Archive | news

DSWD NCR celebrates 44th PYAP Day

The Department of Social Welfare and Development – National Capital Region in partnership with the Pag-asa Youth Association of the Philippines National Capital Region (PYAP NCR) celebrates its 44th year Anniversary with the theme; “Redefining of Filipino Youth in Nation towards Sustainable Development” last July 27, 2018 held at Marikina Sports Complex.

The activity commenced with the parade participated by the 17 LGUs followed by the invocation from Marikina and an opening message from DSWD NCR Regional Director Vincent Andrew T. Leyson.

This is a momentous day for the members of PYAP as they were gathered to showcase their talents, mingle with friends and enjoy the extraordinary experience. DSWD NCR prepared various Palarong Pinoy, different contests such as Poster Making, Spoken Word Poetry, and among others which the youth participated actively. The highlight of the event is the Search for the Ambassador and Ambassadress of PYAP NCR 2018.

The main event started right after the presentation of the LGUs featuring the different festivities celebrated by provinces in the Philippines.  The youth participants prepared the National Costume, Casual Wear, Formal Wear and Talent of their respective representatives. Confidence of the contestants vying for the title was shown during the Question and Answer Portion.

Mr. Kenneth Friginal of Marikina City and Ms. Jimmaine Bernabe of Valenzuela City are hailed the PYAP Ambassador and PYAP Ambassadress 2018, respectively. On the other hand, Russel Maedali of Pateros and Mariel Dulay of Marikina City were awarded 1st runner up. San Juan City representatives Jervin Torres and Marian Kimberly Recel got the 3rd runner up award.

This event aims to promote the development of the out-of-school youth and other disadvantaged youth to become self-reliant, economically productive, and socially responsible citizens able to contribute to the development of their family and community.

The Pag-asa Youth Association of the Philippines, Inc. or PYAP is a duly constituted barangay-based organization of the out-of school-youth between 15-24 years old who are eager to pursue their dreams to become better persons within their community. ###

Posted in newsComments (0)

Tapat na Paglilingkod

PL’s training-orientation sa pangunguna ni Ginoong Lolito Tuplano na dinaluhang ng 13 Parent Leaders noong Hunyo 21-22, 2018

 

Ang tapat na paglilingkod ng mga kawani ng gobyerno ay makatutulong sa pagkakabuklod ng mga Pilipino: ito ang prinsipyong isinasabuhay ni Ginoong Lolito M. Tuplano Jr. o mas kilala sa tawag na Tolits. Maliban sa kanyang ipinamalas niyang sipag at tiyaga bilang isang City Link ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan partikular sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay naging kilala din siya sa kanyang kabutihan sa lahat ng kanyang mga kasamahan sa trabaho at mga benepisyaryo ng programa.

Si Tolits ay nagsimulang magsilbi bilang isang City Link mula taong 2011 at mahigit na pitong taon na siyang tumutugon sa pangangailangan ng mga miyembro ng Pantawid Pamilya sa Pasay City.

Masigasig na ginagampanan ni Tolits kanyang mga tungkulin bilang isang City Link. Isa sa mga regular na ginagawa niya ay ang Family Development Session (FDS) isang beses sa isang buwan.  Hindi lang siya nagtatalakay ngunit nagsasagawa din siya ng malikhaing FDS sa pamamagitan ng aktibidades/workshop sa bawat grupo tulad ng dula-dulaan at pagpapangkat batay sa konsepto ng kanyang paksa. Sinisigurado niya na pagkatapos ng sesyon ay natutugunan niya ng bawat isyu o alalahanin ng kanyang benepisyaryo.

Regular din niyang isinasagawa ang pagsubaybay sa mga batang benepisyaryo na nag-aaral sa paaralan at mga nagpapakonsulta sa Health Center para sa wastong nutrisyon at pagkakaroon ng mabuting kalusugan. Siya ay regular na nakikipag-usap sa mga Focal Persons sa eskwelahan at Health Center para pagtibayan ang koordinasyon sa kanila at tiyakin na ang mga bata ay nasusubaybayan nang maayos.

Personal siyang bumibisita sa mga pamilyang miyembro lalo na sa mga consistent non-compliant upang masuri niya ang dahilan ng kanilang pagliban sa mga aktibidad ng programa. Pinaliliwanag niya ang kabutihang maidudulot ng FDS sa kanilang pamilya.  May mga pagkakataon din na nagsasagawa din siya ng espesyal na FDS sa mga hindi nakakadalo sa kanilang skedyul.

Kanyang isinasaalang-alang din ang pagbibigay ng oportunidad para sa trabaho o pangkabuhayan upang mapataas ang pang-ekonimikong kalagayan. Kamakailan ay inimbitahan niya din ang ahensya ng Pacific Star upang magsagawa ng orientasyon sa mga benepisyaryong may kakahayan o skills na maaring mapalago at magsilbing oportunidad para sa trabaho na makatutulong sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Ayon sa kanya, “Alam naman natin na limitado lamang ang serbisyo na binibigay ng ahensya kaya ang isa sa aking ginagawa ay ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya na maaaring magbigay ng iba pang serbisyo na magdadagdag benipisyo para sa pamilyang aking pinagsisilbihan.”

Nagsagawa din siya ng Bazaar noong taong 2015 at 2016 na dinaluhan ng mga benepisyaryo ng iba’t ibang barangay sa Pasay upang ilatag ang kani-kanilang produkto at paninda para kumita at makatulong sa kanilang hanapbuhay.

Nagkaroon siya ng inisyatibo upang paunlarin ang urban gardening sa kanilang lugar.  Pinagtibay niya ang koordinasyon sa punong barangay, opisyales, at Homeowners Association sa Barangay 201. Unti-unting lumaganap sa hinahawakan niyang mga benepisyaryo ang konsepto ng urban gardening, ang proseso ng pagtatanim at pagpapalaki ng anumang uri ng halaman, prutas, o gulay sa loob ng isang komunidad.  

Nagsagawa din siya ng inisyatibo upang magkaroon ng capability building para sa mga bagong halal na Parent Leaders sa kanyang lugar. Siya ay nagdaos ng oryentasyon at workshop patungkol sa iba’t ibang sistema na mayroon ang programa, tungkulin ng isang lider, at pagtuturo ng paraan upang maiwasan ang stress o tensiyon para sa mga Parent Leaders noong Hunyo 21-22, 2018 sa Barangay 201. Ang kanyang mga natutunan na stratehiya sa mga trainings at seminar na kanyang dinaluhan ay kanyang ibinahagi sa kanila.

Ngunit ang kanyang kaibahan sa ibang City Link ay ang mga inisyatibong kanyang ginawa upang maging mas maginhawa ang buhay ng kanyang mga benepisyaryo. Sinusugurado niya na ang bawat isyu at alalahanin ng kanyang miyembro ay kanyang tinutugunan. Hindi man lagi sa pinansyal na paraan ngunit sa pagpapatibay ng kanilang kalooban at pagbibigay ng karampatang solusyon batay sa kanilang pangangailangan.           

Ito ay pinatuyan ni Ginang Rosalinda Pimentel, isang benepisyaryo. “Alam ninyo po, si Sir Tolits, lagi siyang handang magresponde lalo na noong nasunugan kami dito sa Barangay 201, nagpupunta siya dito may pasok man o wala. Minsan nga magugulat na lang kami at nandito siya kahit Sabado. Talagang binabantayan ni Sir Tolits kung maayos ang bawat pamilya na apektado ng sunog. Tapos kakamustahin ka niya kung ano ang kalagayan mo. Isang napakalaking bagay na iyon,” sabi ni Ginang Pimentel.

Si Ginang Liza Doring, isa ding miyembro ng programa, ay nagpatunay din sa pagmamalasakit ni Tolits. “Naalala ko noong nagpasama si Sir Tolits na bumisita sa mga bahay-bahay para siya ay magsagawa ng one-on-one na balidasyon, at biglang umulan. Nakita niya ang isang member, matanda na si nanay, senior citizen na at walang dalang payong. Sobra akong naantig sa ginawa niya dahil pinahinto niya muna ako sa may silong at inihatid ang miyembro sa kanyang bahay. Hindi ko akalain na sobrang malaki ang puso niya lalo na pagdating sa mga nakatatanda sa kanya.”

“Isa sa hindi ko makakalimutan ay noong dying ang ang ina, nagsabi ako kay Sir at sinabihan niya ako na magproseso ng mga kailangan at inirefer sa CIU sa DSWD-NCR. At ayoko man sabihin pero nagbigay din siya ng tulong pinansyal at pinalakas niya ang aking kalooban”, ayon kay Ginang Rose, isang Parent Leader. “Isang araw noong kami ay may meeting ay bigla akong tinanong ni Sir, “Ate, may gusto ka ba sabihin, may problema ka po ba na gustong pag-usapan?” Ayon pa sakanya,  “Pilit kong sinasabi na wala akong problema pero si Sir handang makinig at dahil doon hindi na ako nahiyang magsabi sa kanya kahit wala itong kaugnayan sa programa at ito ay personal.”

Si Ginoong Tuplano Jr. ay may taglay ding malaikhaing pag-iisip at laging nakaalalay upang magbigay ng suportang moral. Nang magkaroon ng paligsahan ng Ginang at Ginoong Pantawid noong nakaraang taon na ginanap sa Teatro Marikina, tumulong si Ginoong Tuplano Jr. para sa magiging kasuotan ng benipsyaryo sa paligsahan. Pinagpuyatan niya ito ng ilang araw sa gitna ng maraming trabaho.  Siya din ay nakasuporta at nakasubaybay tulad ng kanyang pag-alalay sa mga benepisyaryo niyang naging kandidato sa Huwarang Pamilya.

Ang pagiging committed niya sa kanyang trabaho ay ang dedikasyon niya sa mga tungkulin na kanyang ginagampanan. Tunay din na nakitaan siya ng pagpapahalaga sa kanyang mga benepisyaryo. Pinagbubuti niya ang mga gawaing nakaatang sa kanya, inuuna niya ang kabutihan ng  nakararami, at hindi siya tumatanggap ng pabuya sa anumang paglilingkod na kanyang ibinibigay sa benepisyaryo.

“Nabigyan ako ng pagkakataon na makapaglingkod sa bayan sa pamamagitan ng aking trabaho kaya dapat itong pagbutihan. Napakasarap na makita mo na ang mga benepisyaryo na iyong pinaglilingkuran ay masaya sa nagawa mo na labis na nakakatulong sa kanila. Ang sarap sa pakiramdam kapag nakita mo ang ngiti ng iyong miyembro, ito ay higit pa sa mga parangal at iba bang rekognisyon na maaring iagawad sa iyo, ” sabi ni Tolits.

Posted in newsComments (0)

The Power of Effort

 

Pantawid Members during seed distribution on April 20, 2018 at M. Hizon Elementary School

 

“Noong simula ay marami kaming nagtutulungan sa garden. Ngayon kahit kaunti na ang natira, hindi yun naging dahilan para tumigil kami,” said a passionate Pantawid Pamilya gardener of M. Hizon Elementary School.

When the garden started in 2016 with the help of their City Link, there were 60 members who participated in the initiative.  It was launched with the Pantawid Pamilya’s initiative without attending SM Foundation’s Kabalikat sa Kabuhayan Urban Farmer’s training.

Upon establishing their garden, they received help from M. Hizon Elementary School, which gave them permission to use the land within the school’s perimeter with an agreement of harvest sharing. Pantawid Pamilya members sometimes consumed their harvest or sold it and used the money to buy seeds and other gardening tools as part of their initiative. They received seedlings last April through the coordination of City Link – Community Organizers with the Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“Minsan dito na kami kumukuha ng uulamin naming. Kapag may harvest ay naghahati-hati kami, o kaya naman minsan kapag pwede na kukunin na lang namin. Malaki ang tulong nito para sa mga bata dahil natuturuan namin silang kumain ng gulay,” one of the farmers said when asked about the impact of the Gulayan sa Barangay project on their family.

However, as time went by, the number of the members working on the garden dwindled, until only three farmers remained.

“Siguro eto yung realidad talaga para sa aming mga nagtatanim na kakaunti na lang kami. Pero ganoon pa man, kahit bahain, malubog, at masira yung mga tanim namin ay gusto naming itong ginagawa naming kaya babalik at babalik pa rin kami,”  one of the members said. Sustaining a garden is not easy. A lot of challenges came from every direction. Through their garden, the members of the Power Puff Garden want to serve as an inspiration. Regardless of the situation they are in, they will continue to be committed to their work.

When asked what is special or extraordinary about their garden, one respondent proudly said it was “effort”. The respondent said that their effort has not only helped in growing their garden, but their knowledge as well. There have also been several instances when they went the extra mile for their garden.”Minsan kahit bumabagyo na nagpipilit pa rin kaming pumasok sa eskuwelahan para tignan yung garden kase yun ang pinaka-kalaban namin dito yung ulan,” one of the members said.

The remaining members are still hoping that the Pantawid members who have abandoned the garden will return and become involved in the Gulayan once more, especially since they are planning develop and improve their garden by applying other methods of gardening. They have also saved seeds that will be planted after they harvest. The farmers are looking forward to a bountiful harvest as they forge on with their steadfast dedication to the garden.

The story of the PowerPuff Garden provides a glimpse on the reality of establishing and maintaining a Gulayan. Sometimes only a few members will stay committed and it will be a challenge for the program implementers to make Pantawid Pamilya members recognize the positive outcome from the initiative and how it will help their family not just in terms of food security, but how it will help them develop themselves individually and as a member of the community.

It is truly a challenge to encourage all Pantawid Pamilya partners to engage in urban gardening.  But aside from the nutritious vegetables and fruits, the essence of camaraderie and lessons about responsibility are some of the valuable outcomes that members could harvest from the Gulayan.

Posted in newsComments (0)

From Ms. Volunteer to Ms. Kawani ng Gobyerno

 

Si Annaliza Hipolito isang Child Welfare Assistant ng Maynila

 

Ang mundong ito ay puno ng kwento. Samu’t saring kwento ng buhay na nagbibigay sa atin minsan ng luha o kaya nama’y mga ngiti sa labi. Ang kwentong ito na hango sa totoong buhay ni Ginang Annaliza Hipolito, isang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, siya ngayon ay isang kawani na ng gobyerno.  Ito ang salaysay ng kanyang kadakilaan bilang isang ina, asawa, at masigasig na community volunteer.  

Si Annaliza ay 43 taong gulang ay ang mabuting maybahay ni Ginoong Esmer, 44 na taong gulang. Sila ay binayayaan ng apat na anak na sina Matthew Paul, dalawampu’t isang taong gulang, Nicole, labing-siyam na taong gulang, Julio labinlimang taong gulang at ang bunso ay si Ansherina, siyam na taong gulang.

Siya ay nakatuntong ng ika-apat na taon sa kolehiyo ngunit hindi naging madali ang kanilang pamumuhay sa kadahilanang walang permanenteng trabaho ang kaniyang asawa at suporta ng kanyang tatay ang kanila lamang inaasahan.  Hindi siya nakakakuha ng trabaho dahil siya mismo ang nag-aasikaso sa kanilang apat na supling at ang kanyang asawa ay hindi sapat ang kinikita sa mga on-call nitong trabaho.

Araw-araw ay pasan niya sa likod ang mga mabibigat na bag ng kanyang mga anak at magkasama nilang nilalakad nila ang malayong eskwelahan para lamang makapag-aral. Ang kanyang bunsong anak ay sakitin pa kung kaya’t  dagdag gastusin ito sa kanila.

Sa kabila ng mga hirap na dinaranas sa buhay nasa dugo ni Annaliza ang pagiging volunteer. Kung kaya nang nagkaroon siya ng pagkakataon ay naging volunteer siya sa isang parokya bilang isang coordinator sa Batayang Pamayanang Kristiyano. Naging volunteer at coordinator din siya sa mga batang iskolar ng Caritas at kahit na panggastos sa pamasahe lamang ang kanyang tinatanggap, buong puso niyang ginampanan ang kanyang tungkulin. Naging bahagi rin siya sa Clean Drive ng kanilang barangay at ito ang naging susi upang malaman niya ang tungkol sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Enero ng taong 2012 nang maging parte ang kanyang pamilya sa programa. Dahil isa siya ay kilala sa kanilang komunidad na masigasig na volunteer ay napili siyang maging Parent Leader.

Sa loob lamang ng isang taon sa programa ay maraming pagbabago ang nangyari sa buhay ng kanyang pamilya. Ang kanyang mga anak na dating naglalakad lang papuntang paaralan ngayon ay nag ta-tricycle na.

Natuto din si Annaliza na regular na ipacheck-up ang bunsong anak sa Health Center dahil sa Programa. Kung kaya’t nasusubaybayan at nabibigyan na ng gamot ang anak nito. Sa ngayon ito ay malusog at maiging nag-aaral sa pang-apat na baitang.

 

Hindi sila naging kampante sa nakukuhang tulong pinansyal. Bagkus, ginamit nilang mag-asawa ito sa tamang paraan. Nag sumikap silang mag-asawa at nagkaroon din ang kanyang asawa ng trabaho.

Tunay nga na ang mundo ay may mahiwagang paraan upang bumalik sayo ang lahat ng kabutihang binabato mo rito. Nang siya ay pumunta sa opisina ng ahensya ay nakita niya ang papel na nakapaskil sa bulletin nito na nangangailangan ng Social Welfare Assistant at hindi na siya nagdalawang-isip na magpasa ng resumé.

Kinausap rin siya ng kanyang City Link at tinanong siya kung papayag ba siyang lumisan sa programa kapag natanggap siya bilang isang kawani ng gobyerno. Pumayag siya at sinabi na “Mayroon pang mas maraming pamilya ang matutulungan ang Programa na maaring pumalit sa akin”.

Sa buwan ng Pebrero taong 2013 ay natanggap siya bilang Social Welfare Assistant. Sa tulong ng programa ay nagganyak siya na mag-aral ulit at ang kinuha na niyang kurso ay ang Social Work at nakatagal rin siya ng isang taon. Ngunit dahil nag-aaral ang kanyang dalawang anak sa kolehiyo ay nagtigil siya sa pag-aaral. Hindi nya kayang pagsabayin ang kanilang gastusin sa bahay at huminto sa pag-aaral. Ngunit pursigido pa rin siyang matupad ang pangarap niya na makapagtapos sa tamang panahon at maging isang rehistradong social worker.

Sa kasalukuyan, nakapagtapos na ang kanyang panganay na anak. Nagtatrabaho na ito at nakakatulong na din sa kanila habang patuloy ding nagsusumikap sa pag-aaral ang iba pa niyang anak. Ang kanyang asawa naman ay regular na sa trabaho at si Annaliza naman ay isa ng Child Welfare Assistant. Limang taon na syang kawani ng programa at maayos at buong puso niyang ginagawa ang kanyang tungkulin dito. Ayon pa sa kanya, “Hindi ko ramdam na ako’y nagtatrabaho, bukas sa aking loob ang pagsisilbi sa mga benepisyaryo ng programa dahil doon din ako nanggaling at kung hindi dahil sa programa wala rin ako ngayon dito”.

Posted in newsComments (0)

Pawis ng Pagsisikap

 

Si Ginang Babelyn at Ginoong Harmano sa kanilang
pinalagong sari-sari store

 

Ang mga problema na ating kinakaharap sa buhay ay hindi hadlang sa pag-abot ng mga pangarap, ito ay mga gabay lamang. Ito ang isinabuhay ni Ginang Babelyn Apayor, 44 na taong gulang, may asawa at tatlong anak at kasalukuyang residente ng Barangay Sucat sa bayan ng Muntinlupa.

Ibinahagi ni Babelyn kung papaano nila naitaguyod at nairaos ang kanilang pang araw-araw na pamumuhay mula sa kakapusan at pagiging salat sa pangangailangan sa tulong ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program

Bago pa man napabilang sa Pantawid Pamilya ay matatawag ni Babelyn ang kanilang pamumuhay na mahirap. Ayon sa kanya, kailangan nilang magsikap upang maitawid nilang mag-asawa ang pang araw-araw nilang pangangailangan at upang maibigay narin ang pangangailangan ng kanilang tatlong anak.

Nagsimula sa pagtitinda at paglalako ng mga gulay si Babelyn habang ang kanya namang asawa ay nagtitinda ng sorbet. Dahil sa hindi sapat ang kinikita ng mag-asawa ay namasukan si Harmano bilang taxi driver. Mula sa kinikita sa pamamasada ay sinisikap ng mag-asawa na makapagtabi ng kahit maliit na halaga para sa iba pang pangangailangan. Ayon pa kay Babelyn, hindi nila sinanay ang mga anak sa maluhong pamumuhay, at kung ano lamang ang inihain at ibinigay ay nagiging sapat na sa kaniyang tatlong anak. Kahit may pinagkakakitaan ang mag-asawa ay hindi parin madali na matugunan ang pag-aaral ng mga anak.

Noong taong 2011 ay napabilang si  Babelyn sa Programa. Isa sa kanilang tatlong anak ang napabilang ng Programa. Ayon sakanya, hindi kalakihan ang kanilang natatanggap mula sa gobyerno ngunit malaki ang tulong na naibibigay nito lalo na pagdating sa gastusin para sa anak at sa kanilang pag-aaral.

Malaking kabawasan din sa gastusin nina Babelyn ang pagtira nila sa lupa ng kanyang ina. Sa ngayon, dahil sa walang titulo ang lupa at rights lamang ang hawak nila ay ipinasok sa programa ng Community Mortgage Program ng Social Housing Finance Corporation ang lupang tinitirhan ni Babelyn, at upang magkaroon na ito ng titulo pag dating ng tamang panahon na matapos na nilang bayaran. Ito ay isa lamang sa mga pangarap ng pamilya ni  Babelyn na alam nilang matutupad kung sila ay patuloy na magsisikap.

Dahil sa pagiging aktibo ni Babelyn sa pagdalo sa Family Development Session (FDS), marami siyang natutunan at napahalagahan lalo sa buhay bilang pamilya at asawa. Kahit na naging meyembro ng programa si Babelyn ay hindi pa rin tumigil ang mag-asawa sa pagsisikap na maabot ang kanilang mga pangarap. Bukod sa magkaroon ng sariling bahay at makapagtapos ng pag-aaral ang mga anak ay ginusto din nilang magkaroon ng sapat na pinag kakakitaan. Sa bawat pawis ng pagsusumikap ay hindi tumigil ang mag-asawa na makamit ang pangarap. Sa loob ng Programa ay natulungan sina Babelyn sa gastusin sa paaralan at kalusugan ng kanilang bunsong anak na si Airamae.

Sa ngayon ay may sarili ng computer shop sina Babelyn bilang kanilang pangunahing pinagkakakitaan. At mayroon pa silang sari-sari store bilang kanilang pangalawang pinagkakakitaan. Nasa (P20,000) dalawampong libong piso ang buwanang bayarin nina Babelyn sa kanilang kuryente, tubig at internet. Kahit na malaki ang bayarin ay hindi naman nagkukulang ang mag-asawa sa mga pangangailangan. Nakakatulong rin sa kanilang gastusin ang kanilang pangalawang anak na nag tatrabaho sa Solaire.

Nais ibahagi ni Babelyn na ang tulong na nagmumula sa gobyerno ay panandalian lamang at hindi pang matagalan. Ito ay pansamantala at hindi pang habangbuhay kung kaya’t hindi kailangang himinto sa pagsusumikap at pangarap. Hindi kailangan na umasa lamang sa natatanggap kung hindi mamuhunan ng pawis at magsikap.

Na-udyok sila na lalong magsikap ay dahil hindi lahat ng oras at panahon ay aasa sila sa gobyerno, at kung darating man ang panahon na wala na ang Pantawid Programa ay nakatayo parin sila sa buhay.  Nasabi na lang ni Babelyn na “Sapat na sa amin ang natulungan ng gobyerno, at malaking bagay na yon para sa aming pamilya.” Malaking pasasalamat niya na noong sila ay naging kabilang sa programa ay natulungan sila nitong maitawid ang kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Posted in newsComments (0)

Emilio Aguinaldo College signs a Memorandum of Agreement with DSWD-NCR for the use of Listahanan 2 Database

The Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD-NCR) signed a Memorandum of Agreement with the Emilio Aguinaldo College (EAC), formalizing partnership for the use of Listahanan 2 Database to identify students who belong to the poor households and who may be eligible for the Tertiary Education Subsidy held on July 11, 2018 at EAC Boardroom.

“Being the first school which partnered with the Field Office, the establishment of the partnership is considered a major breakthrough,” Regional Director Vincent Andrew T. Leyson said.

On the other hand, EAC President Dr. Jose Paulo E. Campos gratefully stated that, “Education is a very important component for the children’s future especially for the least advantaged. With the help of DSWD NCR, we can identify students who are really in need of support to continue their studies which will be their gateway to success to uplift the conditions of their families.”

Further, Regional Director Leyson assured that the information in the database is complete and accurate which will be of great help to EAC to identify deserving students for scholarship.

DSWD NCR through the National Household Targeting Unit continuously creates data sharing partnership with different institutions in order for the identified poor households to have opportunities to access social protection programs and services from private and public entities.

Listahanan is an information management system that identifies who and where the poor are in the country. ###

Posted in newsComments (0)

DSWD-NCR acts on a viral video of a 2 y/o boy left in a car

Screen grab from the viral video posted in Facebook by Mr. Jasper Pascual

The Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD-NCR) takes action on the viral video of a 2-year-old boy left inside a heavily tinted car by his parents at a parking lot located at Metrowalk Comercial Complex in Pasig City.

As seen in a video posted on Facebook by a concerned citizen named, Mr. Jasper Pascual on July 8, the young boy cries for help to get out as he knocks on the windows of a Toyota vehicle. This incident happened at around 11 PM. Alarmed by what he saw, Mr. Pascual immediately asked the help of Mr. Michael Villanueva, the security guard on duty at that time. It took them some more minutes to locate the parents of the 2 y/o boy.

Mr. Nilo M. Salgarino, Social Welfare Officer II along with Ms. Gracille Anne Tarroquin and Ms. Beverly Grace Bergonia, Information Officers from DSWD-NCR’s  Reach Out Team visited the area earlier today to verify the incident and check the situation of the child. According to the General Manager of Metrowalk, Atty. Virgilio Publico, the parents of the child are current tenants in the food park located at the area.  In addition, Mr. Villanueva narrated that it took him twice to approach the parents before they came to rescue the boy. “Kung hindi pa namin sinabi ni Sir Jasper na  babasagin namin ang windshield ng sasakyan, hindi pa nila pupuntahan yung anak nila,” he narrated.

The team went to the family’s residence to get their side of the story however; no one’s answering their phone calls. This case will be endorsed to the Community Based Services Section (CBSS) for the provision of social protection to the child. The Department will continue to monitor this case and ensure to provide the right intervention for the child’s welfare.

#DSWDMayMalasakit #DSWDParaSaNakararami

Posted in newsComments (0)

DSWD-NCR conducts Kalinga Caravan

DSWD workers assist the residents of Barangay 105, Tondo in the mobile help desk for the Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS)

The Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD-NCR) conducted the Kalinga Caravan on July 3, 2018 at the covered courts of Barangay 105, Tondo, Manila.

DSWD staff presented the various programs and services to the barangay’s residents. Mr. Jeremiah Farol, Officer in Charge of DSWD-NCR’s Protective Service Program gave a short orientation on the various assistance that the Department provides through its Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program. On the other hand, Ms. Marlene Guzman, Social Welfare officer III, discussed Lingap sa Masa – a program which gives indigent Filipinos access to free medical services to partners with hospitals.

Another program that was introduced during the caravan is the Regional Social Pension Program, which provides indigent senior citizens with additional stipend to augment their daily subsistence and other needs.

DSWD-NCR Regional Director, Vincent Andrew T. Leyson, gave the opening remarks during the event. “The Kalinga Caravan is part of the Department’s thrust to provide its programs and services to the poor, the vulnerable and the disadvantaged in an easily accessible manner,” he said.

DSWD Undersecretary for Luzon Affairs and Special Concerns, Francisco M. Domagoso is also present in the said activity and  showed his support by giving a short inspirational message for the residents.

The Kalinga Caravan has served around 450 residents of Barangay 105 with the onsite assessment for assistance and almost 200 senior citizens for possible inclusion to the Social Pension Program. Conduct of series of Kalinga Caravans is planned for the rest of the year.

Posted in newsComments (0)

NOTICE TO PUBLIC

Tweets from @dswdNCR

Donate Online

Archives

PHVsPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cHM6Ly9uY3IuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC91cGxvYWRzLzIwMTgvMDcvZHN3ZEA2Ny5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8yPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yi5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yy5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1ZC5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9tcHVfYWRzZW5zZTwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9kaXNhYmxlPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbS9hZHMvMzAweDI1MGEuanBnPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfbXB1X3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9hZHNlbnNlPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX2Rpc2FibGU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtICBodHRwczovL25jci5kc3dkLmdvdi5waC93cC1jb250ZW50L3VwbG9hZHMvMjAxOC8wNy9OQ1Itd2ViLWJhbm5lci0xLnBuZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF91cmw8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwczovL25jci5kc3dkLmdvdi5waDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cHM6Ly9uY3IuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC91cGxvYWRzLzIwMTgvMDcvZHN3ZEA2Ny5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF91cmxfMjwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzQ8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZHNfcm90YXRlPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hbHRfc3R5bGVzaGVldDwvc3Ryb25nPiAtIGdyZWVuLmNzczwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2F1dGhvcjwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYXV0b19pbWc8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2N1c3RvbV9jc3M8L3N0cm9uZz4gLSA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19jdXN0b21fZmF2aWNvbjwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHBzOi8vbmNyLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvNC1mYXZpY29uLnBuZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlYXRfZW50cmllczwvc3Ryb25nPiAtIDY8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19mZWF0dXJlZF9jYXRlZ29yeTwvc3Ryb25nPiAtIGZlYXR1cmVkPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVlZGJ1cm5lcl9pZDwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlZWRidXJuZXJfdXJsPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZ29vZ2xlX2FuYWx5dGljczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWVfdGh1bWJfaGVpZ2h0PC9zdHJvbmc+IC0gNTc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19ob21lX3RodW1iX3dpZHRoPC9zdHJvbmc+IC0gMTAwPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29faW1hZ2Vfc2luZ2xlPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19sb2dvPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cHM6Ly9uY3IuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC93b29fdXBsb2Fkcy84LWRzd2RuZXdsb2dvMS5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19tYW51YWw8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vc3VwcG9ydC90aGVtZS1kb2N1bWVudGF0aW9uL2dhemV0dGUtZWRpdGlvbi88L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19yZXNpemU8L3N0cm9uZz4gLSB0cnVlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvcnRuYW1lPC9zdHJvbmc+IC0gd29vPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd19jYXJvdXNlbDwvc3Ryb25nPiAtIHRydWU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19zaG93X3ZpZGVvPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3NpbmdsZV9oZWlnaHQ8L3N0cm9uZz4gLSAxODA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19zaW5nbGVfd2lkdGg8L3N0cm9uZz4gLSAyNTA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb190YWJzPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb190aGVtZW5hbWU8L3N0cm9uZz4gLSBHYXpldHRlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fdXBsb2Fkczwvc3Ryb25nPiAtIGE6Njp7aTowO3M6NjU6Imh0dHBzOi8vbmNyLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvOC1kc3dkbmV3bG9nbzEucG5nIjtpOjE7czo2NDoiaHR0cHM6Ly9uY3IuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC93b29fdXBsb2Fkcy83LWRzd2RuZXdsb2dvLnBuZyI7aToyO3M6NjU6Imh0dHBzOi8vbmNyLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvNi1kc3dkbmV3bG9nbzEucG5nIjtpOjM7czo2NDoiaHR0cHM6Ly9uY3IuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC93b29fdXBsb2Fkcy81LWRzd2RuZXdsb2dvLnBuZyI7aTo0O3M6NjA6Imh0dHBzOi8vbmNyLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvNC1mYXZpY29uLnBuZyI7aTo1O3M6NjQ6Imh0dHBzOi8vbmNyLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvMy1kc3dkbG9nb193cC5wbmciO308L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb192aWRlb19jYXRlZ29yeTwvc3Ryb25nPiAtIHZpZGVvPC9saT48L3VsPg==