Ang implementasyon ng Gulayan sa Barangay (GSB) ay binubuo ng iba’t ibang ahensya na nagtutulungan upang mapunan ang mga pangangailangan sa proyekto, lalong-lalo na ng mga benepisyaro na nagtatanim sa GSB. Kalakip sa pagbibigay ng mga pangangailangan mula sa gulayan ay nakakatulong din ito upang mapaunlad ang kabuhayan ng mga miyembrong kaanib dito.

Isa sa mga partner ng GSB ay ang Department of Agriculture-Bureau of Plant and Industry (DA-BPI) kung saan ay nagkaroon sila ng site visitations sa pangunguna ni Ginoong Radny Espera, isang Agriculturist at Data Collector ng nasabing Ahensya.

Isinagawa ang site assessment sa Brgy 201-Pasay City, Brgy. Bagumbayan, Taguig City, Brgy. Sucat, Muntinlupa City, Brgy. MarceloGreen Paranaque City at Talon Kuatro, Las Pinas City noong April 12, 2022. Kasunod nito ay ang mga Brgy. 775, Manila City, at Brgy 669, Tanza II, Navotas City na isinagawa noong April 202, 2022. Layunin nito ng mga nasabing site visitation ay matingnan at siyasatin ang iba’t-ibang pangangailangan ng mga nasabing Gulayan.



Ang ganitong pagkakataon ay naging isang magandang opurtunidad upang mabigyan ng kaalaman ang mga benepisyaryo na magkaroon ng konsultasyon ukol sa kasalukuyang nararanasan na mga pagsubok na may kinalaman sa pagtatanim ng gulay. Kalakip ng nasabing aktibidad ay ang pagkatuto rin ng mga benepisyaryo tungkol sa gulay na nararapat na itanim at sa klase ng lupang dapat gamitin para dito.

Sa pamamagitan ng gawaing ito ay pina-iigting at nalilinang din ang partnership sa mga Barangay Local Government Unit sa pagkakaroon ng courtesy call sa Barangay kasama ang City Link-Community Organizers, at Pantawid Pamilya Farmers, at ang mga kawani ng DA-BPI.

Matapos na masuri at malaman ang pangangailangan ng nabanggit na GSB ay nagbigay ang DA-BPI ng mga gardening tools at at equipment na magagamit ng mga miyembro sa kanialng pang-araw-araw na pangangailangan sa kanilang hardin. Ilan sa mga natanggap ng mga miyembro ay; sampung (10) pakete ng bawat buto ng kamatis, sitaw, mustasa, okra, upland kangkong; dalawangpo (20) piraso ng punla ng sitaw, kangkong, ukra, at upo; tatlong (3) balot ng abono tulad ng urea at complete; dalawang (2) piraso ng Spading Fork; isang (1) hose; dalawang (2) Sprinkler; dalawang (2) shovel; limang (5) piraso ng seedling tray; 100 piraso ng seedling pot; dalawang (2); limang (5) trowel; dalawang (2) rake; dalawang (2) garden hoe; dalawang (2) iron bar; dalawang (2) drom at; dalawang (2) wheelbarrow.


Bukod sa mga nabanggit, pinagkalooban din ng mga sumusunod na karagdagang pangangailangan ang mga Gulayan farmers na base sa kakulangan ng mga Gulayan na ito. 300 mushroom fruiting bags sa Talon Kwatro, Las Piṅas City habang 200 naman sa Sucat Paradise Garden noong April 21, 2022. Nagkapalad ding magkaroon ng A-Frame Hydroponic farm design ang Sucat Paradise Garden, Sucat Muntinlupa. Dahil dito, umaasa ang DA-BPI at DSWD-NCR na mas lalo pang mapapaunlad ng mga grupo ang kanilang mga Hardin upang maging kasangkapan ito sa pag-usbong ng maganda bukas sa kanilang komunidad.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 33 na mga Gulayan sa Barangay sa buong NCR ang nabuo ang pinamamahalaan ng mga 4Ps. Siyam (9) sa mga ito ay nabisita na ng DA-BPI kung saan sila’y nabigyan ng tulong base sa kakulangan at problema na taglay nito. ##

Please share