TINGNAN: Pantawid Pamilyang Pilipino Program – National Capital Region nagsagawa ng Technical Assistance and Orientation for Urban Aquaponics para sa 16 na mga miyembro ng 4Ps sa Jose Rizal Elementary School, Lungsod ng Pasay, nitong ika-18 ng Agosto, 2022.


Ito ay pinangunahan ni Bb. Imelda R. Calixto, Registered Fisheries Technologist na mula sa Department of Agriculture- Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) katuwang ang mga Community Organizers ng 4Ps NCR.


Layunin ng nasabing aktibidad na makapag bigay ng karagdagang kaalaman sa pagtatanim at maipakilala ang iba pang teknolohiya sa mga benepisyaryo tulad ng solar-powered aquaponics system na maaring maging alternatibong mapagkukunan ng pagkain at pagkakakitaan ng bawat isa.


Ang aquaponics ay pamamaraan ng pagpapalaki ng isda at halaman sa pamamagitan ng Aquaculture technology gamit ang solar-powered aquaponic system.


Ibinahagi naman ni Ginang Maria Ana Sanluis, Parent Leader mula sa Lungsod ng Pasay ang kanyang mga natutuhan sa nasabing pagsasanay.


“Marami po kaming bagong kaalaman na natutuhan tulad ng makabagong pamamaraan ng pagtatanim at pag-aalaga ng isda sa siyudad gamit ang solar-powered aquaponics system. Dahil dito, maaring maging source ng pagkain at income naming mga benepisyaryo ito. Bilang isang Parent Leader, pagsusumikapan namin ng aking mga kasamahan na gampanan ang aming responsibilidad, patuloy na suportahan ang mga gawain katuwang ang mga partners at school focals.” Ani ni Ginang Sanluis.


Samantala, ang mga miyembro na dumalo sa nasabing pagsasanay ay kabilang rin sa “The Pilot 4Ps Gulayan sa Pamayanan project” na isa sa mga proyekto sa ilalim ng Zero Hunger projects ng National Government.


Nagtapos ang aktibidad sa pagbibigay mensahe ni ni Bb. Lorna Guiling, Guidance Counselor ng Jose Rizal Elementary School.


Dahil sa mga ganitong aktibidad, inaasahan ng Programa mas mapagiibayo pa ng mga benepisyaryo ang kanilang kaalaman at kakayahan upang makatulong sila hindi lamang sa kanilang sarili kundi pati narin sa kanilang mga pamilya at mga kapwa miyembro sa 4Ps.

Sama-sama sa Matatag at sa Matagumpay na Pamilyang Pilipino. ##

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

 

Please share