Pinangunahan ng DSWD-NCR ang launching ng community store ng bagong na-organisang SLP Association sa Lungsod ng Las Piñas noong ika-15 ng Hulyo 2022.

Ang launching ay nilahokan nina DSWD-SLP Regional Program Coordinator, Ms. Esperanza A. Mangoba; DSWD-EPAHP Regional Program Coordinator, Mr. Alvin Y. Sevilla; National Housing Authority NCR South Center Regional Manager, Arch. Luis S. Bacamante; Las Piñas City CSWDO Officer-in-Charge, Ms. Lowefe T. Romulo at City Link representative mula sa 4Ps National Capital Region.

Bigasan at groceries, ito ang itinayong negosyo ng Samahang Pagkakaisa ng Brgy. Daniel Fajardo SLP Association at binubuo ng 30-miyembro na siya namang nakatanggap ng Seed Capital Fund na nagkakahalaga ng 450,000 mula sa DSWD-SLP.

Ang na-organisang Association ay pagsuporta sa Project on Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Resettlement Support [PERS]. Layunin nito na makatulong sa pagresolba ng problema sa kagutuman at kahirapan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga asosasyon na maaring maging supplier sa mga institutional feeding program ng mga katuwang na ahensya ng gobyerno katulad ng DepEd, DILG-BJMP, DA, DOH at maging ang DSWD Residential Care Facilities.

Ang DSWD-NCR ay sa kasalukuyan mayroong 14 na bagong na-organisang associations na kaugnay sa pilot implementation ng PERS. Inaasahang magbubukas ang ilan pang community stores sa Lungsod ng Mandaluyong, Caloocan, Malabon, Navotas, Manila at Taguig.

Maagap at Mapagkalingang Serbisyo!

#DSWDMayMalasakit
#SLPSibol

Please share