Ang bawat pagsusumikap ay may kaakibat na hirap at tiyaga na siyang tutulong sa iyo sa bawat hamon ng buhay, isa si Gng. Larci Loyola sa mga natatanging Field staff ng Listahanan na walang sawang nagbibigay ng mapagkalingang serbisyo sa mga mamamayan na nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno. Sa nakaraang mga validasyon, siya ay naging isang office-based Enumerator kung saan ang kanyang trabaho ay ang mag-assist sa lahat ng mga pangangailangan ng kanyang mga kapwa field staff.
Noong 2010 ay nagsimula si Gng. Loyola bilang isang field enumerator na kanyang lubos na pinaghandaan sapagkat ang hanapbuhay na ito ang itinutulong niya upang matustusan ang pang-araw araw na pangangailangan ng kanyang pamilya, hindi naging madali ang pagiging isang Field Enumerator. Para kay Larci, ang pagiging isang Enumerator ay nangangailangan ng tiyaga at sipag lalo na sa pakikipag-usap at pag-unawa sa lahat ng mga taong kanyang nakakasalamuha.
Noong taong 2012, siya ay naging isang Area Supervisor kung saan ito ay naging panibagong
pagsubok sa kanyang buhay empleyado sapagkat ito ay bago sa kanya, dahil para sa kanya, hindi lamang ang kanyang sarili ang kanyang iniisip sa tuwing siya ay gumaganap sa kanyang mga gampanin. Gayundin. kanyang sinisikap na matulungan at masubaybayan ang kanyang mga kapwa kawani upang masiguro na ang lahat ay nasa maayos na kalagayan habang nagtatrabaho.
“Nakakagaan sa pakiramdam na iyong makita na ang mga taong aming nai-interview ay aming
nabibigyan ng pag-asa na makakaahon sa hirap at sumasambit ng kanilang lubos na pasasalamat”, kanyang saad.
Para kay Larci ang pagiging bahagi ng Listahanan ay isang malaking karangalan, dahil siya ay
nakapagbigay ng tulong at nakapagbahagi ng kanyang kaalaman sa mga mamamayan ng lipunan na lubos na nangangailangan, ang pagiging bahagi ng Listahanan ay maituturing nyang isang malaking tagumpay na mananatiling mahalagang bahagi ng kanyang buhay. Gayun pa man napagtapos din niya ang kanyang anak sa kolehiyo sa pamamagitan ng determinasyon niyang magtrabaho sa departamento. ###
Ang Listahanan o National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) nay isang information management system na tumutukoy kung sino at saan matatagpuan ang mga mahihirap na pamilya sa bansa.