Taon-taon, nakikiisa ang Elsie Gaches Village sa pagdiriwang ng Stacruzan na ginaganap tuwing buwan ng Mayo. Ito ay upang gunitain ang paghahanap ng Banal na Krus ni Reyna Elena at Emperador Constantino. Kasabay ang pagsibol ng mga bulaklak sa buwan na itinuturing na tradisyon ng Simbahang Katoliko. ang Santacruzan ay ginanap sa naturang center noong ika-20 ng Mayo taong 2019.
Pinasimulan ang pagdiriwang ng santacruzan sa Elsie Gaches Village noong ika-29 ng Mayo 2019 na pinangunahan ng pag- aalay ng dasal sa Banal na Rosaryo at sinundan nang pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen na ginanap ng siyam (9) na araw habang hinahandugan ng isang relihiyosong awit na nagmula sa tinig ng mga residente at ilang piling empleyado ng institusyon upang mas maisapuso ang paggunita ng pasinaya.
Matapos ang pag aalay ng bulakalak ang pagdiriwang ay nasundan ng tradisyonal na prusisyon o mas kilala sa tawag na Santacruzan, ang pagparada ng mga reyna at sagala na kasama ang Mahal na Birhen Maria. Ang pagdiriwang na ito ay nilahukan ng dalawampu’t-pitong pili at natatanging empleyado at labing-limang residente ng institusyon na pinamunuan ng Hermana Mayor na si Bb. Beatriz Estigoy, isa sa Houseparent I ng Homelife Service Department.
Ang kahabaan ng Alabang-Zapote Road patungo sa Marillac Hills at Haven for Women at pabalik sa EGV ang tinahak ng mga sumagala.
Isang maikling programa ang inihanda matapos ang isang matagumpay na pagsasabuhay na pagdiriwang ng prusisyon. Ang programa ay inihanda upang ipakilala at ipaliwanang ng mga nagsiganap na reyna ang kanya-kanyang sinisimbolo at ano ang kahalagahan nito sa pagdiriwang ng Santacruzan.
Natapos ang programa sa pamamagitan ng isang panalangin sa Mahal na Birhen Maria na pinamunuan ng isa sa volunteer na madre ng Sisters of Charity of St. Anne. ###