TINGNAN: Bilang bahagi nang isinagawang launching ng “4Ps Gulayan sa Pamayanan Project” noong December 14, 2021, aktibong nilahukan ng 38 na mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) National Capital Region ang Technical Orientation tungkol sa Urban Aquaponics nitong August 26, 2022 sa Gen. Gregorio del Pilar Elem. School, Lungsod ng Maynila.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Department of Agriculture- Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) na naglalayong turuan ang mga Program beneficiaries ng mga bagong kaalaman sa larangan ng pagtatanim na gay ana lamang ng Urban Aquaponics.
Ang Urban Aquaponics ay isang paraan ng pagpapalaki ng halaman sa tubig nang hindi na nangangailangan pa lupa, dahil ito ay sa pamamagitan ng tinatawag na “Aquaculture technology”. Isa sa mga ito ay ang paggamit ng teknolohiyang gumagamit sa init ng araw (Solar power) para mapagana ang isang solar-powered aquaponic system.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga kawani ng DA-BFAR na sina Imelda R. Calixto, Angelica Pila, at Rob Jimenez. Kasama rin sa aktibidad ang mga 4Ps NCR Community Organizers na sina Rancess Sta. Juana at Rowella Mae Pia. Katuwang din sa nasabing orientation sina Gen. Gregorio del Pilar Elem. School Principal Conchita P. Guiyab at Angelina Alvarida, at G. Ronwaldo Busa na mga kapuwa guro naman sa nasabing eskwelahan.
Samantala, ibinahagi naman ni Reica Dela Cruz, isa sa mga participants ang kanyang mga natutuhan sa nasabing aktibidad.
“Natutunan ko po kung paano iset-up ng aalagaang gulay at isda sa aquaponics. Kung paano ito linisin, magpakain ng isda, at kung paano itatanim ang halaman ng walang lupa o itanim ng may kasamang lupa. Ang maari ko pong irekomenda siguro ay magkaroon po ng actual o ituro kung paano pa naming mapapanatiling malinis ang aquaponics set-up at kung paano pa naming mapapaanatiling malusog ang mga gulay at isda sa set-up na ito.” – Kanyang pagbabahagi.
Dahil sa mga ganitong aktibidad, inaasahan ng Programa mas mapagiibayo pa ng mga benepisyaryo ang kanilang kaalaman at kakayahan upang makatulong sila hindi lamang sa kanilang sarili kundi pati narin sa kanilang mga pamilya at mga kapwa miyembro sa 4Ps.
Sama-sama tayo sa matatag at sa matagumpay na pamilyang Pilipino.