Bilang pakikiisa sa isinagawang National Ceremonial Graduation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), nagsagawa ang DSWD Field Office NCR ng simultaneous Virtual Ceremonial Graduation para sa 10 sambahayang benepisyaryo nito na nagtapos sa programa noong Hunyo 10, 2021 na ginanap sa Opulent Building Cubao, Quezon City.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan nina: Regional Director, Mr. Vicente Gregorio B. Tomas; OIC-Assistant Regional Director for Operations, Ms. Edna J. Sacedor; OIC-Regional Program Coordinator, Ms. Keren T. Jimena; at iba pang mga kawani ng Regional Program Management Office NCR. Kasama din sa pagsaksi ng nasabing aktibidad sina: Ms. Fe P. Macale, Head of Social Services Development Department ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon City; at Pastor Lydia A. Serrano, National Coordinator ng International Holistic Engagement for Life and Progress (IHELP).
Sila din ay nakiisa sa isinagawang talakayan na bahagi din ng programa ng Ceremonial Graduation kung saan binigyang diin at pinagusapan ang kahalagahan ng “partnership” sa pagsasakatuparan ng mandato ng Programa sa bansa.
Nagbahagi naman si Edgar Z. Mercado, isa sa mga nagtapos sa Programa mula sa Barangay Masambong, Quezon City, ng kanyang mga positibong pananaw sa 4Ps.
“Dapat tuloy-tuloy ang paghahanap-buhay kahit wala na ang aming pamilya sa 4Ps, hindi kami aasa nalang palagi sa gobyerno dahil ako ay may pangarap para sa aking pamilya” wika ni Edgar.
Samantala, bukod sa sambahayan ni Edgar Z. Mercado kasama rin sa mga nagsipagtapos ang mga sambahayan nina: Susana Helen F. Bagsik; Milagros T. Tolledo; Judith S. Casidsid; Sharon Samson Nuqui; Teresita C. Cantos; Genalin C. Oracion; Merlita L. Canam; Elenita P. Arizala; at Jessica A. Daguman. Batay sa masusing pagsusuri ng programa sa pamamagitan ng Social Welfare Development Indicators (SWDI), ang 10 pamilyang nagsipagtapos ay maituturing nang nasa ikatlong lebel o nasa self-sufficiency lebel ang antas ng kanilang pamumuhay.
Natapos naman ang aktibidad sa pangwakas na mensahe ni Regional Director Vicente Gregorio B. Tomas kung saan binigyang pagpupugay niya ang mga nagsipagtapos sa Pantawid Pamilya, aniya ang pagsusumikap para maiahon ang buhay ng isang pamilya ay magmumula sa determinasyon at pagtitiyaga mula sa puso ng bawat miyembro nito.
Ang nasabing aktibidad ay nakaangkop sa ika-2 taong selebrasyon ng pagsasabatas ng 4Ps o ang R.A 11310: An Act Institutionalizing the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
#4PsNCR
#DSWDMayMalasakit