Mahigit dalawampung taon nang mag-isang tinataguyod ni Thelma Fernandez, 51 taong gulang, ang kanyang pamilya. Tulad ng karamihan, hirap ang mga kagaya ni Nanay Thelma ngayong panahon ng krisis pangkalusugan kung kailan halos lahat ng mamamayan sa buong mundo ay apektado. Tatlong apo at isang anak na babae na katulad rin niyang solo parent ang continue reading : Kwentong Malasakit: Pasasalamat ni Nanay Thelma
Ang Kwentong Pagbabago ni Ate Maseng
Pitong taon ng kasapi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program si Maricel Santos o mas kilala bilang “Ate Maseng” sa Barangay 573, Sampaloc, Manila. Sa buong panahon na ito ay nagkaroon si Ate Maseng ng iba’t ibang oportunidad upang mapaunlad ang kaniyang sarili, magabayan nang maayos ang kaniyang mga anak, at maisabuhay ang mga natutunan sa continue reading : Ang Kwentong Pagbabago ni Ate Maseng
Bayanihan sa Gitna ng Pandemyang Pangkalusugang Krisis
Lingid sa kaalaman ng nakakarami, may mga naitatagong kuwento ang 4Ps na tiyak ay aantig at magpapamangha sa inyo. Isa na rito ang bayanihang ipinamalas ng mga Parent Leaders at kasapi ng 4Ps sa Barangay Arkong Bato ng Valenzuela City. Noong nakaraang Marso 25, 2020 naipamahagi na sa mga miyembro ng Pantawid Pamilya ang kanilang continue reading : Bayanihan sa Gitna ng Pandemyang Pangkalusugang Krisis
“Kwentong Listahanan ni Corymar De Jose”
Taong 2009 nang magsimula ang National Household Targeting System for Poverty Reduction or NHTS-PR sa pangunguna ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Lipunan sa Kalakhang Maynila (DSWD-NCR). Ang NHTS-PR, o mas kilala bilang “Listahanan”, ay isang information management system na tumutukoy sa kung sino at saan matatagpuan ang mga mahihirap na pamilya sa bansa. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng household assessment kada apat (4) na taon. Isa si continue reading : “Kwentong Listahanan ni Corymar De Jose”
BUNGA NG SAMA-SAMANG PAGPUPUNYAGI: KUWENTONG ISKOLAR NA SI RAYMOND BARRENO
Si Raymond Barreno ay panganay sa pitong (7) anak nina Ramoncito at Eunice Barreno. Malaking hamon sa pamilya ni Raymond ang mapag-aral siya ng kaniyang mga magulang dahil sa kakulangang pinansyal. Ngunit pursigido ang kaniyang mga magulang na mapagtapos siya ng pag-aaral dahil naniniwala ang mga ito na tanging edukasyon lamang ang mapapamana nila sa continue reading : BUNGA NG SAMA-SAMANG PAGPUPUNYAGI: KUWENTONG ISKOLAR NA SI RAYMOND BARRENO
MAAGAP AT MAPAGKALINGANG SERBISYO NI NANAY QUENNIE
Isa sa mga katangi-tanging benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program mula sa Caloocan City si Nanay Quennie Gallo dahil sa kaniyang dedikasyon sa pagsasabuhay ng maagap at mapagkalingang serbisyo ng Kagawaran. Si Nanay Quennie kasama ang kanyang asawa na si Christopher at ang apat (4) nilang anak ay kasalukuyang naninirahan sa Barangay 158, Caloocan City. continue reading : MAAGAP AT MAPAGKALINGANG SERBISYO NI NANAY QUENNIE
100% Implementasyon ng SAP sa ilang LGU sa NCR
Anim sa labimpitong Lokal na Pamahalaan sa National Capital Region ang nakatapos na sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Emergency Subsidy Program o mas kilala bilang Social Amelioration Program ng Pamahalaang Nasyonal ngayong araw, ika-12 ng Mayo taong 2020. Ang Programang ito ay kabahagi ng Bayanihan To Heal as One Act kung saan ang continue reading : 100% Implementasyon ng SAP sa ilang LGU sa NCR
BINIYAYAAN UPANG MAKAPAGBIGAY BIYAYA
Si Nanay Ma. Jaizel Candy Morelos Bautista ay isang miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program mula pa noong 2012 sa Valenzuela City. Hindi maikakaila na sa nakalipas na mga taon ay malaki ang nabago sa kaniyang buhay at ng kaniyang pamilya mula ng mapabilang sila sa Programa sapagkat malaki ang naitulong nito sa pag-aaral ng continue reading : BINIYAYAAN UPANG MAKAPAGBIGAY BIYAYA