Nakiisa ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) NCR sa House of Representatives Commission on Poverty Alleviation para lumahok sa Pre-testing of tools and processes para sa panukalang Batas 10388, “An Act Strengthening the Effective Implementation of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) through Parent Leaders Engagement and Providing Funds Therefor” nito lamang ika-19 ng Hunyo sa RV Mitra Building, House of Representatives.
Ang pre-testing activity ay pinangunahan ni National Anti-Poverty Commission (NAPC) Committee Secretary Ma. Lourdes Sagmit-Mendoza katuwang ang mga kawani ng 4Ps NCR Operations Office 4 sa pangunguna ni Area Coordinator – SWO IV Ms. Olivia C. Salazar.
Kasama rin sa aktibidad ang 19 na miyembro ng Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawid (SNPP) mula sa iba’t ibang lungsod ng Luzon.
Ang aktibidad ay paghahanda para sa Public consultation na bahagi upang suriin ang panukalang Batas 10388 na naglalayong palakasin ang implementasyon ng 4Ps sa pamamagitan ng mas aktibong pakikilahok ng mga 4Ps Parent Leaders at pagkakaloob ng karagdagang pondo para sa Programa para sa mga proyektong may kinalaman sa kanilang Capacity building and program engagements.
Layon din ng aktibidad na tiyakin na ang mga kasangkapan at pamamaraan na gagamitin sa Public Consultation ay epektibo at angkop para sa layunin nito.
Ang pagpasa ng panukalang batas 10388 ay inaasahan na magdadala ito ng suporta para sa mga Parent Leaders na katuwang ng Programa sa pagtiyak ng mas maayos at malinaw na implementasyon ng 4Ps sa Bansa. Sa pamamagitan ng karagdagang pondo at mas aktibong partisipasyon ng mga benepisyaryo, ang programa ay mas magiging kapaki-pakinabang at sustainable para sa mga susunod na henerasyon.