Ang Golden Reception and Action Center for the Elderly and other Special Cases (GRACES) ay nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika para sa taong 2020 na may temang-, “Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika.” Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya.Ang aktibidad ay ginanap noong ika- 27 ng Agosto 2020 sa GRACES activity hall.
Ang paggunita sa ating sariling wika at pagmamahal sa wikang pambansa ay isa lamang sa mga makabuluhang diskurso na tinalakay. Ito ay masiglang pinangunahan ng Psychological at Dietary Service ng institusyon. Isang Dokumentaryo ang ipinakita at ipinapanood sa mga residente upang kanilang sariwain ang natatanging kasaysayan ng wikang Filipino.
Nakasentro ang tema ng Buwan ng Wika 2020 sa halaga ng Filipino at mga katutubong wika sa bansa bilang isang mabisang sandata sa pakikidigma laban sa pandemya. Naglalayon itong himukin ang Bayanihan ng sambayanan upang tuluyang masugpo ang pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga impormasyon gamit ang wikang Filipino at Katutubong Wika na naiintindihan ng mas nakararami.
Ang lahat ay masigla at masayang nakibahagi sa aktibidad.
Ang mga kawani at residente ng GRACES ay binigyan ng Face masks at face shield upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. Gayundin, ang physical distancing ay mahigpit na ipinatupad habang isinasagawa ang aktibidad.
Ang GRACES ay isang residential care facility na nag-aalaga at nagbibigay-kalinga sa mga inabandona, pinabayaan at kinalimutang mga nakatatanda o Senior Citizens. ###