Pinangunahan ng DSWD-NCR Sustainable Livelihood Program ang launching ng community store ng dalawang Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) sa Lungsod ng Valenzuela.

Ang launching ay nilahokan nina DSWD-NCR Sustainable Livelihood Program Regional Program Coordinator, Ms. Esperanza A. Mangoba; National Housing Authority (NHA) Community Services Support Officers, Ms. Cyryl V. Labares at Mr. Homer S. Duyan; Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty Regional Program Coordinator, Mr. Alvin Y. Sevilla; City Social Welfare and Development Office Center Consultant, Mr. Bernardino S. Bautista at ang CSWDO Livelihood Focal, Mr. Cedrick Alapan.

Ang mga Associations na nagbukas ngayong araw ay ang Brgy. Bignay Matapat SLPA at Brgy. Bignay Samahan ng Kababaihan SLPA na parehong rice retailing at groceries ang itinayong negosyo. Ang bawat grupo ay binubuo ng 25-miyembro na parehong nabigyan ng Kagawaran ng Seed Capital Fund na nagkakahalaga ng 375,000.

Dagdag pa rito, ang mga bagong na-organisang Associations ay pagsuporta sa Project on Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Resettlement Support (PERS). Layunin nito na makatulong sa pagresolba ng problema sa kagutuman at kahirapan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga asosasyon na maaring maging supplier sa mga institutional feeding program ng mga kapartner na ahensya ng gobyerno katulad ng DepEd, DILG-BJMP, DA, DOH at maging ang DSWD Residential Care Facilities.

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng mga miyembro sa tulong na kanilang natanggap mula sa Kagawaran.

“Nagpapasalamat po kami sa DSWD sa magandang programa na ito [PERS]. Malaking tulong po sa aming walang sapat na puhunan na mabigyan ng livelihood assistance upang makapagsimula ng kabuhayan. Nakakatuwa po na hindi lang puhunan ang binigay ng DSWD-NCR sa amin binigyan din nila kami ng training at sinigurado nila na mayroon kaming sapat na kaalaman at kasanayan sa pagnenegosyo.” – Josephina Espinosa, President, Brgy. Bignay Matapat SLPA

Ang SLP ay isang programa ng DSWD na naglalayong maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga tulong na may kaugnayan sa serbisyo na pagpapalakas ng kakayahan, kasanayan, at karanasan ng mga kalahok tungo sa mas kapaki-pakinabang na negosyo at trabaho.

Maagap at Mapagkalingang Serbisyo!

#DSWDMayMalasakit
#SLPSibol

Please share