Matagumpay na naisagawa ang Project BINHI o Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the
Impoverished ng DSWD para sa 1,000 Partner Beneficiaries mula sa Lungsod ng Marikina.

Noong ika-27 ng Marso, nagsimula ang pagbibigay ng kaalaman patungkol sa climate change mitigation
at adaptation, disaster resilience at preparedness, at oryentasyon ng Project BINHI para sa mga
nabanggit na partner beneficiaries sa lungsod ng Marikina.

Ang nasabing aktibidad ay tumagal ng 3-araw na tinalakay ang mga hakbangin at layunin ng program
upang matugunan ang mga hamong kaugnay sa kakulangan ng malinis na tubig at seguridad sa pagkain.
Nito ring ika-6 ng Mayo 2024, isinagawa ang payout para sa mga partner beneficiaries, ang bawat isang
partner beneficiary ay nakatanggap ng Php 610.00 sa araw na sila ay nagtrabaho.

Ang DSWD, kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Marikina, ay patuloy na magpapatupad
ng monitoring at assessment upang tiyakin ang pangmatagalang epekto at tagumpay ng proyekto.

Ang Project BINHI ay isang inisyatiba sa programa ng DSWD na Risk Resiliency Program through Cash
for Training and Work (RRP-CFTW) na naglalayong labanan ang masamang epekto ng climate change at
itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan sa bawat indibidwal at pamilya. Layunin rin nitong magdulot ng
positibong pagbabago at mapanatili ang pag-unlad sa komunidad.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#ProjectBinhi

Please share