Ang Alternative Learning System (ALS) ay isang programa ng Department of Education (DepEd) ng Pilipinas na naglalayong magbigay ng edukasyon sa mga kabataang hindi nakapasok o nakatapos ng pormal na edukasyon sa paaralan. Ito ay isang non-formal na paraan ng pag-aaral na dinisenyo upang magbigay ng edukasyon at mga kasanayan sa mga out-of-school youth at adult learners.
Isang malaking tagumpay sa buhay ang makapagtapos ng pag-aaral, ngunit sa kinakaharap na mga dagok sa buhay hindi naging madali para sa mga residente ng Jose Fabella Center na matustusan ang kanilang pag-aaral.
Bilang parte ng programa ng La Salle Green Hills na magkaroon ng libreng edukasyon para sa mga nangangailangan, ito ang naging oportunidad ng siyam (9) na residente ng Jose Fabella Center para makapag-tapos ng kanilang pag-aaral sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) noong ika-14 ng Mayo 2024. Bakas sa kanilang mga mukha ang lubos na saya at pagpapasalamat habang isinusuot ang kanilang mga toga bilang tanda na sila ay nakapagtapos na ng pag-aaral. Nag-bunga ang lahat ng pagsisikap at determinasyon upang maabot ang kanilang mga pangarap.
Habang tayo ay nasa pagtatapos ng ating pag-aaral, tayo ay nagdiriwang hindi lamang ng mga natutunan nating kaalaman kundi pati na rin ng mga pagsubok na ating napagtagumpayan. Ang bawat leksyon, bawat proyekto, at bawat exam ay humubog sa atin upang maging mas matatag, mas masigasig, at mas handa sa mga hamon ng buhay.