Sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ngayong Hulyo, ang Parola Health Center Barangay Nutrition Scholar (BNS) ay nagsagawa ng aktibidad na may tema na “Sa PPAN sama-samang Nutrisyon Sapat Para sa Lahat.” Dinaluhan ito ng mahigit 30 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Barangay 20, Tondo, Manila.

Layunin ng aktibidad na turuan sa mga benepisyaryo sa kahalagaan ng pagbibigay ng sapat na nutrisyon sa bawat miyembro ng pamilya. Ito ay upang mapanatili ang malusog at masiglang pangangatawan laban sa mga sakit dulot ng hindi pagkain ng sapat at tama.


Tinalakay ni Gerald Esguerra, District-I BNS President ang kahalagaan ng pinggang pinoy upang sa kanilang pang-araw-araw na nutrisyon. Tinalakay niya ang sampu (10) “kumainments” kung saan nakapaloob ang sampung impormasyon na magpapanatili sa malusog na pangangatawan ng isang indibidwal.

Ibinahagi naman nila Jenevie Deala at Lorie Ann Calvo, BNS staff, ang tungkol sa first 1,000 days ng isang sanggol, binigyang diin nila ang kahalagahan ng breastfeeding at tamang nutrisyon na makukuha mula rito na nagmumula sa gatas ng isang ina.

Bago matapos ang sesyon, nagbahagi si Ann Julie Carla Suplito, isang 4Ps member. Ayon sa kanya, bilang isang magulang kanyang minamarapat na matugunan ang sapat na nutrisyon na kailangan ng kanyang mga anak. Kanya din pinapaalala sa mga dumalo ang kahalagaan ng pagkain ng prutas at gulay ng isang bata.
Ang Buwan ng Nutrisyon ay ginaganap tuwing buwan ng Hulyo upang bigyang atensiyon ang pamilyang Pilipino sa tamang nutrisyon para sa isang sambahayan. Ang pagdiriwang ng buwan ng Nutrisyon ay inatas noong Hunyo 25, 1974 sa ilalim ng Seksiyon 7 ng Presidential Decree No. 491 o siyang mas kilala bilang Nutrition Act of the Philippines.

Please share