Nagsagawa ng pagsasanay ang Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) para sa mga piling kinatawan ng iba’t ibang grupong kabilang sa Gulayan sa Barangay-Community Organizing (GSB-CO) ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) National Capital Region noong Mayo 2 at 4 sa Swiss belhotel, Manila City.
Katuwang sa nasabing aktibidad ang Department of Agriculture (DA) Bureau of Plant Industry and Agricultural Training Institute na nagtalakay tungkol sa Basic Urban Farming at Basic Nursery and seedling management.
Ang unang araw ng aktibidad ay nilakuhan ng iba’t-ibang grupo mula sa mga sumusunod na lugar: Barangay 662 Garden at Center Island Gardens/Zone 84 Gardens mula sa Lungsod ng Maynila; Friendship Urban Farming mula sa Lungsod ng Caloocan; Agora Women’s Organic Farm mula sa Lungsod ng Marikina at; ICFP at SNKTK Garden mula Lungsod ng Valenzuela.
Lumahok naman sa ikalawang-araw na aktibidad ang mga lugar: 4K Garden at Sucat Paradise Garden mula sa Lungsod ng Muntinlupa; Marcelo Green 4Ps Garden mula sa Lungsod ng Parañaque; Pantawid Garden mula sa lungsod ng Las Piñas; Bagumbayan Urban Farming at Kabukiran sa Brgy. 201 na parehong mula sa Lungsod ng Pasay.
Inaasahan naman na sa Mayo 25, 2022 gaganapin ang huling bahagi ng pagsasanay ng mga grupong nalalahok sa nasabing aktibidad. Kabilang na dito ang mga sumusunod: Gulayan ng 4ps Novaliches Proper Gulayan sa Gulod, Gulayan sa T. Alonzo, Humabon Garden, J. P. Rizal Urban Farm, 4Ps Ilaw Garden na mula sa mula sa Lungsod Quezon at; Samahan ng Pantawid Pamilya Mushroom ng Maybunga (SPPMM), at Sanctuary Garden mula naman sa Lungsod Pasig.
Samantala, napuno naman ng positibong pananaw at karagdagang kaalaman sa pagtatanim ang mga benepisyaryong lumahok sa una at ikalawang araw ng pagsasanay sa nasabing aktibidad.
Hindi lang natapos sa talakayan ang nasabing pagsasanay, kundi nagkaroon din ng aktwal ng demonstrasyon kung paano ang tamang pamamaraan sa paghalo ng lupa, pagpupunla ng mga sisidlan, paggamit ng organikong pataba at tamang pamamahala ng lupa na resulta sa maayos at mayabong Gulayan.
Inilarawan naman ni Angelina Alcantara mula sa Baranagay 662 Garden, Lungsod ng Maynila ang kanyang mga natutuhan sa nasabing pagsasanay.
“Marami po akong natutunan sa pagsasanay lalo na kung paano ang tamang pag didilig, tamang pagbi-binhi ng mga pananim at kung paano gumawa ng organikong pataba. Nawa’y maraming pang oportunidad na mga pagsasanay para sa mga benepisyaryong tulad namin, dahil hindi lang kami natututo kundi nagiging isang magandang oportunidad din ito para mapalawak ang pakikipag ugnayan sa kapwa naming mga benepisyaryo sa ibat-ibang lungsod sa National Capital Region.” Tugon ni Angelina.
Ang EPAHP ay isang Convergence Program na naglalayong makatulong na mabawasan ang gutom, matiyak ang seguridad sa pagkain at nutrisyon, at bawasan ang kahirapan na nararansan ng mga pamilya mula sa mga urban at rural na komunidad. Lubos ang pakikipagtulungan ng 4Ps upang lalo pang umunlad ang kalidad ng pamumuhay ng bawat pamilyang Pilipino.