TINGNAN: Lumahok ang higit 30 mga Benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa isinagawang Pagsasanay sa Gender and Development training sa Batino Elementary School, Lungsod ng Quezon ngayon araw.

Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ng Batino Elementary School at sa pakikipatulungan 4Ps Operations Office 4 – Quezon City upang mabigyan ng kaalaman ang mga benepisyaryo ng 4Ps sa kahalagahan ng Gender Needs, Community Development, Personal Health Concerns; at Academic Stress Management in the New Normal.

Tampok sa aktibidad na ito na mabigyan kaalaman ang mga magulang kung paano nila matutulungan ang kanyang mga anak sa eskwelahan, upang maiwasan ang hindi pagpasok o paghinto ng mga ito pag-aaral bunsod ng Academic Stress at iba pang sanhi nito.

Layunin din ng nasabing aktibidad na lalo pang magkaroon ng malawak na kaalaman ang mga miyembro ng 4Ps patungkol sa Disaster Risk Reduction and Management upang maging handa ang mga ito sa iba’t ibang porma ng sakuna na maaaring mangyari sa hinaharap. 

Samantala, ani naman ni Area Coordinator Operations Office 4, Olivia Salazar na ang mga ganitong aktibidad ay malaki ang naitutulong sa mga benepisyaryo ng Programa higit lalo sa parte ng Disaster Resiliency and Preparedness at Stress Management upang maging handa ang mga ito ngayong panahon ng new normal.

“Ang mga ganitong Trainings ay higit na nakatutulong sa ating mga Benepisyaryo lalo na pagdating sa Disaster Resiliency and Preparedness at sa Stress Management. Dahil sa panahon ngayon, ang pagiging handa physically, mentally at emotionally ay napaka importante. Kasi ito ang magbibigay sa atin ng malawak at gising na kaisipan upang maging mapayapa at ligtas ang ating Sambahayan” – Tugon ni Olivia Salazar.

Inaasahang tatagal ang training na ito ng tatlong araw na matatapos sa ika-29 ng Hulyo, 2022.

 

#DSWDNCR
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

 

Please share