SAP Regional Data
Frequently Asked Questions
SOCIAL AMELIORATION PROGRAM
Ito ay listahan ng mga ayuda mula sa iba’t-ibang national agencies katulad ng DOLE,
DA, DSWD, DILG, DBM, DOF at DTI (RA No. 11469 or Bayanihan, We Heal as One Act
at JMC No. 1 Series of 2020).
Emergency Subsidy Program (ESP) ang tawag sa ayudang mula sa DSWD sa panahon
ng ECQ (JMC No. 1, Series of 2020; Definition of Terms #5, 5.1 at MC 9, Series of 2020,
Section V).
Ito ay isang uri ng CASH assistance ngayong panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula sa DSWD (JMC No. 1, Series of 2020; Definition of Terms #5, 5.1 at MC 9, Series of 2020, Section V).
Php.8,000.00 para sa National Capital Region. Ito ay nakabatay sa minimum wage ng isang rehiyon (JMC No. 1, Series of 2020; Definition of Terms #5, 5.1).
Ang ESP-SAP ay nilikha para sa mga low-income o mahihirap na pamilyang nasa informal sector at mga pamilyang may miyembro ng bulnerableng sektor (MC 9, Series of 2020, Section VI-A).
1,558,615 na pamilya lamang ang target number of poor families dito sa NCR. Paghahatihatian ito ng 16 na Lungsod at 1 Munisipalidad (Per DOF allocation).
Breakdown:
Non 4Ps Target Families per LGU in NCR LGU Target Families
- CITY OF CALOOCAN - 215,825
- CITY OF LAS PIÑAS - 67,738
- CITY OF MAKATI - 69,788
- CITY OF MALABON - 41,881
- CITY OF MANDALUYONG - 46,047
- CITY OF MANILA - 185,680
- CITY OF MARIKINA - 56,235
- CITY OF MUNTINLUPA - 53,836
- CITY OF NAVOTAS - 27,978
- CITY OF PARAÑAQUE - 77,674
- CITY OF PASIG - 93,867
- CITY OF SAN JUAN - 16,309
- CITY OF TAGUIG - 92,472
- CITY OF VALENZUELA - 82,708
- PASAY CITY - 46,286
- PATEROS - 6,707
- QUEZON CITY - 377,584
4Ps Families = 292,998
Kwalipikado ang mga mahihirap na pamilyang pinakanaapektuhan ng ECQ. Sila dapat ay nasa impormal na sektor at nawalan ng pagkakakitaan dahil sa ECQ. Kwalipikado rin ang mga pamilyang nasa impormal na sektor na may miyembro na kabilang sa bulnerableng sektor gaya ng Senior Citizens, PWD, IPs at iba pa. Kwalipikado rin ang mga street dwellers o walang tirahan (MC 9, Series of 2020, Section VI-A).
Kada-pamilya ang bilangan - hindi kada-indibidwal. Ngunit ang (mga) kwalipikadong pamilya lamang ang mabibigyan ng Social Amelioration Card (SAC) (MC 9 Series of 2020, Section VI-A).
Pamilya ang ginagawang batayan ng assessment at hindi indibidwal. Dumulog sa inyong barangay o LGU, sabihin ang inyong kalagayan upang ma-assess ang inyong kwalipikasyon base sa itinakdang guidelines (MC 9, Series of 2020, Section VI-A, No. 3-d).
Ang LGU ang gagawa ng listahan ng mga benepisyaryo base sa kanilang asessment ng mga pamilyang kwalipikado sa programa. Bagamat nagbibigay ang DSWD ng listahan ng mga mahihirap hango sa Listahan ng mga Tahanang Nangangailangan o Listahanan database ng ahensya, ito ay batayan lamang ng mga posibleng benepisyaryo na sasailalim pa din sa assessment at validation ng LGU (MC 7, Series of 2020, Section C at MC 8, Series of 2020).
Marahil base sa rapid-assessment nila, kayo ay hindi kwalipikado. Kung sa tingin ninyo ay mali sila, dumulog sa tanggapan ng Barangay Council o sa LGU at sabihin ang inyong kalagayan upang kayo ay ma-assess (MC 9 Series of 2020, Section XII).
Ang ESP ay pondo ng national government at hindi ng LGU. Hindi usapain dito kung saan ka nakarehistro bilang botante. Ang usapin dito ay kung saan ka inabutan ng ECQ. Balikan ang number 11 (MC 9 Series of 2020, Section VI-A).
Ayon sa Omnibus Guidelines ng DSWD, ang mga sumusunod ay hindi kasama sa mga maaaring tumanggap ng ayuda sa ilalim ng SAP:
a. Elected and Appointed na mga government officials kahit ano man ang status ng kanilang employment (Permanent, Casual, Contractual, Cost of Service, Job Order)
b. Mga empleyado sa Pribadong Sektor o nasa Formal Economy na maaaring No work, No Pay o sumasahod
c. Mga indibidwal na retired na at nakakatanggap ng pension (Gaano man kaliit o kalaki ang pensyon)
d. Mga indibidwal na may kapasidad na pinansyal upang masuportahan ang kanilang pamilya
(MC 9 Series of 2020, Section VI-B)
Sila ay hindi kabilang sapagkat mayroon ang Department of Labor and Employment (DOLE) na programang tinatawag na CAMP o COVID-19 Adjustment Measures Program na naglalayong magbigay ng Financial Relief sa mga nagtatrabaho sa pribadong sektor na may reduction o walang kita dahil sa ECQ (DOLE Department Order No. 209 Series of 2020 at MC 9, Series of 2020, Section VII).
Sa kabilang banda, ang SAP naman ay naglalayong tulungan ang mga nasa impormal na sektor at makokonsiderang poorest of the poor (MC 9 Series of 2020, Section VI-A).
Depende sa laki ng barangay at depende sa kooperasyon ng mga mamamayan.
Naglabas ang DILG ng pahayag na dapat ipaskil o i-post ang mga pangalan ng kwalipikadong benepisyaryo ng SAP upang masiguro na transparent ang pagpapatupad ng programa. Maaaring magtanong ng listahan sa Barangay o sa LGU. https://www.dilg.gov.ph/news/DILG-to-Punong-Barangays-Post-list-of-SAP-beneficiaries-in-barangay-hall-for-transparency/NC-2020-1100
Hindi lahat ay bibigyan ng SAC. Ang bibigyan lang ay mga pamilya na may miyembro na Informal Economy Worker or Vulnerable Sector at bibigyan ng prayoridad ang mga Maliit ang kita at pinaka-apektado ng krisis (MC 9 Series of 2020, Section C).
Kung ikaw man ay nakatanggap ngunit sa tingin mo ay hind kwalipikado ang iyong pamilya dahil hindi ito maikokonsiderang low-income family na kabilang sa impormal na sektor, maaaring ibalik ang SAC form sa inyong Barangay o sa LGU.
Tanging ang Barcoded SAC Form lang ang maituturing na valid sapagkat ito ay may unique barcodes (MC 9 Series of 2020, Section IV-H).
I-inform ka ng barangay council o mga itinalagang coordinators sa inyong barangay (MC 9 Series of 2020, Section X).
Dalawang paraan ang pwedeng piliipin ng LGU: Ang Direct Payout o House-to-house at Point-to-point payout. Kung Direct Payout, manatili sa inyong bahay dahil ang distribution team ang pupunta sa inyo. Kung point-to-point, manatili sa inyong bahay, bibigyan kayo ng coordinator ng hudyat kung anong oras kayo naka-schedule na pumunta. Bawal pumunta ng mas maaga sa itinakdang oras. Anumang paglabag sa social distancing ay magiging sanhi ng pagkahinto ng ESP distribution (MC 9 Series of 2020, Section VIII).
Ang pondo para sa ayuda ay naibaba na ng DSWD sa LGUs. Ang LGUs naman ay nagsimula nang mamahagi ng ESP kada barangay kasama ang DSWD at PNP/AFP. Ang tinalagang coordinator sa inyong barangay ang magsasabi sa bawat kwalipikadong pamilya ng iskedyul ng pagbibigay ng ayuda (MC 9, Series of 2020, Section VIII.B).
Nanghihingi kami ng pang-unawa at pasensya sapagkat limitado rin ang manpower ng mga National at Local Government na nagtutulong tulong upang ibigay sa libo at daang-libong mga mamamayan ng isang Lungsod o Munisipalidad.
Dalawang beses. Ang pagbabahagi ay buwanan: Abril (₱8,000) ay Mayo (₱8,000) (MC 9 Series of 2020, Section IV – D).
Hindi pinapayagan ng batas ang paghahati sa ayuda. Ang ₱8,000 ay base sa minimum wage ng isang manggagawa sa NCR. Ito ay maaaring kulang o sasapat lamang sa pangunahing pangangailangan ng isang mahirap na pamilya. Isumbong sa DILG ang sapilitang paghahati o pagbabawas ng ayuda (MC 9 Series of 2020, Section IV – D).
Ang lahat ay apektado ng ECQ. Ang lahat ay nais tulungan ng pamahalaan ngunit ang pamamahagi ay base sa lebel ng pangangailangan. Kung kaya’t ang inyong pagbibigayan at labis na pang-unawa ay higit na kailangan sa panahon ngayon.
Ang ESP-SAP ay hindi lamang ang tanging ayuda ng pamahalaan. Ito ay tulong lamang ng national governement sa mga LGUs. May iba pang programa at serbisyo ang barangay, LGU at iba pang ahensya para sa inyo.
Dalawa ang maaaring dahilan. 1. Hindi ka kwalipikado sa DSWD ngunit kwalipikado ka sa mga programa ng ibang ahensya (eg.: No work no pay sa isang pribadong kumpanya = DOLE) o 2. Napuno na ang listahan ng target number of poor families. Alinman sa dalawa ang dahilan, maaari kayong umapela sa inyong LGU upang ma-assess ang inyong pangangailangan. I-rerefer kayo sa akmang ahensya o i-eendorso kayo sa DSWD (MC 9 Series of 2020, Section VII at Section XII)
Hindi ka maaaring makatanggap ng SAP sapagkat ang assessment ng kwalipikasyon sa SAP ay per pamilya at hindi indibidwal. Maaari ring mabigyan ng SAP ang iyong pamilya sa probinsya kung saan ka nakatira kung sila ay kwalipikado.
Magkagayun man, may ibang serbisyo na maaring ibigay ang gobyerno para sa mga stranded na construction workers kabilang ang pagbibigay ng food packs, transportation assistance, at iba pa (MC 9 Series of VI-A-l).
Sila ay maaaring mapabilang sa mga maaaring ikonsidera ng lokal na pamahalaan ng tulong pinansyal kung sila ay:
1. Kabilang sa mahirap o impormal na sektor;
2. Walang ibang pinagkukunan ng kabuhayan maliban sa pagiging tanod/BHW/BNS/CDWs, at;
3. Sila lamang ang mag-isang tagapagtaguyod ng pamilya.
KALAGAYAN NG PAMILYA
- Kwalipikado (✔)
- Hindi Kwalipikado (✘)
- Mahirap na pamilya na may miyembro na nagtatrabaho sa gobyerno (halimbawa teacher, social worker o admin staff) ano man ang employment status. ✘
- Mahirap na pamilyang may buwanang pensyon. ✘
- Mahirap na pamilya pero nakakapagtinda pa rin sa palengke. ✘
- Mahirap na pamilya pero may miyembro na nagtatrabaho pa rin sa panahon ng ECQ (halimbawa: Security Guard, Fast-food crew) ✘
- Mahirap na pamilya. Walang pinagkakakitaan sa panahon ng ECQ ngunit may miyembro na no work no pay sa isang pribadong kumpanya. ✘ (refer to DOLE)
- Mahirap na pamilya ng PWD/Solo Parent na nagtatrabaho sa pribadong kumpanya (no work no pay). ✘ (refer to DOLE CAMP)
- Mahirap na pamilya. Nakatira sa kalsada. ✔
- Mahirap na pamilya. Tricycle driver na natigil sa pamamasada dahil sa ECQ. Kasama ang senior citizen na magulang. ✔
- Mahirap na pamilya. Solo Parent na kasambahay na natigil sa trabaho dahil sa ECQ. ✔
- Mahirap na pamilya. Dalawang senior citizen na walang katuwang sa buhay. ✔
- Mahirap na pamilya. Nagsara ang sari-sari store. May miyembro na may karamdaman o maintenance na gamot. ✔
- Mahirap na pamilya. Street vendor na nawalan ng pagkakakitaan. Nangungupahan at hindi botante sa barangay kung saan siya nangungupahan. ✔
- Construction worker na na-stranded sa Maynila ngunit nasa probinsya ang pamilya. ✘
- OFW ang asawa at nasa abroad pero hindi makapagtrabaho sapagkat lockdown din doon, walang padala sa pamilya sa Pilipinas. ✘(refer to DOLE-AKAP Cash Assistance)
- OFW. Na-stranded at hindi makaalis ng bansa. Hindi mahirap. ✘
Dumulog sa amin, Monday - Friday, 8am - 5pm.
TEXT HOTLINE: 09189122813
TEXT CODE : DSWD SAPNCR FULL NAME BARANGAY and CITY MESSAGE
CELLPHONE (CALLS ONLY) GLOBE: 09656494991 SMART: 09615816093 / 09615816090 TELEPHONE NUMBERS: 8733-6279 / 8734-8635
Maaari rin kayong magmessage sa aming Official Facebook Account sa link na ito: https://www.facebook.com/dswdfoncr/?ref=bookmarks
Kung mayroong katanungan sa LGU na nakakasakop sa inyo ukol sa implementasyon ng SAP, maaari ninyong tingnan ang kanilang numero sa link na ito:
https://www.facebook.com/dswdfoncr/photos/pcb.3050412561669456/3050411118336267/?type=3&theater
- Republic Act No. 11469 Bayanihan to Heal As One Act
Joint Memorandum Circular No. 1 Series of 2020 Special Guidelines on the Provision of Social Amelioration Measures by the DSWD, DOLE, DTI, DA, DOF, DBM and DILG to the most affected residents of the areas under Enhanced Community
Memorandum Circular No. 4 Series 2020
Special Guidelines on the Provision of Social Amelioration Measures by the Department of Social Welfare and Development to the Most Affected Residents of the Areas Under Community Quarantine and Continuation of the Implementation of the Social Pension for Indigent Senior Citizens and the Supplementary Feeding Programs
- MC 005, s.2020 Supplemental Guidelines to Memorandum Circular No. 04 Series of 2020 on the Provision of Social Amelioration Measures by DSWD
- MC 006, s.2020
Supplemental Guidelines for the Memorandum Circular No. 04 Series of 2020 on the Provision of Social Amelioration Measures by DSWD to Provide Further Guidance on the Provision of Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) to the Most Affected Residents of the Areas under Community Quarantine
MC 007, s.2020 Amendment and Supplemental Guidelines to Pertinent Provisions of Memorandum Circular Nos. 04, 05 and 06 Series of 2020
- MC 008, s.2020 Simplified Data Sharing Guidelines on the Provision of DSWD Programs and Services During a National State of Emergency
- MC 009, s.2020 Omnibus Guidelines in the Implementation of the Emergency Subsidy Program of the Department of Social Welfare and Development
- MC 010, s.2020 Amendments to Memorandum Circular No. 05 series of 2020 on the Provision of Social Amelioration to Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4ps) Households
- Department Order No. 209 Series of 2020 of DOLE COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP)
Ito ay listahan ng mga ayuda mula sa iba’t-ibang national agencies katulad ng DOLE,
DA, DSWD, DILG, DBM, DOF at DTI (RA No. 11469 or Bayanihan, We Heal as One Act
at JMC No. 1 Series of 2020).
Emergency Subsidy Program (ESP) ang tawag sa ayudang mula sa DSWD sa panahon
ng ECQ (JMC No. 1, Series of 2020; Definition of Terms #5, 5.1 at MC 9, Series of 2020,
Section V).
Ito ay isang uri ng CASH assistance ngayong panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula sa DSWD (JMC No. 1, Series of 2020; Definition of Terms #5, 5.1 at MC 9, Series of 2020, Section V).
Php.8,000.00 para sa National Capital Region. Ito ay nakabatay sa minimum wage ng isang rehiyon (JMC No. 1, Series of 2020; Definition of Terms #5, 5.1).
Ang ESP-SAP ay nilikha para sa mga low-income o mahihirap na pamilyang nasa informal sector at mga pamilyang may miyembro ng bulnerableng sektor (MC 9, Series of 2020, Section VI-A).
1,558,615 na pamilya lamang ang target number of poor families dito sa NCR. Paghahatihatian ito ng 16 na Lungsod at 1 Munisipalidad (Per DOF allocation).
Breakdown:
Non 4Ps Target Families per LGU in NCR LGU Target Families
- CITY OF CALOOCAN - 215,825
- CITY OF LAS PIÑAS - 67,738
- CITY OF MAKATI - 69,788
- CITY OF MALABON - 41,881
- CITY OF MANDALUYONG - 46,047
- CITY OF MANILA - 185,680
- CITY OF MARIKINA - 56,235
- CITY OF MUNTINLUPA - 53,836
- CITY OF NAVOTAS - 27,978
- CITY OF PARAÑAQUE - 77,674
- CITY OF PASIG - 93,867
- CITY OF SAN JUAN - 16,309
- CITY OF TAGUIG - 92,472
- CITY OF VALENZUELA - 82,708
- PASAY CITY - 46,286
- PATEROS - 6,707
- QUEZON CITY - 377,584
Kwalipikado ang mga mahihirap na pamilyang pinakanaapektuhan ng ECQ. Sila dapat ay nasa impormal na sektor at nawalan ng pagkakakitaan dahil sa ECQ. Kwalipikado rin ang mga pamilyang nasa impormal na sektor na may miyembro na kabilang sa bulnerableng sektor gaya ng Senior Citizens, PWD, IPs at iba pa. Kwalipikado rin ang mga street dwellers o walang tirahan (MC 9, Series of 2020, Section VI-A).
Kada-pamilya ang bilangan - hindi kada-indibidwal. Ngunit ang (mga) kwalipikadong pamilya lamang ang mabibigyan ng Social Amelioration Card (SAC) (MC 9 Series of 2020, Section VI-A).
Pamilya ang ginagawang batayan ng assessment at hindi indibidwal. Dumulog sa inyong barangay o LGU, sabihin ang inyong kalagayan upang ma-assess ang inyong kwalipikasyon base sa itinakdang guidelines (MC 9, Series of 2020, Section VI-A, No. 3-d).
Ang LGU ang gagawa ng listahan ng mga benepisyaryo base sa kanilang asessment ng mga pamilyang kwalipikado sa programa. Bagamat nagbibigay ang DSWD ng listahan ng mga mahihirap hango sa Listahan ng mga Tahanang Nangangailangan o Listahanan database ng ahensya, ito ay batayan lamang ng mga posibleng benepisyaryo na sasailalim pa din sa assessment at validation ng LGU (MC 7, Series of 2020, Section C at MC 8, Series of 2020).
Marahil base sa rapid-assessment nila, kayo ay hindi kwalipikado. Kung sa tingin ninyo ay mali sila, dumulog sa tanggapan ng Barangay Council o sa LGU at sabihin ang inyong kalagayan upang kayo ay ma-assess (MC 9 Series of 2020, Section XII).
Ang ESP ay pondo ng national government at hindi ng LGU. Hindi usapain dito kung saan ka nakarehistro bilang botante. Ang usapin dito ay kung saan ka inabutan ng ECQ. Balikan ang number 11 (MC 9 Series of 2020, Section VI-A).
Ayon sa Omnibus Guidelines ng DSWD, ang mga sumusunod ay hindi kasama sa mga maaaring tumanggap ng ayuda sa ilalim ng SAP:
a. Elected and Appointed na mga government officials kahit ano man ang status ng kanilang employment (Permanent, Casual, Contractual, Cost of Service, Job Order)
b. Mga empleyado sa Pribadong Sektor o nasa Formal Economy na maaaring No work, No Pay o sumasahod
c. Mga indibidwal na retired na at nakakatanggap ng pension (Gaano man kaliit o kalaki ang pensyon)
d. Mga indibidwal na may kapasidad na pinansyal upang masuportahan ang kanilang pamilya
(MC 9 Series of 2020, Section VI-B)
Sila ay hindi kabilang sapagkat mayroon ang Department of Labor and Employment (DOLE) na programang tinatawag na CAMP o COVID-19 Adjustment Measures Program na naglalayong magbigay ng Financial Relief sa mga nagtatrabaho sa pribadong sektor na may reduction o walang kita dahil sa ECQ (DOLE Department Order No. 209 Series of 2020 at MC 9, Series of 2020, Section VII).
Sa kabilang banda, ang SAP naman ay naglalayong tulungan ang mga nasa impormal na sektor at makokonsiderang poorest of the poor (MC 9 Series of 2020, Section VI-A).
Depende sa laki ng barangay at depende sa kooperasyon ng mga mamamayan.
Naglabas ang DILG ng pahayag na dapat ipaskil o i-post ang mga pangalan ng kwalipikadong benepisyaryo ng SAP upang masiguro na transparent ang pagpapatupad ng programa. Maaaring magtanong ng listahan sa Barangay o sa LGU. https://www.dilg.gov.ph/news/DILG-to-Punong-Barangays-Post-list-of-SAP-beneficiaries-in-barangay-hall-for-transparency/NC-2020-1100
Hindi lahat ay bibigyan ng SAC. Ang bibigyan lang ay mga pamilya na may miyembro na Informal Economy Worker or Vulnerable Sector at bibigyan ng prayoridad ang mga Maliit ang kita at pinaka-apektado ng krisis (MC 9 Series of 2020, Section C).
Kung ikaw man ay nakatanggap ngunit sa tingin mo ay hind kwalipikado ang iyong pamilya dahil hindi ito maikokonsiderang low-income family na kabilang sa impormal na sektor, maaaring ibalik ang SAC form sa inyong Barangay o sa LGU.
Tanging ang Barcoded SAC Form lang ang maituturing na valid sapagkat ito ay may unique barcodes (MC 9 Series of 2020, Section IV-H).
I-inform ka ng barangay council o mga itinalagang coordinators sa inyong barangay (MC 9 Series of 2020, Section X).
Dalawang paraan ang pwedeng piliipin ng LGU: Ang Direct Payout o House-to-house at Point-to-point payout. Kung Direct Payout, manatili sa inyong bahay dahil ang distribution team ang pupunta sa inyo. Kung point-to-point, manatili sa inyong bahay, bibigyan kayo ng coordinator ng hudyat kung anong oras kayo naka-schedule na pumunta. Bawal pumunta ng mas maaga sa itinakdang oras. Anumang paglabag sa social distancing ay magiging sanhi ng pagkahinto ng ESP distribution (MC 9 Series of 2020, Section VIII).
Ang pondo para sa ayuda ay naibaba na ng DSWD sa LGUs. Ang LGUs naman ay nagsimula nang mamahagi ng ESP kada barangay kasama ang DSWD at PNP/AFP. Ang tinalagang coordinator sa inyong barangay ang magsasabi sa bawat kwalipikadong pamilya ng iskedyul ng pagbibigay ng ayuda (MC 9, Series of 2020, Section VIII.B).
Nanghihingi kami ng pang-unawa at pasensya sapagkat limitado rin ang manpower ng mga National at Local Government na nagtutulong tulong upang ibigay sa libo at daang-libong mga mamamayan ng isang Lungsod o Munisipalidad.
Dalawang beses. Ang pagbabahagi ay buwanan: Abril (₱8,000) ay Mayo (₱8,000) (MC 9 Series of 2020, Section IV – D).
Hindi pinapayagan ng batas ang paghahati sa ayuda. Ang ₱8,000 ay base sa minimum wage ng isang manggagawa sa NCR. Ito ay maaaring kulang o sasapat lamang sa pangunahing pangangailangan ng isang mahirap na pamilya. Isumbong sa DILG ang sapilitang paghahati o pagbabawas ng ayuda (MC 9 Series of 2020, Section IV – D).
Ang lahat ay apektado ng ECQ. Ang lahat ay nais tulungan ng pamahalaan ngunit ang pamamahagi ay base sa lebel ng pangangailangan. Kung kaya’t ang inyong pagbibigayan at labis na pang-unawa ay higit na kailangan sa panahon ngayon.
Ang ESP-SAP ay hindi lamang ang tanging ayuda ng pamahalaan. Ito ay tulong lamang ng national governement sa mga LGUs. May iba pang programa at serbisyo ang barangay, LGU at iba pang ahensya para sa inyo.
Dalawa ang maaaring dahilan. 1. Hindi ka kwalipikado sa DSWD ngunit kwalipikado ka sa mga programa ng ibang ahensya (eg.: No work no pay sa isang pribadong kumpanya = DOLE) o 2. Napuno na ang listahan ng target number of poor families. Alinman sa dalawa ang dahilan, maaari kayong umapela sa inyong LGU upang ma-assess ang inyong pangangailangan. I-rerefer kayo sa akmang ahensya o i-eendorso kayo sa DSWD (MC 9 Series of 2020, Section VII at Section XII)
Hindi ka maaaring makatanggap ng SAP sapagkat ang assessment ng kwalipikasyon sa SAP ay per pamilya at hindi indibidwal. Maaari ring mabigyan ng SAP ang iyong pamilya sa probinsya kung saan ka nakatira kung sila ay kwalipikado.
Magkagayun man, may ibang serbisyo na maaring ibigay ang gobyerno para sa mga stranded na construction workers kabilang ang pagbibigay ng food packs, transportation assistance, at iba pa (MC 9 Series of VI-A-l).
Sila ay maaaring mapabilang sa mga maaaring ikonsidera ng lokal na pamahalaan ng tulong pinansyal kung sila ay:
1. Kabilang sa mahirap o impormal na sektor;
2. Walang ibang pinagkukunan ng kabuhayan maliban sa pagiging tanod/BHW/BNS/CDWs, at;
3. Sila lamang ang mag-isang tagapagtaguyod ng pamilya.
KALAGAYAN NG PAMILYA
- Kwalipikado (✔)
- Hindi Kwalipikado (✘)
- Mahirap na pamilya na may miyembro na nagtatrabaho sa gobyerno (halimbawa teacher, social worker o admin staff) ano man ang employment status. ✘
- Mahirap na pamilyang may buwanang pensyon. ✘
- Mahirap na pamilya pero nakakapagtinda pa rin sa palengke. ✘
- Mahirap na pamilya pero may miyembro na nagtatrabaho pa rin sa panahon ng ECQ (halimbawa: Security Guard, Fast-food crew) ✘
- Mahirap na pamilya. Walang pinagkakakitaan sa panahon ng ECQ ngunit may miyembro na no work no pay sa isang pribadong kumpanya. ✘ (refer to DOLE)
- Mahirap na pamilya ng PWD/Solo Parent na nagtatrabaho sa pribadong kumpanya (no work no pay). ✘ (refer to DOLE CAMP)
- Mahirap na pamilya. Nakatira sa kalsada. ✔
- Mahirap na pamilya. Tricycle driver na natigil sa pamamasada dahil sa ECQ. Kasama ang senior citizen na magulang. ✔
- Mahirap na pamilya. Solo Parent na kasambahay na natigil sa trabaho dahil sa ECQ. ✔
- Mahirap na pamilya. Dalawang senior citizen na walang katuwang sa buhay. ✔
- Mahirap na pamilya. Nagsara ang sari-sari store. May miyembro na may karamdaman o maintenance na gamot. ✔
- Mahirap na pamilya. Street vendor na nawalan ng pagkakakitaan. Nangungupahan at hindi botante sa barangay kung saan siya nangungupahan. ✔
- Construction worker na na-stranded sa Maynila ngunit nasa probinsya ang pamilya. ✘
- OFW ang asawa at nasa abroad pero hindi makapagtrabaho sapagkat lockdown din doon, walang padala sa pamilya sa Pilipinas. ✘(refer to DOLE-AKAP Cash Assistance)
- OFW. Na-stranded at hindi makaalis ng bansa. Hindi mahirap. ✘
Dumulog sa amin, Monday - Friday, 8am - 5pm.
TEXT HOTLINE: 09189122813
TEXT CODE : DSWD SAPNCR FULL NAME BARANGAY and CITY MESSAGE
CELLPHONE (CALLS ONLY) GLOBE: 09656494991 SMART: 09615816093 / 09615816090 TELEPHONE NUMBERS: 8733-6279 / 8734-8635
Maaari rin kayong magmessage sa aming Official Facebook Account sa link na ito: https://www.facebook.com/dswdfoncr/?ref=bookmarks
Kung mayroong katanungan sa LGU na nakakasakop sa inyo ukol sa implementasyon ng SAP, maaari ninyong tingnan ang kanilang numero sa link na ito:
https://www.facebook.com/dswdfoncr/photos/pcb.3050412561669456/3050411118336267/?type=3&theater
- Republic Act No. 11469 Bayanihan to Heal As One Act Joint Memorandum Circular No. 1 Series of 2020 Special Guidelines on the Provision of Social Amelioration Measures by the DSWD, DOLE, DTI, DA, DOF, DBM and DILG to the most affected residents of the areas under Enhanced Community Memorandum Circular No. 4 Series 2020 Special Guidelines on the Provision of Social Amelioration Measures by the Department of Social Welfare and Development to the Most Affected Residents of the Areas Under Community Quarantine and Continuation of the Implementation of the Social Pension for Indigent Senior Citizens and the Supplementary Feeding Programs
- MC 005, s.2020 Supplemental Guidelines to Memorandum Circular No. 04 Series of 2020 on the Provision of Social Amelioration Measures by DSWD
- MC 006, s.2020 Supplemental Guidelines for the Memorandum Circular No. 04 Series of 2020 on the Provision of Social Amelioration Measures by DSWD to Provide Further Guidance on the Provision of Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) to the Most Affected Residents of the Areas under Community Quarantine MC 007, s.2020 Amendment and Supplemental Guidelines to Pertinent Provisions of Memorandum Circular Nos. 04, 05 and 06 Series of 2020