Ipinagbibigay alam ng DSWD-NCR sa publiko na ang payout na ginaganap sa video na ito: https://www.facebook.com/ryan32312/videos/230853943971632/?__mref=message_bubble ay ginanap upang ibigay ang cash-for-work (CFW) assistance ng mge benepisyaryo sa District 1, Marikina City.
Nagsagawa ng CFW and DSWD sa ilang residente ng Marikina, District 1 mula April 17-21, 2016 upang makatulong sa pag-iwas sa pagbaha sa pamamagitan ng paglilinis sa sidewalks, creeks, canals at iba pang daanan ng tubig kasama na rin ang muling pagpipintura sa mga paaralan.
Samantala, taliwas sa ilang pahayag sa post na ito, makikita sa social media video na walang logbook na pinapapirmahan sa payout kundi payroll na ginagamit ng DSWD upang i-liquidate ang pondong ginamit para sa project na ito.
Maoobserbahan din na ang mga benepisyaryo ay nag aabot ng kopya ng ilang dokumento tulad ng kanilang ID at ilang katunayan na sila ay nagtrabaho bago ibigay sa kanilang ang nakalaang assistance sa ilalim ng cash-for-work (CFW) project.
Bawat benepisyaryo ay tumatanggap ng P1,800.00 o nagkakahalaga ng P360.00 bawat araw na siyang 75% ng kasalukuyang minimum wage sa NCR alinsunod sa alituntunin ng pagpapatupad ng DSWD’s Protective Service Program ayon sa Memorandum Circular No. 04, Series of 2015.
Naninindigan ang DSWD na ang mga programang pinapatupad nito ay hindi kontrolado ng sinumang politiko at kailanman ay hindi nagagamit sa kampanya ng sinomang kumakandidato.###