Lumahok sa taunang Santacruzan 2025 ang mga kawani ng DSWD Field Office-NCR partikular na ang mga kawani at residente ng Center and Residential Care Facilities (CRCF) South Cluster nitong Mayo 30, 2025.
Kabilang sa mga lumahok ay mula sa Marillac Hills NTSG, Elsie Gaches Village, Haven for Women at Haven for Children.
Mismong si DSWD NCR Assistant Regional Director for Operations Bienvenido Jr Barbosa ang nanguna sa pagpili ng reyna ng santacruzan at pagandahan ng mga arko.
Sumali rin sa pagrampa ang tatlong residente bilang tres marias. Ang Santacruzan ay bahagi ng buwanang Flores De Mayo na naglalahad ng kwento ng pagtuklqs ni Reyna Elena kasama ng kanyang anak sa banal na krus.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD