Ang i-Registro o Dynamic Social Registry (DSR) ay mas pinahusay na information management system (IMS) na naglalaman ng mga impormasyon ng sambahayanan o indibidwal. Ito ay gagamitin upang tukuyin kung ang isang sambahayan o indibidwal ay maaari at nararapat na maging benebisyaryo, ayon sa kanilang pangangailan, para sa sama – samang paghahatid ng mga programa at serbisyong panlipunan.
Bilang isang dynamic registry, ang i-Registro ay may kakayanan na o sa:
- Self-Service na pagrehsitro at pagupdate ng impormasyon;
- Mag-authenticate ng impormasyon sa pamamagitan ng PhilSys; at mayroong
- Interoperability sa ibang administration databases.
Ang kagawaran ng Department of Social Welfare and Development – National Capital Region ay magsasagawa ng Pilot Testing sa Munisipalidad ng Pateros sa darating na ika-8 hnaggang ika-19 ng Hulyo taong 2024. Sa ngayon, ang i-Registro ay nakatuon muna sa mga sumusunod:
- Self-service na pag rerehistro at
- Pag-authenticate sa impormasyon ng mga buntis at/o nagpupususong nanay.
Ang mga buntis at/o nagpapasusong nanay na nakatira sa nasabing munisipalidad pa lamang ang maaaring magrehistro.
Bakit kailangang magrehistro ng mga buntis at/o nagpapasusong nanay sa i-Registro?
Ang mga impormasyon tungkol sa mga buntis at/o nagpapasusong nanay ay gagamitin ng Development of Social Welfare and Development (DSWD) at ibang mga National Government Agencies (NGA), Non-Government Organizations (NGO), Civil Society Organizations (CSO) at Development Partners upang tukuyin ang mga maaari at nararapat na maging benepisyaryo ng mga programa tulong, at serbisyong may kinalaman sa kalusugan ng mga buntis at/o nagpapasususong mga nanay at kanilang mga anak.
Ano ang matatanggap ng mga buntis at/o nagpapasusong nanay na nagrehistro sa i-Registro?
Ang i-Registro ay hindi isang programa na nagbibigay ng direktang pinansyal, serbisyo, tulong, o ayuda. Ito ay isang information management system (IMS) na naglalaman ng mga impormasyon ng sambahayan o indibidwal na maaaaring gamitin bilang basehan para tukuyin ang mga maaari at nararapat na maging benepisyaryo ng mga programa at serbisyo ng gobyerno.
Sa ngayon, nakatuon muna ang i-Registro sa pagkuha at pag-authenticate sa impormasyon ng mga buntis at/o nagpasusong mga nanay at kanilang mga anak.
Ang mga mamamayan ng pateros ay maaaring magparehistro sa i-Registro sa darating na ika-1 hanggang ika-31 ng Hulyo taong 2024 sa online Web Portal ng i-Registro https://iregistro.dswd.gov.ph.
Kudos mamamayan ng Pateros!!!