Lahat ng hanapbuhay ay sadyang may kaakibat na sakripisyo at pagsusumikap, isang halimbawa na lamang ay ang pagiging isang Field Worker ng National Household Targeting System for Poverty Reduction / NHTS-PR o mas kilala bilang Listahanan. Ang NHTS-PR ay isang Information Management System upang matukoy kung sino at nasaan ang mga mahihirap na mamamayan sa bansa.
Isa si Ma. Aurora San Juan sa natatangi at magigiting na kawani ng Listahanan ‘di maipagkakaila and pagtitiyaga at nagpupursigi na maibigay ang tamang serbisyo sa mga mamamayan na nangangailangan. Nagsimula si Ma. Aurora o mas kilala sa tawag na “Awie” bilang Area Supervisor noong taong 2015 at 2019 habang nitong taong 2023 ay bilang isang Enumerator. Tunay na naging isang malaking hamon sa kanya ang pagiging isang field worker dahil dito niya naranasan ang mga bagay at trabaho na hindi niya nagawa sa corporate world o sa mga pribadong tanggapan.
Ginamit niya ang kanyang mga natutunan upang mas lalo pang maging epektibo, umunlad bilang isang indibidwal at isang mabuting kawani, “Naranasan kong mag-supervise, mag-deploy at magplano, magprovide ng supplies sa buong team, magcheck at mag-monitor ng supplies at Household Assessment Forms, at ang isa sa masasabi kong talagang sumubok sa akin ay ang Listahanan 3 kung saan nagkaroon ng Community Desk, napakaraming challenges sa field na talagang nagtulak sa akin upang maging isang critical thinker”, saad niya.
Hindi biro ang pagiging isang Field worker para kay Awie pero ito din ang naging daan upang siya ay lalong magsumikap at makamit ang mga pangarap hindi lamang sa sarili kundi maging sa kanyang pamilya. Hindi lang pansariling pangarap ang kanyang nakamit kundi natutulungan niya maging ang kanyang mga magulang sa mga gastusin katulad ng pambili ng gamot at pambayad sa buwanang bills tulad ng kuryente, tubig at renta sa bahay. Dagdag pa dito, hindi lamang pinansyal ang naitulong ni Listahanan ganyundin ang pagpapayaman ng kanyang self-confidence at communication skills Maituturing niyang isang napakalaking biyaya ito at isang karanasan na hindi malilimutan maging saanman ang patutunguhan ng kanyang karera sa hinaharap. ###