Sa ika-44 na taong pagkakatatag ng DSWD-NCR, tayo ay patuloy na nagpapa-abot ng Maagap at Mapagkalingang Serbisyo para sa ating mga kababayan sa Pambansang Punong Rehiyon! Patuloy din tayo sa pagbibigay serbsiyo at pagpapalawig ng mga programang makatutulong para sa ating mga kababayan, hindi lamang tulong pinansyal, kundi maging tulong pagpapalakas at pagbibigay kaalaman.

Sa pamamagitan ng website na ito, gayundin ng DSWD NCR Official Facebook Page at YouTube Channel, tayo ay nagbibigay daan para sa ating labing tatlong (13) Centers and Residential Care Facilities, pagpapabilis na pagpapakalat ng tamang impormasyon patungkol sa ating mga programa at serbisyo, para sa mas maayos at mabilis na pagtangkilik ng publiko patungo sa pagbibigay ng serbisyong walang puwang sa katiwalian.

Sa kabuuan ng taong 2022, tayo ay nakapag-abot ng tulong sa 668,193 kliyente sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS. Ito ay ang mga tulong medical, tulong pampaaral, tulong sa pagpapalibing o namatayan at tulong pinansyal para sa pamasahe sa pagbabalik sa kanilang mga probinsya.

3,451 na kliyente naman ang ating napaglingkuran sa ilalim ng iba’t ibang programa at serbisyo sa ating 12 Centers and Residential Care Facilities. 1,449 dito ay ating naibalik at muling nabigyan ng pagkakataon upang makasama ang kanilang mga pamilya at mamuhay sa komunidad. 1,978 na kliyente ang nabigyan ng referral counseling, financial assistance at airport assistance sa ilalim ng programa ng Community- Based Services. Sa ika-12 Cycle Implementation naman ng ating Supplementary Feeding Program, 132,634 na bata mula sa iba’t ibang Day Care Center at Supervised Neighborhood Play sa kalakhang Maynila ang ating naabutan at nagging bahagi ng 120 days feeding program. 92,897 sambahayan/indibidwal ang nabigyan ng agarang tulong sa ilalim ng disaster response services sa kabuuan ng Pambansang Punong Rehiyon.

Sa patuloy na pagpapaabot ng serbisyong ramdam, may puso at may malasakit, ang tanggapan ng DSWD-NCR ay naglilingkod sa Kamaynilaan para sa iba’t ibang sektor tulad ng mga bata, kabataan, nakatatanda, pamilya at komunidad. Sa kabuuan ay 221, 377 ang naabutan ng tulong sa ilalim ng Social Pension for Indigent Senior Citizens. Gayundin, 120 na Centenarians ang masayang tumanggap ng kanilang cash gifts. Sa ilalim naman ng Comprehensive Program for Street Children, Families and Bajaus, 1,113 na bata at pamilya ang ating natulungan. Ang ilan sa kanila ay nakabalik na sa kani-kanilang mga probinsya at ang ilan naman ay nanatili sa Metro Manila upang sumubok na magsimula ng negosyo at maghanap ng trabaho. Ang ilang bata at kabataan na nasa lansangan din ay ating natulungan at nasagip sa malnutrisyon sa tulong ng Supplementary Feeding Program.

700 indibidwal na biktima ng human trafficking at 337 distressed at walang dokumentong Overseas Filipino Workers (OFWs) ang ating nabigyan ng tulong sa ilalim ng Recovery and Reintegration Program for Trafficked Persons at Social Welfare for Distressed Overseas Filipino Program.

Gabay at inspirasyon ang layuning makatulong, ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay nagpatuloy sa pagbibigay ng conditional cash grants sa 197,765 Regular Conditional Cash Grants Program Beneficiary at 590 Modified Conditional Cash Grants Program Beneficiaries. 11,816 namang sambahayan ang nabigyan ng tulong sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program.

Ang lahat ng tagumpay na ito ay nagsisilbing ningas para sa bawat kawani ng DSWD Field Office NCR upang patuloy na magpunyagi, magpursige at pagbutihin ang paglilingkod sa Kamaynilaan. Katuwang ang lahat ng ating partner implementers, stakeholders, gayundin ang ating mga program beneficiaries – program members – , na patuloy na nagpapakita ng suporta sa ating adbokasiya at nagbibigay ng kontribusyon na nakatutulong upang maabot natin ng ating Departamento ang tagumpay. Gayundin, labis akong nagpapasalamat sa lahat ng kawani ng DSWD Field Office NCR, sa patuloy nilang paglilingkod ng maagap, may puso, sa patuloy na pagtuon at pag-gawa ng kanilang trabaho na may pagmamahal at tunay na malasakit, na nagiging dahilan para sa patuloy na pagdeliver sa lahat ng programa at serbisyo ng Kagawaran sa maayos, mabilis, propesyunal at tamang proseso.

Oo! Ako ay naniniwalang kaya ng bawat Pilipino umahon at lumaya mula sa pagkakasadlak sa kahirapan, magkaroon ng pantay na Karapatan sa lahat oportunidad, enabled by a fair, just, and peaceful society, through the compassion, determination, at patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor at general public, gearing towards the advancement and betterment of the Region and our country.

Muli, Maraming Salamat po and God Bless us all.

 

MONINA JOSEFINA H. ROMUALDEZ

Regional Director

Please share