Edukasyon para sa mga anak, ito ang naging sandigan ng Sambahayang Guettap upang makamit ang tagumgay katuwang ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Napabilang ang sambahayang Guettap sa Programa noong 2012. Ang magasawang sina Teresa Guettap at Renato Guettap ay nabiyayaan ng anim (6) na anak na napabilang sa nasabing Programa.
Naging mahirap para sa mag-asawa ang pagtataguyod ng kanilang sambahayan. Pangunahing naging suliranin nila ay ang pantustos sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Ngunit dahil sa pagiging kabahagi sa Programa, naging maagaan ang pamumuhay ng sambahayan ni Ginang Guettap.
Ang iba’t ibang problemang dulot ng kakulangan sa pinansiya at sa laki ng bilang ng kanilang sambahayan ay natugunan dahil sa pagkakasali na kanilang sambahayan sa Pantawid Pamilya. Higit ang naging tulong nito sa larangan ng edukasyon at kalusugan ng kanilang sambahayan lalo sa kanilang mga anak.
Bukod sa cash grant nakukuha, si Ginang Teresa ay natutuhan ang Family Development Session (FDS) ang tungkol sa pag-iimpok, pagbuo ng matiwasay na ugnayan ng sambahayan at komunidad. Kasama din sa FDS ang kasanayan sa pagluluto, pinansyal na kaalaman at pakikisalamuha sa harap ng maraming tao. Tumaas ang kaniyang kumpiyansa sa sarili upang harapin ang mga hamon ng buhay dulot ng isang malaking sambahayan na mayroon siya.
Sa FDS din nalinang ni Ginang Teresa ang kaniyang kasanayan sa pagluluto at pakikisalamuha sa harap ng maraming tao. Tumaas ang kaniyang kumpiyansa sa sarili upang harapin ang mga hamon ng buhay dulot ng isang malaking sambahayan na mayroon siya.
Ang Programa ay naging daan ng sambahayan para buksan ang pinto ng oportunidad upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng kaniyang mga anak. Alam ni Ginang Teresa na mahirap ang pagtataguyod ng buhay. Kaya naman, kanilang sinigurado na ang cash grants mula sa Programa ay nagagamit sa tamang paraan batay sa mga tinakdang mga kondisyon ng Programa para na rin sa ikauunlad ng kanilang samabahayan.
Ayon pa kay Ginang Guettap, ang Programa ay simbolo ng pagbabago upang makamit ng mga tulad niya ang kanilang mga mithiin sa buhay. Dahil dito, dalawa sa kaniyang mga anak ay nakatapos na ng kolehiyo. Naging malaking tulong ang mga grant lalo na noong tumuntong ng hayskul ang kaniyang mga anak dahil ang grants ay ginamit upang matustusan ang kanilang pag-aaral.
Dagdag pa ni Ginang Guettap, isa sa kaniyang mga anak ay natulungan ng Programa at naging parte ng Extended Student’s Grant-in-Aid Program for Poverty Alleviation (ESGP-PA) ng CHED sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng DSWD-NCR Pantawid Pamilya at CHED-NCR. Dahil sa pagsusumikap ng buong sambahayan at sa tulong ng Programa, ang sambahayang Guettap sa kasalukuyan ay nakapagpatapos na ng kolehiyo. Ang kanilang mga anak ay nasa linya na ng Marine Transportation, Barista, Nursing Field, at Business Administration.
Ang Programa ay naging malaking tulong sa samabahayan upang makamit ang pangarap ng mga anak. Ayon sa Ginang, ang edukasyon ay isang magandang estratehiya para putulin ang pasalin-salin na kahirapan na kanilang nararanasan. Sa pagtatapos ng samabayan sa Programa, naisip niya na ang Programa kabilang ng mga kondisyong inilalatag sa mga miyembro ay mahalaga sa pagkamit ng pagbabago at kaunlarang pangsamabahayan at panlipunan.
“Ang tunay na sikreto ng tagumpay ay ang pagsisikap at patuloy na pagbangon sa bawat pagkakamali at hindi pagtigil sa malawakang pangarap, dito matatamo ang daan tungo sa tagumpay,” pagbabahagi ni Ginang Guettap.
Tulad ng Sambahayang Guettap, ang Pantawid Pamilya ay naniniwala sa ideyang, “Ang edukasyon ang naging isang puhunan at ang kaalaman ang magiging pasaporte sa pangarap tungo sa tagumpay.”
#4PsMalasakit
#DSWDMayMalasakit
DSWD NCR Official Facebook Page
Philippine Standard Time: