Alinsunod sa Memorandum Circular No. 11, Series of 2021 o “Guidelines on the Provision of Family Food Packs (FFPs) in Support to Affected Families Due to Declaration of Granular Lockdowns”, na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang tugunan ang “Pilot Implementation of Granular Lockdowns in Metro Manila” na idineklara mula Setyembre 16-30, 2021, ang DSWD Field Office National Capital Region (DSWD NCR) at mga Local Government Units (LGUs) sa NCR ay nagkaisa upang makapag-bigay ng Serbisyong May Malasakit sa mga pamilyang naapektuhan ng granular lockdown sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila.

Kaugnay nito ay nagsagawa ng Virtual Special Emergency Meeting ang DSWD FO NCR at mga LGUs patungkol sa pagpapatupad ng granular lockdown sa kanilang mga nasasakupang lugar noong Setyembre 17, 2021. Kasama sa mga napag-usapan ay ang mga pamamaraan kung paano mabilis na maipapamahagi ang mga Family Food Packs (FFPs) sa mga pamilyang apektado ng granular lockdown.

Napagkasunduan din sa nasabing pagpupulong na ang bawat LGU ay magpapasa ng request letter for augmentation assistance sa DSWD NCR. Nakapaloob sa request letter ang mga impormasyon tulad ng bilang ng mga barangay na naka-lockdown at bilang ng mga apektadong pamilya. Ang mga impormasyong ito ang magiging basehan ng pagbibigay ng suporta ng DSWD NCR.

Sa ngayon, ang Ahensya ay nakapamahagi na ng 1,000 kahon ng Family Food Packs sa mga lungsod ng Caloocan, Las Piñas, Parañaque, Pateros, Mandaluyong, Manila, Marikina, Taguig, at Valenzuela bilang pa-unang suporta. Ang ibang lungsod naman ay inaasahang makakapaghakot na ng FFPs ngayong linggo.

#DSWDMayMalasakit

Please share