Ang paggabay sa mga anak sa tatahaking landas ay isa sa malalaking hamon para sa isang magulang. Karamihan ng magulang ay nagnanais mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang mga anak ngunit minsan, ito ay nagkukulang pa rin dahil sa mga gastusin sa pangaraw-araw lalo na sa edukasyon at kalusugan ng mga bata. Ito ang istorya ni Rosalyn R. Belando mula sa Navotas City, benepisyaryo ng Programa ng Pantawid Pamilya.

Sa pagtitinda ng almusal kumikita ng ikabubuhay si Rosalyn Belando at kumikita siya rito ng 300 pesos kada araw. Kasabay ng paghahanapbuhay, ang kaniyang asawa ay naghahanapbuhay naman sa pamamagitan ng pag-aayos ng halaman. Bagama’t pareho silang may hanapbuhay, hindi pa rin ito nakakasapat upang tustusan ang pangangailangan ng kanilang tatlong anak.

Ang tanging nais ni Rosalyn ay mapagtapos ng pag-aaral ang kanilang anak. Kaya naman nagpapasalamat si Rosalyn nang mapabilang ang kaniyang pamilya bilang benepisyaryo ng Programa ng Pantawid Pamilya. Sa pagiging miyembro ng Programa, labis na nakatulong ito sa programa lalo na ang Family Development Session kung saan ay palagian siyang dumadalo ito. Bukod sa FDS, ginamit ng pamilya ni Rosalyn ang cash grants na kaniyang nakukuha sa pag-aaral ng kaniyang tatlong anak sa elementarya at sekondarya.

Naging daan din ang Programa upang lalong tumaas ang sikolohikal at emosyonal niyang kakayanan. Simula ng siya ay naging leader, maraming pagbabago ang naobserbahan niya sa kaniyang sarili gaya ng pangunguna sa pagdalo sa FDS at pag-eengganyo niya sa kaniyang mga kapwa miyembro na tuparin ang kanilang mga konsidyon sa loob ng programa. Nagkaroon siya ng maraming kaibigan at nakaranas magsalita sa mga FDS kada buwan.

Taong 2016, si Rosalyn ay isa sa mga napili upang maging kinatawan ng Barangay para sa Gender and Development Desk. Ang oportunidad na ito ay nagbigay sa kaniya ng mas malalim na pag-intindi sa pagkilala lalo sa mga karapatan ng kababaihan at ng LGBTQIA+ community. Isa sa natutunan niya bilang officer ay ang paghatol sa mga usaping pang-karahasan. Ang violence against women ay hindi dapat hinahayaan at ang pagbibigay hatol sa mga ganitong kaso ay dapat hindi ‘bias’ na ihahalintulad sa sariling karanasan. Dagdag nito si Nanay Rosalyn ay unti-unting na-involve sa mga organisasyong tulad ng “Save the Children” at Mother Earth.

“Bilang isang magulang ang ating obligasyon ay hindi lang natatapos sa pag-aaral ng mga bata. May mga bagay na kahit gustuhin natin huwag mangyari ngunit mahirap talagang pigilan ang bata. Nandito tayo upang gumabay ngunit sa oras na sila ay may pagkakamaling nagawa, matuto tayong tanggapin ito at huwag ng tingnan pa ito bagkus tulungan natin sila upang muling silang makabangon,” pagbabahagi ni Rosalyn.

Sa huli, ang pamilya ni Rosalyn ay lubos na nagpapasalamat sa Programa ng Pantawid Pamilya. Ang mga natutunan niya sa Programa ay nagbigay-gabay sa kanilang buhay at sa buhay ng kaniyang mga anak.

#DSWDMayMalasakit

Please share