Isang mapagpalang araw sa ating lahat!

Sa pagpasok ng taong 2024, ating salubungin ang taon na puno ng pag-asa at pagmamahal sa kapwa. Ang DSWD-National Capital Region ay tuloy-tuloy pa rin sa paghahatid nang maagap at mapagkalingang serbisyo para sa ating mga kababayan.

Isa sa aming mga layunin ay ang mas pinalawig na mga programa para sa bawat pamilyang Pilipino lalong-lalo na ang mga kabilang sa bulnerableng sektor. Ang aming ahensya ay mananatiling bukas para sa lahat, handang tumulong sa lahat ng pagkakataon.

Nais ko rin ipa-abot ang taos-pusong pasasalamat sa mga kawani o mas kinikilala bilang ‘Angels in Red Vest’ na bumubuo ng DSWD-NCR para sa kanilang walang sawang malasakit, sakripisyo, at dedikasyon. Kayo ay isang inspirasyon sa paghahatid ng pag-asa at pag-unlad para sa ating mga kababayan.

Isang malaking karangalan at responsibilidad ang pagsilbihan ang DSWD-NCR. Bilang Regional Director, ako ay nangangako na mamuno nang may integridad, at malasakit. Mas lalo pa naming gagalingan at pagbubutihin ang aming mga adhikain dahil #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

ATTY. MICHAEL JOSEPH J. LORICO

Regional Director

Please share