Si Norman Catbagan, 50, miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay nangarap ng isang masaya at buong pamilya, ngunit sa kabila ng pagsisikap na pagtataguyod ng isang matatag na sambahayan, nakaranas din siya ng mga pagsubok sa buhay na maghiwalay sila ng kaniyang asawa noong taong 2018. Dahil sa karanasang ito, mas lalong tumibay ang isip at puso ni Tatay Norman na harapin ang mga hamon at patatagin ang kanilang buhay.
Si Tatay Norman ay may tatlong anak at lahat sila’y kabilang sa mga sinusubaybayang bata ng programa para makatanggap ng sapat na Cash Grants. Sa kabila na mag-isang pagtataguyod ni Tatay Norman ng kanyang pamilya, hinaharap din niya ng may katatagan ang kalooban ang mga hamon ng para sa kaniyang mga anak. Dahil dito, Siya rin ang tumatayong Grantee ng kanilang tahanan at hindi alintana niya ang init ng araw at pagod sa paghahanap buhay sa isang junk shop bilang namamahala nito.
Mula maaprubahan ang paglipat ng responsibilidad sa kaniya ang pagiging isang Grantee, siya ay naging aktibo sa programa gaya ng palagiang pagdalo sa buwanang Family Development Session (FDS) sa kanilang lugar. Ang mga pagdalong iyon ay nagbunsod kay Tatay Norma ng mas maging positibo sa buhay.
Naging katuwang ni Tatay Norman ang Pantawid Pamilya sa pagtataguyod ng kaniyang sambahayn. Ang mga nakukuhang Cash Grants ay nilalaan niya sa pag-aaral ng kaniyang mga anak. Naging malaking tulong ito dahil hindi na iniisip ni Tatay Norman ang gastusin ng kanyang mga anak sa eskwelahan
Sa kabila ng kahirapan at pagsubok na pinagdaanan nila Tatay Norman ay unti unting nakabangon ang kaniyang Tahanan sa tulong ng Pantawid Pamilya. Ang Cash Grants at FDS ay ilan lamang sa mga naging instrumento nila upang bumangon at magpatuloy sa mga hamon ng buhay.
Pinatutunayan ni Tatay Norman na hindi hadlang ang pagiging solo parent para tuldukan ang mga pagsubok sa kanilang pamilya. Ang programa ay nagpupugay sa mga katulad ni Tatay Norman Catbagan na isang saksing buhay kung saan ang mga pagsubok ay malalampasan kung magsisikap na iahon ang buhay.
#DSWDMayMalasakit
#4PsNCRMalasakit