa health center. Pinaliwanag din sa kanila noon sa FDS ang mga tungkol sa kondisyonales ng programa.

“Ang dami kong natutunan sa FDS na hindi ko alam na existing pala… VAWC Law, HIV- Aids… “, ilan lamang ito sa mga kaalamang napalawak pa sa pamamagitan ng Family Development Session na ibinibigay ng programa. Dagdag pa ni Ate Joey, “akala ko lawyer lang pwedeng makaalam ng mga batas batas, pati pala kami pwede.”

Bukod sa mga magagandang dulot ng FDS para sa pamilya ni Ate Joey, malaking tulong rin ang cash grant na kanyang natatanggap. Ginagamit niya ang mga natatanggap na grant upang ipambili ng mga gamit ng sa eskwelahan, pambaon at panggawa ng mga proyekto ng kanyang mga anak.

Natulungan din ng programa na maisakatuparan ang pangarap ni Ate Joey na makapag-aral. Nakapag-aral siya ng libre at nakatapos ng kursong Cookery sa TESDA noong taong 2013. Hindi pa siya huminto rito. Dahil sa kagustuhang mapalawak pa ang kaalaman at imbis na matambak ang uniform na ginamit sa cookery, nag aral siyang muli sa TESDA ng Baking and Pastry.  Sabi ni Ate Joey, “… parang may kulang, palagay ko forte ko ang baking kasi mahilig ako [magdesign ng cake]… cute na cute ako sa mga cake”. Sa kanyang pagtitiyaga, taong 2015 ay natapos niya ang Baking and Pastry. “ Nagbabake na po ako, ayan po makikita niyo ang mga baking pans ko…” sabay turo ni Ate Joey sa mga gamit niya upang mag-bake. Sa tulong ng mga referral mula sa mga kaibigan at kakilala, unti- unting dumami ang kanyang mga customer. “Ang laking tulong sa akin kapag may order akong cake”, dagdag pa niya. Ipinakita niya rin ang iba’t ibang mga cakes na kanya ng nagawa.

Nakatanggap rin ang pamilya ni Ate Joey ng parangal mula sa programa, noong nakaraang taon ay isa sa mga “Huwarang Pamilya sina Ate Joey. Kwento ni Ate Joey, mahigpit daw ang laban sa magiging Huwarang Pamilya at mapalad silang nanalo ng ikatlong pwesto.

L-R: Si Ate Verdeflor “Joey” Oconer kasama ang mga Community Organizers na sina Paulo Dominic Punzalan at Rovheen Conrad Bandola

Pagbabago sa Buhay

Matapos maging “ Huwarang Pamilya” sina Ate Joey, Oktubre ng nakaraang taon, nagdesisyon siyang magwaive  na sa programa. Naibahagi niya sa amin na sa tingin niya ay kaya na nilang tustusan ang pang araw-araw na kagastusan kaya siya nagdesisyon na kusa ng mag waive.  Sa mga salita ni Ate Joey, “ kaya na namin eh [kaya kami ako nagwaive]”. Napromote na din kasi ang kanyang asawa nung mga panahong yun at pati siya ay kumikita na mula sa paggawa ng mga pastries. Nakabili rin sila ng sariling sasakyan at nakapag patayo ng bahay. “…natulungan na kaming [ng programa] na tumayo sa sarili naming, maraming salamat sa pagtulong… I am very grateful and it is time..”, dagdag pa ni Ate Joey.

Lubos-lubos ang  mga pagbabagong natamasa ni Ate Joey at ng kanyang Pamilya matapos maging bahagi ng programa. “Marami… maraming nabago sa akin, dati kasi sa bahay lang ako. Ngayon na-explore ko na pwede pala akong maging lider and I have the ability to speak to peoplena-develop ako…”pagbabahagi ni Ate Joey.

“Maganda ang naidulot sakin ng Pantawid Pamilyang Pilipino Progam kasi dito ako nag-grow.” buong pagmamalaking sabi ni Ate Joey.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang paggawa ni Ate Joey ng mga masasarap at magagandang mga cakes at pastries. Parami na rin ng parami ang kanyang mga costumers. Malapit na rin magretiro ang kanyang asawa. Dagdag pa ni Ate Joey, hindi lang ang pamilya niya ang natulungan niya noong naging bahagi siya ng programa, kahit papaano ay nakakatulong siya sa kanyang ibang pamilya.

Patuloy ang Pangarap

 Dahil sa unti – unti na niyang natutupad ang mga pangarap niya para sa sarili at pamilya, gusto niya na mabigyan naman ang kanyang ibang pamilya ng pagkakataon na makaahon sa hirap. Gusto niyang matulungan ang mga kapatid ng kanyang asawa. Samantala, pangarap niya sa kanyang mga anak na balang araw, magkatapos ang mga ito sa pag- aaral at magkaroon ng sariling pamilya. Pangarap din ni Ate Joey na makapaglibot sa ibang bansa. Nabanggit na niya sa amin na mayroon na siyang ipon at malapit na niya itong matupad.

Nagbigay din si Ate Joey ng ilang mga payo na maari nating magamit lahat. Sabi niya, “ Ang pag- asenso ay nasa tao, wala kung kanino… it is up to you para i-build ang buhay mo…. kailangan masipag at masikap ka”. Tunay na nagbibigay inspirasyon ang kwento ng pagsisikap ni Ate Joey. Tunay nga na ang pagsisikap ay nasa kamay mo!

Posted in newsComments (0)

Breadwinner

From L-R: Pantawid Community Organizer, Ms. Remely Barros; Aling Nancy; and Pantawid City Link, Ms. Mildred Campued

Nancy Alberca, 51 years old, a member of Pantawid Pamilyang Pilipino Program since 2013 is one of the active parent leaders at Barangay Pasong Putik, Quezon City. She was elected as a president of Kababaihan

Association in the same Barangay. She was married and blessed to have (eight) 8 children, (five) 5 of those have their own families and three of them are still studying in grades 4, 5 and 8 level. They are all doing their best to achieve good grades. Nancy and her family originally came from Bicol, they moved to Manila with the belief that opportunities are waiting for them and that they can have a better life. They live in the house that was given to her by her relative. Nancy was a sampaguita vendor before she became a Pantawid Pamilya member.

She is the breadwinner of the family because her husband is suffering from tuberculosis. The health center of the barangay provides free medicines for her husband’s maintenance, but it is not regular and continues. Her husband’s medicine costs Php200 a day. In this case, Nancy should work very hard to provide and save at least Php200 for the medicines of her husband. She was blessed to receive support from their children, but it is not enough for their expenses and other needs.

Nancy is the caretaker of the vacant lot near their house. She asked permission to the landowner if she could use the area to transform it into a garden. The landowner agreed to Nancy’s idea and allowed her to use the 300 square meters land. “Malaking tulong ang garden na ito sa amin dahil bukod sa napagkukunan namin ito ng pagkain nakakadagdag din ito sa pang araw-araw naming kita,” she shares.

It was in 2013 when Nancy with the help of her supportive family started to garden. Over the years, they were able to develop and maintain the area into a productive and profitable garden with plenty of herbal plants and varieties of fruits and vegetables; such as okra, tomatoes, eggplants, horseradish, bitter melon, luffa, bottle gourd, and Malabar spinach among others. It also serves as an area for relaxation and family bonding. Gardening is a therapeutic activity that helps Aling Nancy to destress and unwind.

When she was in Bicol she already had skills and knowledge in gardening and later on apply it in urban gardening in Barangay Pasong Putik. By the help of the City Link of Operations Office 4 of District 5 Ms. Mildred Campued, Nancy was given an opportunity to attend training regarding to Urban gardening sponsored by the SM Foundation. She had a 22 weeks of training and it helped her gain more knowledge and learn more skills in gardening. She was also helped by the local government unit and the Department of Environment and Natural Resource (DENR) to sustain her garden by providing free training, tools, seeds and seedlings.

Waste materials converted into organic fertilizer

Nancy shared how the garden helps her family’s daily needs, it served as their food consumption, medical needs through taking herbal plants, and most of the time for marketing. It makes them become resourceful by using their old plastic bottles into pots and used for her vertical garden. Nancy and her family also become more eco-friendly by keeping and converting waste materials into an organic fertilizer. She also experienced some challenges in gardening like pest destroying her plants, maintaining the cleanliness of the garden, and having unhealthy plants due of direct sunlight and heavy rain. Some of her neighbors also stole her vegetables from the garden that is reason for her to fence the garden. She is also convincing her fellow Pantawid Pamilya members to have their own garden and she is willing to share her space in the garden with other Pantawid Pamilya members, in fact she is trying to convince them in the meeting particularly during FDS and parent group meetings.

Nancy sell her harvest crops and fruits and she earn 100 to 300 pesos a day. Her neighbors personally goes to her home to buy her produce so she do not have to go around to sell it. She use her income for the school expenses of her three children and other expenses for their basic needs. She is also using her herbal plants for her husband’s remedy. Aside from gardening, she is also selling doormat, “palaspas” and peanuts for her additional source of income.

Last 2007 Nancy was nominated as one of the contestants in their barangay for the  Malunggay Festival Contest. It is a contest organized by the DSWD Operations Office 4 to all barangays under district five of Quezon City and she won as 2nd placer. On the same year, she also joined the Urban Farming Contest that was organized by the local government unit. It is a gardening project, which is part of the cash-based alternative support. She won as the second placer and received Php7,000 cash price. She spent the money in buying additional new seeds and seedling in the market.

When I asked her what is her ambition in life, she said. “I would like to fulfill my dream of seeing my children finish their education and I believe that my garden will help me fulfill that dream.” She ended her story and hoping to share her skills in gardening with her fellow Pantawid Pamilya members that are willing to spend time and resources to go into organic gardening not only to offer healthy vegetables but also to showcase that we can do farming even in urban areas.

 

 

Posted in newsComments (0)

Listahanan 2 Database

The results of the 2nd Round Household Assessment through the Proxy Means Test conducted in December 2015 are readily available for sharing to DSWD-NCR’s partner NGAs, NGOs and LGUs.

Out of 1,208,807 assessed households, 96,466 of which are identified poor while 1,112,341 are non-poor. This assessment was conducted in sixteen (16) cities and one (1) municipality in the National Capital Region (NCR).

Data sharing partnerships with various social protection stakeholders are established through a memorandum of agreement to ensure data privacy and to guarantee that the data will only be used as guide for selecting beneficiaries and developing various poverty alleviation and social welfare and development programs.

Listahanan is an information management system that identifies who and where the poor are in the country. It is also an effective mechanism to conduct a fair and transparent selection process for various government programs. It serves as a means to improve the governance by removing political patronage from distribution of public resources to citizens.

Therefore, DSWD encourages other Local Government Units to enter data sharing partnership through Memorandum of Agreement to access the list of poor household of Listahanan 2. ###

Posted in newsComments (0)

Istorya ng Tagumpay ng Pamilya Raborar

Masayang ngumiti sa harap ng kamera ang Pamilya Raborar na kinuhanan sa bago nilang tirahan

Nagtrabaho noon bilang katiwala sa lupain ng isang nagsarang pagawaan ang mag-asawang Serafina at Renato Raborar. Nakapag patayo sila doon ng maliit na bahay kung saan nila napalaki ang kanilang pitong anak. Subalit, taong 1998, sa ikatlong taon ng kanilang paninilbihan, ang lupain ay nabili ng panibagong kumpanya at sila ay pinaalis sa kanilang tinitirahan.

Dito nagsimula ang buhay kariton ng Pamilya Raborar. Saksi ang kahabaan ng Gregorio Araneta Avenue sa pagsusumikap ng pamilya upang mairaos ang kanilang pang araw-araw. Nagtrabaho si Mang Renato bilang isang construction worker habang pangangalakal sa umaga at pagbebenta ng lutong ulam sa hapon naman ang diskarte ng ilaw ng tahanan na si Nanay Serafina. Ikinakabit nila sa mga poste ng kuryente ang mga tali ng luna na nagsisilbing  bubong nila sa gabi. Kinakaharap din ng pamilya ang mga banta ng pagpapaalis ng mga awtoridad sa mga itinuturing na hambalang sa kalsada at ang mataas na baha sa tuwing umuulan.

Sa kabila ng kanilang kondisyon ay batid ng pamilya ang kahalagahan ng edukasyon kung kaya’t pinagsumikapan ng mag asawa na mapag aral ang lahat ng kanilang anak.

Pantawid Pamilyang Pilipino Program

Mula sa kariton, ito na ngayon ang inuupahang bahay ng pamilya Raborar

Bilang pagpapaigting sa mga adhikain ng Departamento, pinalawig ng programa ang pagbibigay tulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pagkilala sa pangangailangan ng mga pamilyang walang tahanan. Isa sa mga naging miyembro ay ang Pamilya Raborar taong 2015. Nabigyan ng pagkakataon ang pamilya na makatanggap ng benepisyong naka sentro sa pangangailangang pangkalusugan at edukasyon ng kanilang mga anak. Nasuportahan din nito ang kanilang pangangailangan na makahanap ng bagong tirahan sa pamamagitan ng Modified Conditional Cash Transfer – Homeless Street Families gayun din ang panimulang puhunan para sa pagpapatuloy ng kanilang pinagkakakitaan sa tulong na rin ng iba pang programa ng DSWD

Sa kasalukuyan, napalago ni Nanay Serafina ang kanilang negosyo. Mayroon na silang munting tindahan na nakatayo sa tapat ng lupa ng dating kumpanyang kanilang tinirahan sa kahabaan pa rin ng G. Araneta. Kung dati ay sa gabi pagkatapos nang pangangalakal lamang siya nakakapagtinda ng ulam, ngayon ay bukas na siya simula umaga upang mag-alok ng makakain sa kaniyang mga parokyano. Patok din sa mga nagtatrabaho sa pagawaan at mga drayber ng mga nagdaraang trak ang pamatid uhaw niyang gawa sa sabaw ng buko. Kung dati ay hindi tiyak ang kanilang kita sa pangangalakal, ngayon ay sapat na sa pangangailangan ng pamilya ang kaniyang kinikita at nakakapag impok pa siya.

Hindi huminto sa pagtatrabaho bilang construction worker si Tatay Renato. Sa tulong ng programa ay napadali ang kaniyang pagtustos sa pag-aaral ng kaniyang mga anak. Napagtapos niya ang dalawa sa mga ito mula sa isang pribadong kolehiyo at ngayon ay nakikipagtunggalian na sa kanilang mga napiling karera. Ang dalawang pinakabata naman ay kasalukuyang nag-aaral ng kolehiyo sa magkaibang pribadong unibersidad.

“Malaki ang tulong sa akin ng programa. Mas naging positibo ang pananaw ko sa buhay. Natuto akong pahalagahan ang mga tao sa paligid ko, tamang paggastos ng pera, ingatan ang aking negosyo at higit sa lahat mag-ipok ng pera,” sagot ni Serafina sa tanong kung ano ang mga napansin niyang pagbabago sa kaniyang sarili dulot ng programa.

Isa sa mga higit na pinagpapasalamat ni Serafina ang pagkakaroon nila ng maayos na tirahan. “Hindi ko na gugustuhing bumalik sa kariton,” sambit niya. “Nakita ko ang pagbabago sa pamilya ko – sa asal nila.” Tinukoy ni Nanay Serfina ang pagtaas ng tiwala sa sarili ng kaniyang mga anak at ang pagkatuto ng mga ito na makipag kapwa tao. Ikinatutuwa rin niya na nailalayo niya ang kaniyang mga anak sa mga panganib sa kalsada. “Ito yung masasabi kong nagkaroon kami ng new home.”

Nais ni Serafina na kapulutan ng aral ang kanilang istorya lalo na sa mga tulad niyang namuhay sa kariton. Mula sa buhay na tinutulak tulak lamang siya ng pagkakataon, ipinagmamalaki nila Nanay Serafina at Tatay Renato na siya na ang may hawak at kontrol ngayon ng kaniyang buhay.

Ang kwento ng pamilya Raborar ay itinampok din sa DZMM Radyo Negosyo kasama si Carl Balita noon ika-2 ng Hunyo, 2018.

Posted in newsComments (0)

Pag-ibig at Pagkakaisa, Sandigan sa Tuwina

Si Ms. Analyn Quilong-Quilong habang siya ay iniinterbyu

Sa bawat maaga niyang paggising sa umaga, sa bawat matutulin niyang hakbang papuntang eskwelahan,sa bawat malinis na papel na madiin niyang sinusulatan, sa bawat pindot niya ng calculator, sa mga madalian at mabilisang pagbibilang ng mga kumplikadong numero, nasa kanyang isipan ang kanyang pamilya.

Si Analyn Quilong-quilong, 37 taong gulang, kasama ang kanyang buong pamilya ay nakikipag-sabayan sa maiingay at matutulin na takbo ng mga sasakyan, sa nag tataasang mga gusali, at sa mabilis na takbo ng buhay nila sa masisikip na espasyo ng Tondo. Bago pa man nasama sa Pantawid Pamilya ng Pilipino Program ang kanilang pamilya, ang kanyang butihing asawa na si Gerry Quling-quilong ang kanyang  naging kasangga sa anumang hamon ng buhay. Pareho silang mag-asawa na high school lamang ang natapos kung kaya’t hindi makapasok sa trabahong mataas ang sweldo. Si Gerry ay nagtatrabaho bilang driver sa isang kompanya ngunit hindi ito regular. At ang kanyang asawa naman ay isang butihing ina na nag-aalaga sa kanilang mga anak na nasa elementarya pa lamang noon. Sina Gelan, Gerah Mae at Geran ang naging inspirasyon nilang mag-asawa na mangarap sa buhay. Dahil ang kanyang asawa lamang ang naghahanap buhay sa pamilya, dumarating ang mga sitwasyon sa kanilang buhay na hindi nila maibigay ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak at ito’y nagdudulot ng kalungkutan sa kanila bilang mga magulang.

Bagama’t salat sa buhay, sagana naman sila sa pangarap. Pinangarap nilang mag-asawa na makapagtapos ng pag-aaral ang kahit isa man lamang sa kanila upang pag dating ng panahon ay matustusan nila ang mga pangagailangan ng kanilang pamilya. Kung kaya’t, sinubukan ni Analyn na makapag hanap ng scholarship, at sa awa ng Diyos, siya ay natanggap sa Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology. Laking pasasalamat ng mag-asawa nang siya ay makapasok dito ngunit ito pala ang magdudulot ng mas mabigat na pasanin sa mag-asawa. Dahil apat na sila sa Pamilya na nag-aaral, hindi maipagkaila ni Analyn na hirap na hirap sila sa buhay. Ni isang kamag-anak ay wala silang malapitan upang mahingan ng tulong. Kailangan ng kanyang asawa na magbanat ng buto upang matustusan lamang ang pangangailangan nila. Kinakailangan niyang magtrabaho araw at gabi  upang  maisakatuparan lamang ang kanilang pangarap.

Totoong napakabigat sa kanilang mag-asawa ang naging desisyon nilang mapag-aaral ang isa sa kanila. Halos isipin na ni Analyn kung dapat pa ba nila itong ipagpatuloy. Ngunit hindi nila alam na isang panibagong biyaya ng Panginoon ang darating sa kanilang pamilya sa panahon ding iyon. Taong 2011 ng mapabilang ang kanilang pamilya sa Pantawid Pamilya Pilipino Program. Kasagsagan ito ng kanyang pagsisimula bilang isang estudyante kung saan naisip na nilang ihinto.Subalit sa tulong ng programa, nabigyan ang kanilang pamilya ng pagkakataon na  ipaglaban pa at ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap.

“Naitaguyod ko ang pag-aaral ng aking mga anak dahil sa programa”, ito ang sabi ni Analyn. Laging compliant ang status ng kanilang pamilya sa programa. Naintindihan nilang mag-asawa ang kahalagahan ng programa sa kanilang buhay at pati na ang mga kondisyonales nito. Napagtanto nila na ang tanging hangad lamang ng programa ay kasaganaan sa kanilang buhay dahil sa bawat pagsunod nila sa mga kondisyonales nito ay sila pa rin ang nakikinabang. Naging parent leader si Analyn ng dalawang taon sa programa at masaya niyang ginawa ang kanyang mga responsibilidad dito. Ayon pa kay Analyn, malaking dagdag na kaalaman sa kanilang mag-asawa ang mga naging mga paksa sa Family Development Session lalo na ang mga usapin ukol sa pagiging mabuting mga magulang. Kaakibat ang iba’t-ibang paksa ay ang mga makahulugan nitong gawain na mas luminang pa ng kaalaman at katauhan ni Analyn na siya namang ipinapadama niya sa kanyang asawa at mga anak. Ang bawat pangaral at mainit na dampi ng kanyang pagmamahal ay tunay na nadarama ng kanyang pamilya.

“Ang pag-aaral ay ang tunay na sagot upang matapos ang siklo ng kahirapan”, ito ang sabi ni Analyn Quilong-quilong na ngayon ay nakapagtapos na ng kursong Bachelor of Science in Mathematics. Hindi maitago sa kanyang mata ang tuwa at ginhawa na naidulot nito. Para sa kanya, kung wala ang programa hindi nila matutupad ang kanilang mga pangarap sa buhay na mag-asawa. At ito ay patuloy nilang ipinag papasalamat sa Panginoon hangang ngayon. Gusto ni Analayn na ipamana sa kanilang mga anak ang pagbibigay ng kahalagahan sa pag-aaral. Ngayon, si Analyn ay dalawang taon nang Social Welfare Assistant ng kagawaran. Sa bawat araw na siya ay pumapasok sa trabaho ay binibigyang halaga niya ito at maayos niyang ginagampanan ang kanyang responsibilidad dahil alam niyang marami ang natutulungan sa kanyang ginagawa.

Marami pang pangarap si Analyn para sa kanilang pamilya. Isa na rito ay ang pagkakaroon ng sariling bahay at negosyo at ang mapagtapos ang kanilang mga anak. Hinahangad din ni Analyn na magpatuloy pa ang programa dahil tunay nga na marami ang natutulungan nito. Ang tanging payo lamang niya sa mga nasa programa pa rin hanggang ngayon ay ang gamitin ang natatanggap na grants kung saan man ito nararapat. Ang matalinong paggamit nito ay syang magiging daan sa mas matiwasay na buhay. Sa ngayon, masasabi niyang kaya na nilang tustusang mag-asawa ang pangangailangan ng kanilang pamilya. “Binigyan ako ng programa ng tiwala sa sarili, tiwala na kaya ko na mapagtapos naming mag-asawa ang aming mga anak”. Ito ang huling pahayag ni Analyn Quilong-quilong sa naging interview sa kanya. Bagama’t alam niyang marami pang pagsubok ang kanilang pagdadaanan, naniniwala naman siyang ang mahabaging Diyos ang patuloy na gagabay sa kanilang pamilya at ang bawat pangarap nila ay matutupad sa tamang panahon hangga’t pag-ibig at pagkaka-isa ang nangingibabaw sa kanilang pamilya.

Posted in newsComments (0)

Page 1 of 5312345...102030...Last »

Tweets from @dswdNCR

Donate Online

Archives

PHVsPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cHM6Ly9uY3IuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC91cGxvYWRzLzIwMTgvMDcvZHN3ZEA2Ny5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8yPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yi5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yy5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1ZC5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9tcHVfYWRzZW5zZTwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9kaXNhYmxlPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbS9hZHMvMzAweDI1MGEuanBnPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfbXB1X3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9hZHNlbnNlPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX2Rpc2FibGU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtICBodHRwczovL25jci5kc3dkLmdvdi5waC93cC1jb250ZW50L3VwbG9hZHMvMjAxOC8wNy9OQ1Itd2ViLWJhbm5lci0xLnBuZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF91cmw8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwczovL25jci5kc3dkLmdvdi5waDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cHM6Ly9uY3IuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC91cGxvYWRzLzIwMTgvMDcvZHN3ZEA2Ny5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF91cmxfMjwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzQ8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZHNfcm90YXRlPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hbHRfc3R5bGVzaGVldDwvc3Ryb25nPiAtIGdyZWVuLmNzczwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2F1dGhvcjwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYXV0b19pbWc8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2N1c3RvbV9jc3M8L3N0cm9uZz4gLSA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19jdXN0b21fZmF2aWNvbjwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHBzOi8vbmNyLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvNC1mYXZpY29uLnBuZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlYXRfZW50cmllczwvc3Ryb25nPiAtIDY8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19mZWF0dXJlZF9jYXRlZ29yeTwvc3Ryb25nPiAtIGZlYXR1cmVkPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVlZGJ1cm5lcl9pZDwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlZWRidXJuZXJfdXJsPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZ29vZ2xlX2FuYWx5dGljczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWVfdGh1bWJfaGVpZ2h0PC9zdHJvbmc+IC0gNTc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19ob21lX3RodW1iX3dpZHRoPC9zdHJvbmc+IC0gMTAwPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29faW1hZ2Vfc2luZ2xlPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19sb2dvPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cHM6Ly9uY3IuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC93b29fdXBsb2Fkcy84LWRzd2RuZXdsb2dvMS5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19tYW51YWw8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vc3VwcG9ydC90aGVtZS1kb2N1bWVudGF0aW9uL2dhemV0dGUtZWRpdGlvbi88L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19yZXNpemU8L3N0cm9uZz4gLSB0cnVlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvcnRuYW1lPC9zdHJvbmc+IC0gd29vPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd19jYXJvdXNlbDwvc3Ryb25nPiAtIHRydWU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19zaG93X3ZpZGVvPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3NpbmdsZV9oZWlnaHQ8L3N0cm9uZz4gLSAxODA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19zaW5nbGVfd2lkdGg8L3N0cm9uZz4gLSAyNTA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb190YWJzPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb190aGVtZW5hbWU8L3N0cm9uZz4gLSBHYXpldHRlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fdXBsb2Fkczwvc3Ryb25nPiAtIGE6Njp7aTowO3M6NjU6Imh0dHBzOi8vbmNyLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvOC1kc3dkbmV3bG9nbzEucG5nIjtpOjE7czo2NDoiaHR0cHM6Ly9uY3IuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC93b29fdXBsb2Fkcy83LWRzd2RuZXdsb2dvLnBuZyI7aToyO3M6NjU6Imh0dHBzOi8vbmNyLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvNi1kc3dkbmV3bG9nbzEucG5nIjtpOjM7czo2NDoiaHR0cHM6Ly9uY3IuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC93b29fdXBsb2Fkcy81LWRzd2RuZXdsb2dvLnBuZyI7aTo0O3M6NjA6Imh0dHBzOi8vbmNyLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvNC1mYXZpY29uLnBuZyI7aTo1O3M6NjQ6Imh0dHBzOi8vbmNyLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvMy1kc3dkbG9nb193cC5wbmciO308L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb192aWRlb19jYXRlZ29yeTwvc3Ryb25nPiAtIHZpZGVvPC9saT48L3VsPg==