Muntinlupa City, Ika-7 ng Hulyo, 2023 | Nakilahok sa selebrasyon ng nutrition month ang Haven for Children na may temang “Healthy Diet Gawing Affordable For ALL”.
Sa pangunguna ng Dietary Service at Psychological Service ng Haven for Children, nakisaya sa nasabing selebrasyon ang 61 na kabataan kasama na ang 15 staff, kung saan rumampa sila suot ang makukulay na head dress na nagre-representa sa mga masusustansyang pagkain. Nagkaroon din ng tagisan ng kanilang obra maestra sa Poster Making Contest at sa pag-indak sa Zumba activity.
“Ang katawan natin ay may mga toxins na kailangang ilabas. Ang bihira o hindi pagkain ng junk foods o chichiria, ay isang paraan upang makaiwas sa mga toxins na ito. Lagi nating tatandaan ang kahalagahan ng pag-inom ng sapat na tubig, malusog na diet at pageehersisyo.”, ani ni G. Bryan Aliola, Social Welfare Officer II and OIC – Social Service.
Ayon kay Bb. Lilibeth Petrollado, Nutritionist Dietician I, dapat maging kaugalian ng bawat isa mula pagkabata ang tama at malusog na diet. “Sana hindi lang sa buwan na ito ang pagbibigay importansya natin sa diet kundi natin itong gawin sa araw-araw upang mapanatili ang ating malusog at malakas na pangangatawan at malayo sa iba’t ibang uri ng sakit.” – Bb. Petrollado.
Ang Haven for Children ay isa sa mga Residential Care Facility sa ilalim ng DSWD NCR na nangagalaga sa mga batang edad 7 hanggang 13 taong gulang, na nasa lansangan na may karanasan sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot tulad ng rugby at solvent. Ito ay matatagpuan sa 1771 Alabang-Zapote Road, Cupang, Muntinlupa City. Para sa iba pang impormasyon patungkol sa kanilang mga serbisyo at programa, maaaring tumawag sa numerong 8807-1591 at/o mag e-mail sa hfc.foncr@dswd.gov.ph ###
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#MayPusoAtRamdamAngSerbisyo