Pinangunahan ni DSWD Assistance Secretary for Community Engagement Ulyssess Aguilar at Assistant Secretary for Specialized program Florentino Loyola Jr., ang paggawad ng Seed Capital Fund na P15,000 sa 180 na benepisyaryo sa Casa De Polo, Brgy. Poblacion, Valenzuela City.
Kasama nina Asec Aguilar at Asec. Loyola sa pamamahagi ng SCF si DSWD FO-NCR Assistant Regional Director for Operations Bienvenido Jr V. Barbosa at Promotive Services Division chief Mark Garcia.
Laking pasasalamat naman inihayag ng mga benepisyaryo lalo na’t magagamit nila ang dagdag-kapital para mapalago ang kanilang Negosyo.
“Malaking tulong sa ito dahil mapapalago namin ang negosyong pangkabuhayan at sumusuporta sa pang-araw araw naming gastusin sa Bahay,” paglalarawan ni Aling Elizabeth.
Masayang ibinahagi ni Assistant Secretary for Specialized program Florentino Loyola Jr.  na maaaring makakuha ng “additional incentive” ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng SLP Association na makakaabot sa Usbong ( second year) at Ani phase (fifth year) sa ilalim ng 5 – year Sustainability plan ( Punla, Usbong, Sibol, Yabong, at Ani phase). Ito ay para bigyan ng motibasyon ang mga benepisyaryo  at mas pagyabungin ang natanggap na kapital mula sa programa.
Pangunahing layunin ng SLP na mabigyan ng sapat na kaalaman, kasanayan, at kapital ang mga benepisyaryo upang makapagsimula at mapalago ang kanilang sariling mga negosyo. Sa pamamagitan ng mga pagsasanay, pagbibigay ng pondo, at patuloy na suporta, isinusulong ng programa ang pagkakaroon ng matatag at tuloy-tuloy na kabuhayan ng bawat isa. Layunin din nitong mapalakas ang kakayahan ng bawat indibidwal upang maiangat ang kanilang antas ng pamumuhay.

Please share