Nitong Setyembre 30, 2019, ginunita ng Nayon ng Kabataan (NK) ang kanilang Ika-51 Taong Pagkakatatag, sa haliw ng temang: “Malasakit at Pagkalinga sa Katutubong Kabataan” na ginanap sa Nayon ng Kabataan Covered Court, sa pangunguna ni Regional Director Vicente Gregorio B. Tomas at NK Center Head Asuncion M. Flores.
Katutubong tugtugin at sayaw ang hinanda ng mga piling kabataan ng NK upang ipamalas sa mga panauhing pandangal ang kanilang mga talento.
Isang pagkilala naman ang ibinigay ng NK sa mga Natatanging Kawani at katuwang nito sa layunin na mapaunlad ang mga kabataan sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanila at kanilang mga programa.
Sa isang simpleng mensahe, pinasalamatan naman ni DSWD-NCR, Regional Director Vicente Gregorio B. Tomas ang mga dumalo.
“Sana po ay patuloy nyo kaming tulungan at suportahan sa pag abot sa ating mithiin na maprotektahan, magabayan, at maisatuwid ang buhay ng mga kabataan. Ang DSWD NCR at Nayon ng Kabataan ay laging handa upang maging kaisa sa pag-tugon sa ating mga tungkulin para sa mga pag-asa ng bayan.”
Ang Nayon ng Kabataan ay isang gobyernong pasilidad kung saan ito ay nangangalaga sa mga kabataang may edad pito hanggang labing-pito, lalake o babae na inabuso, ulila, inabandona, napabayaan at pinagsamantalahan. Ito ay matatagpuan sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City. ###