Archive | news

Shining Amidst Adversity


Maxine Makakua (rightmost), along with other regional winners of the Search for Pantawid Pamilya Exemplary Child 2018 during the conduct of Araw ng Kabataan

“Go placidly amid the noise and haste…”

These are not just the opening line of 1927 poem written by Max Ehrmann entitled “Desiderata”. For Maxine, the very words that continuously prompts our hero’s selfless acts of kindness towards other children.  It encourages her to academically perform and actively participate in different extracurricular activities. The phrase is her favorite from the poem that kindles our protagonist’s undying desire to give own family’s life a lot better. These qualities make our star one of the shiniest ones that ever radiated in the Pantawid Pamilya universe— one that tirelessly glitters and inspires other wanderers.

Being the second child in a family with three (3) children, Maxine, equally loves both her siblings and says that they make family struggles lighter. The eldest of them, Princess Macryl who is, like Maxine,is  from a Special Science Class at Araullo High School and  the youngest, Prince Marcky who excels and tops class shimmer in Makakua’s galaxy and together, the three (3) siblings make such perfect constellation that brightens the days of their parents despite poverty and hardship.

Maxine recalled how their life was changed by Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Mahirap po talaga kasi po hindi naming alam kung saan manggagaling ang panggastos sa araw-araw naming pamumuhay at hirap pagkasyahin ang kaunti lang po na mayroon kami. Pero po nang dumating po ang Programa, malaki po ang pinagbago hindi lamang dahil sa nabawasan ang mga problema at nadagdagan ang mga pantustos sa gastusin sa eskuwela kundi dahil nakatulong ito upang ma-refer at magkaroon ng pormal na pagsasanay si papa sa TESDA bilang electrician kaya talagang nagamit niya ito dahil nagbukas po ito ng pintuan at oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa,” she said. (It was difficult because we didn’t know where to get money to sustain our daily living and we also had hard time budgeting the small amount of money we had. But when the Program came, it has changed many things for it did not only lessen our problems and added budget for school expenses but also assisted my father to receive formal training as electrician at TESDA wherein the skills my father acquired were used which opened opportunity to work abroad.)

Our achiever, even during her elementary days at Apolinario Mabini Elementary School, had demonstrated her potential for greatness. Maxine bagged countless recognitions from storytelling, Balagtasan, Quiz Bee and Singing contests. Her winning streak was continued upon entering Junior High which brought more distinction from participating inDramatic Duologue Contest to Speech Choir Contest where the piece Desiderata really marked Maxine’s perspective in life.

Maxine’s parents limitlessly show support by being present in all the scholastic activities being participated by their child and by pushing Maxine to do desired things for, Merry Cel, Maxine’s mother, believes that nothing, not even poverty can stop Maxine max to reach dreams in life and that their social status can never hinder.

These are just only few things that made Maxine deserving for the title Pantawid Pamilya Exemplary Child 2018 1st Runner-up.

Now, our hero serves as a volunteer for Joy Kiddie Center, a children-focused non-government organization where Maxine tutors younger kids who enjoy listening to our champ’s applause-worthy playing of angklung, ukulele, chimes and other musical instruments. Maxine explained that service to youth, through blessing of strength and talent given by god, gives such fulfilment and happiness that no amount of money can pay. Maxine aspires to be a chef one for yet another selflessly innocent reason—to let others enjoy dishes Maxine prepared.

Truly one who sees a silver lining in every cloud not only is blessed but is also a blessing to others like Maxine, our star, who despite experiencing poverty, shines luminously with pride and selflessness.

Posted in newsComments (0)

Malasakit na May Puso

Ang pagmamalasakit ay isang katangian na ipinakikita at ipinararamdam ng isang indibidwal sa kanyang ginagawa sa para sa pamilya, kapatid, kaibigan, kapitbahay, at sa kapwa. Ito ay ipinapamalas ni Gng. Asuncion Militante, na mas kilala sa tawag na Ate Son, Ate Sonia o Abu o kung ano pa man ang ating itawag sa kanya o ibansag.

Sa dami man ng tawag sa kanya ay hindi maikakailang siya ay kilala dahil sa kanyang kasipagan sa kanyang trabaho. Siya ay kusang tumutulong sa kanyang mga City Link pagdating sa mga gawain katulad ng pag-uupdate  sa mga benepisyaryo tungkol sa mga aktibidades ng programa.

Maliban sa pagiging isang mabuting empleyado, siya rin ay isang  mapagmahal na asawa at maarugang ina sa  tatlong mababait at guwapong anak. Siya ay maituturing na isang Wonder Woman dahil sa kanyang pagiging maasikaso at mapagmahal sa anak. Hindi maitatago sa taong ito ang kanyang kasipagan pagdating sa kanyang trabaho.

Handa lagi si Ate Sonia na magbigay ng tulong sa lahat ng nangangailangan; maging ka trabaho man, kasama sa City Hall, benepisyaryo ng programa, o kahit sino man. Hindi siya namimili ng tutulungan at lagi siyang handang maglingkod kung kinakailangan.

Siya ay hindi nagpapabaya sa kanyang mga tungkulin. Kanyang sinisigurado na maayos niyang naipapasa ang impormasyon sa mga benepisyaryo. Siya rin ay nagkukusa na ipaalam sa mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ang impormasyon na kinakailangan nila upang mas mabilis nilang matanggap ang mga serbisyo mula sa Department of Social Welfare and Development.

Kanyang sinisigurado na totoo, sigurado, at kumpleto ang kanyang mga impormasyon ikinakalat upang hindi maabala ang mga miyembro. Nakikipag-ugnayan siya sa mga benepisyaryo upang maging mas madali silang makausap at mabigyan ng feedback. Naging malaking tulong ito sa mga City Link upang mas mapabilis ang pag resolba sa iba’t ibang kaso na nangangailangan ng tamang aksyon at rekomendasyon.

Sa simpleng gawain naipapamalas niya ang kanyang kasipagan sa mga gawain sa loob ng opisina.  Ang kanyang inisyatibo sa kanyang mga gawain ay nakakatulong sa kanyang mga kasamahang City Link. Ang kanyang paglilingkod ng kusa sa kanyang kapwa ay nagpapamalas ng kanyang pagmamalasakit sa serbisyo. Ito ang uri ng serbisyo na hindi humihingi ng kahit anumang kapalit ng lahat ng kanyang mga naitulong. Siya ay maituturing na isang huwarang empleyado dahil sa kanyang tapat at masigasig na panglilingkod sa bayan.

Posted in newsComments (0)

Pagbabago Tungo sa Kaunlaran

Si Ma. Christina Dela Cruz ay isang dating miyembro at Parent Leader ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program mula sa lungsod ng North Caloocan. Siya ay apat napu’t apat na taong gulang, kasal sa kanyang butihing asawa na si Ronquillo na apat napu’t limang taong gulang. Sila ay mayroon ng tatlong anak: si Ronna Mae, dalawampung taong gulang, at kasalukuyang nag-aaral ng Accounting Technology, si Raiza Mae, labindalawang taong gulang at nasa ikaanim na baiting,  at ang bunso na si Rikka Mae, sampung taong gulang at nasa ikalimang baitang ng elementarya.

Si Christina ay isang mabuting maybahay sa kanyang asawa at ina sa kanyang mga anak. Ang kanyang asawa ay nagtatrabaho bilang tricycle driver at kumikita ng hindi bababa sa dalawang daan kada araw. Ito ay kanilang pinagkakasya sa araw-araw na pang gastos, kasama na ang kanilang kanilang pangkain sa buong maghapon. Nagkakaroon rin ng pagkakataon na sila ay nangungutang para may ipambayad sa kanilang ilaw at tubig. Sa araw-araw ay iyon ang takbo ng kanilang pamumuhay. Laking pasasalamat lamang nila ay wala silang binabayarang upa ng bahay kaya malaking kabawasan rin iyon sa gastusin.

Noong taong 2009, nagkaroon ng pagpapatawag sa kanilang munisipyo para sa pakikipanayam at kung sakaling nakapasa ay saka na magkakaroon ng pagbibisita sa mga bahay para sa balidasyon. Sa taong 2012, lumabas ang listahan ng mga pangalan na makakabilang sa programa at nakalagay na rin ang mga kakailanganin na isumite na dokumento. Nagkaroon ng pagpupulong sa Laloma Covered Court, Brgy. 178, North Caloocan. Dito na rin bumuo ng grupo at pinili siya ng nakararami na maging parent leader. Sa nasabing taon ay siyang naging opisyal na miyembro ng programa.

Sa kanyang pagsisilbi bilang Parent Leader, nakaramdam siya ng takot sa kadahilanang wala siyang karanasan kung paano pamunuan ang isang grupo. Habang tumatagal ay nagagampanan niya ng maayos ang kanyang tungkulin. Napili rin siya bilang pangkalahatang Parent Leader ng kanyang City Link. Dahil dito ay mas lubos na nakilala siya hindi lamang ng kaniyang mga kapitbahay kundi halos buong barangay ng 178. Naiimbitahan na rin siya sa ibang pagpupulong at mga okasyon. Malaki ang naging pagbabago sa kanyang sarili at dahil iyon sa tulong ng karanasan bilang isang lider.

Taong 2015 nang napagpasyahan niyang sumubok na mag-submit ng resume sa Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan nang ito ay nangangailangan ng magiging empleyado bilang isang enumerator. Pagkatapos ng isang linggo ay nagkaroon ng magandang resulta ang kanyang pagpasa dahil sa iniskedyul siya para sa kanyang interview. Noong buwan ng Hunyo hanggang Agosto sa parehong taon  ay nagtatrabaho siya ayon sa nasabing posisyon ngunit hindi ito permanente (Job Order) at sa buwan ng Agosto ay natapos ang kanyang pagiging enumerator.

Sa buwan naman ng Setyembre hanggang Nobyembre ay natanggap naman siya bilang SWDI o empleyado na nakikipakikipag kamustahan sa mga miyembro na ng programa. Ang kanyang naging area ay sa District 5, Barangay Gulod, Quezon City. Kahit na umaabot lamang ng tatlong buwan ang kaniyang trabaho ay hindi pa rin siya tumitigil na maghanap pa ng bakanteng posisyon para makatulong sa gastusin sa bahay at pandagdag na panustos sa pag-aaral ng kaniyang mga anak.

Bago matapos ang buwan ng Nobyembre 2015 ay nag-apply siya para posisyon ng Social Welfare Assistant at sa buwan ng Pebrero sa taong 2016 ay inimbitahan siya para sa isang interview para sa nasabing posisyon. Sa buwan ng Hulyo ay nagkaroon ng magandang balita dahil sa nakatanggap siya ng mensahe na siyang sinasabi na tanggap na siya sa trabaho. Sa kanyang naging pakikipanayam ay ipinagbigay alam agad sa kanya na kung sakali mang matanggap siya sa trabaho ay kinakailangan niyang umalis sa program bilang benepisyaryo. Walang siyang naging agam-agam tungkol sa kanyang desisyon at noong buwan ng Setyembre ay nagpasa na siya ng pinirmahan na waive form at ibinigay na rin niya ang cash card sa kanyang City Link.

Sa kasalukuyan, siya ay nagtatrabaho bilang Social Welfare Assistant ng District 3, Quezon City. Hindi siya nahirapan na magtrabaho sa nasabing posisyon  dahil sa pagiging miyembro noon ay alam na niya halos ang mga dapat gawin. Naging pagsubok lamang talaga sa kanya ang paggamit ng computer sa tuwing gagawa ng mga reports. Mayroong mga tumulong sa kanya na kapwa niya empleyado na walang sawang nagbibigay ng oras para siya ay gabayan at turuan sa paggamit nito.

Malaki ang kanyang pasasalamat sa programa dahil sa nagkaroon ng malaking pagbabago ang kanilang buhay at pati na rin sa kanyang sarili. Sa tulong ng programa ay nagpatuloy sa pag-aaral ang kanyang mga anak at bilang isang ina ay laging hiling sa kanyang mga anak na makatapos ng pag-aaral dahil ito lamang ang yaman na maipapamana niya sa kanila.

Posted in newsComments (0)

Kulay ng Buhay


Si Bb. Cesarilyn Neones bilang isang Chid Welfare Assistant

Tuwing kinakaharap ang mga problema, madalas nating naiisip na ang mundo ay walang kulay; ito ay masalimuot at walang awa. Iniisip natin na ang hirap na ating dinaranas ay isang parusa na hindi natin maaaring takasan.

Ngunit para kina Cesarilyn L. Neones, apatnapu’t tatlong taong gulang at kanyang asawa na si Bernardo Neones, apatnapu’t dalawang taong gulang, ang kulay ng ating mga buhay batay sa kung paano ang ating pananaw at kung paano natin kakayanin ang iba’t ibang hamon ng buhay.

Hindi madali ang buhay ng mag-asawa kasama ang kanilang limang anak bago sila napabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Bago mapabilang sa programa, ang tangi lamang nilang pinagkikitaan ay ang maliit na sahod ng kanyang  asawa na pinagkakasya nila sa pang araw-araw. Ngunit, kahit gaano pa man ang kanyang pilit na pagkasyahin ito ay patong patong parin ang knailang utang, kaya’t madalas ang sahod ng kanyang asawa ay naipapambayad lamang sa utang. Tunay nga na hindi naging madali para sa pamilyang Neones ang kanilang buhay ngunit ang akala niyang wala ng pag-asang estado sa buhay ay ngayoy magkakaroon ng mas marami pang kulay.

Sa isang sulok ng kanilang maliit na tahanan siya ay na-interview ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development at napabilang sa pangatlong batch ng programa.

Nang siya ay naging parte na ng programa ay binabudget niya ng maayos ang mga cash grants na nakukuha niya. Dahil sa kanyang pagiging masinop sa pera, dahan-dahan syang nakaipon at ginamit nya itong pampuhunan ng maliit na tindahan at nakapag pundar sya ng tatlong piso net sa tulong na din ng kanyang pamilya. Ang bawat tubo ng kanyang tindahan ay ginagamit niya na pang baon sa kanyang mga anak sa pang araw-araw. Bilang isang mapagmahal at maarugang ina, lagi niyang sinisiguro na may baon at pagkain ang kanyang mga anak bago ito umalis. Sa kanyang pagiging maingat sa pera ay nakapag pundar din sila ng kanilang sariling bahay. Ngayon, hindi na sila umuupa ng bahay at mas malaki na ang kanilang espasyo.

Isa pa sa pinagpapasalamat ni Cesarilyn sa programa ay ang ppagkalinang ng talento ng kanyang anak sa pag drawing. Sabi pa niya, “Kung hindi dahil sa mga grants na natatangggap pko, hindi malilinang ang talent ng anak ko sa pag-drawing”.  Naging masipag at malikhain naman ang kanyang anak sa pag ensayo at ngayon ay pinagmamalaki ni Gng. Cesarilyn ang mga gawa ng kanyang anak.

Nakapagtapos si Gng. Cesarilyn ng Bachelor of Elementary Education, kung kaya’t ginamit niya ito upang makapag-apply ng trabaho. Mas swerteng nakapasok siya sa DSWD at nagsimula sya bilang enumerator ng NHTSU sa loob ng isang taon. Pagkatapos noon ay nag apply siya sa programa sa kagustuhan na ring makapag bahagi ng kanyang oras at kaalaman sa mga kasapi ng programa. Sa ngayon, siya ay isang Child Welfare Assistant. Ayon sakanya, gusto niyang maibalik ng lahat ng natulong sa kanya ng programa, kung kaya’t maayos niyang ginagampanan ang kanyang mga tungkulin at responsibilidad dito.

Ngayon, ang kanyang limang anak ay malalayo na ang narating dahil sa programa. Si Cristobal (19 taong gulang) ay magtatapos sa ICCT ng kursong programing. Ang kanyang pangalawang anak na si Bart (18 taong gulang) ay magtatapos na rin ng K12 ngayong taon at nakapag enroll nang kursong Criminology. Ang kanyng pangatlong anak na si Bernard, 16 taong gulang  ay graduating din ng 4th year. Ang sumunod na si Carl, 13 taong gulang ay  1st year high school habang si Melody na 10 taong gulang ay Grade IV. Patuloy niyang sinusubaybayan ang pag-aaral ng kanyang mga anak at ibigay ang pangangailangan ng mga ito sa abot ng kanyang makakaya. Nagpapasalamat naman siy sa Diyos at nabiyayaan siya ng mga anak na masisipag, matiisin at hindi rin natitinag sa mga hamon ng buhay.


Siya rin ang Award bilang “Best Child Welfare Assistant 2018”.

Marami pang mga pangarap na gustong matupad sa buhay si Cesarilyn at isa sa mga ito ay ang makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak at makapag simula ng negosyo ulit. Naniniwala sya na sa patuloy na pagsisikap, pagtatiyaga, at pananampalataya sa Dios ang kanyang magiging sandata para maisakatuparan pa ang kangyan mga pangarap sa buhay.

Ang kanyang tanging mensahe sa mga iba pang benepisyaryo ay ang isipin ng maayos ang bawat sentimo na gagastusin dahil ito ay tulong ng gobyerno. Dagdag pa niya ay dapat maging layunin ng bawat benepisyaryo na  umunland ang kanilang mga buhay.

Puno ng  pasasalamat si Cesarilyn sa patuloy na pagtulong ng programa sa mga tao at ngayon siya ay nakaka-ambag na rin dito. Hangad din niya na mapalawig  at marami pang matulungan ang programa. Sabi pa niya, “Ang Pantawid Pamilya Pilipino Program ang isa sa mga unang hakbang upang makatawid sa kahirapan”.

Posted in newsComments (0)

DSWD-NCR Conducts Cultural Sensitivity and Planning Workshop for IP Sector

In order to recognize the importance of Indigenous Peoples’  (IP) participation and contribution in the implementation of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program in the region, the Department of Social Welfare and Development National Capital Region (DSWD NCR) conducted the IP/Cultural Sensitivity Assessment and Planning Workshop on November 12-13, 2018 at Icon Hotel Timog, Quezon City.

Pantawid Pamilya Parent Leaders, youth, and members with IP affiliation from several Local Government Units (LGU) in NCR participated in the activity which aimed to identify the pressing issues and concerns faced by the sector.

In his opening remarks, Pantawid Pamilya Regional Program Coordinator Joel D. Cam said that there are 762 active Indigenous People in the program in NCR. He also underlined that part of the policy and the mandate of the program is to conduct activities designed for the IP Sector.

One of the highlights of the activity was the sharing of stories/experiences of IP participants. Majority of the participants shared why they relocated to the urban area. They also discussed their economic, political, and social experiences while living in NCR and as members of Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

A discussion on cultural sensitivity and other topics concerning IPs including the IPRA law was presented by the Regional Indigeneous People Officer, King Reynan Heres and Mr. Cam.

The Pantawid Pamilya 2019 Indigenous People’s Plan, presented by Mr. Cam, included the proposed activities that were focused on the IP members who were part of the program.

Representatives from partner National Government Agencies (NGAs), including the Presidential Commission on Urban Poor (PCUP), the National Commission on Indigenous People (NCIP) and the Department of Education (DepEd), along with the Pantawid Pamilya Regional Program Management Office (RPMO) were present during the event to formalize their commitment towards IP sensitive delivery of service. 

Comments and recommendations were provided by the IP members, representatives from NGAs and the Pantawid Pamilya RPMO staff  to enhance the 2019 Indigenous People’s Plan, ensuring that the social interventions provided by the Department will be culturally and ethnically appropriate. ###

Posted in newsComments (0)

Pagparaya Para sa Kapakanan ng Iba


Si Ginang Roma kasama ang mga City Link-Community Organizers

“Nagkusa akong umalis dahil narararamdam ko na ang ginhawang aking inaasam at alam ko sa sarili kong mayroong mas karapat-dapat na maging benepisyaryo ng programa kaysa sa akin.”

Ito ang mga katagang binitawan ni Roma Mirandilla, ang apatnapu’t walong taong gulang na maybahay ni Alberto Mauricio. Sila ay mayroon ng anim (6) na anak at kasalukuyag naninirahan sa People’s Village, Barangay Dampalit, Malabon City.

Buhay Bago ang Pantawid Pamilya

 “Swerte na kung makakain ng tatlong beses sa isang araw,” ganito inilarawan ni Roma ang kanilang pamumuhay bago napabilang ang kanilang pamilya sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Ayon sa kanya, sobrang salat sila sa yaman bago naging miyembro ng programa. Dahil sa kanilang kahirapan ang  ilan sa kanyang anak ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

Isa pang dagok sa kanila ay iniinda ni Roma na sakit na Scoliosis. Ito ay isang medikal na kondisyon kung saan ang buto sa likod ng tao ay nagkakaroon ng kurba. Walang nagawa si Roma kundi tiisin na lamang ang sakit at kirot na nararamdaman sa kanyang likuran dahil wala silang perang pangpa-ospital. Kulang na kulang din ang kinikita ng kanyang asawa sa pangingisda kung kaya’t hindi niya magawang ipagamot ang kanyang misis.

Taong 2011 nang nasama sila sa listahan ng mga posibleng maging miyebro ng programa si Roma, ngunit sa kasamang palad ay ilang beses silang hindi napabilang dito. Kung kaya’y binanggit na lamang niya sa kanyang City Link na hindi ito para sa kanya. Lumipas ang ilang buwan na pagsubaybay sa kanya ay sa wakas, naging miyembro din sila ng programa. Taong 2014 ng ganap na siyang naging miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Buhay bilang isang miyembro

Malaki ang naitulong ng programa sa akin,” buong pagmamalaking inilarawan ni Roma  ang kanyang pamumuhay nang siya ay ganap ng miyembro ng programa. Nakaramdam sila ng kaginhawaan habang siya ay miyembro, dahil bukod sa ibinibigay ng kanyang mga anak mula sa kinikita nito ay nakakatulong din ang cash grants na ibinibigay ng programa sa kanyang apo.

 Nagawa niya na ring kumonsulta sa doctor para sa kanyang scoliosis. Nagkaroon din sila ng pera na ipanghuhulog sa PhilHealth para sa kanyang mga anak. Ayon kay Roma, bukod sa grants na nakukuha ay sobra-sobrang kaalaman din ang kanyang natutunan, salamat sa  Family Development Session kung saan siya nagkaroon ng ideya upang magtayo ng maliit na tindahan. Tumagal ng tatlong taon ang pagiging miyembro ni Roma.

 Hanggang sa dumating na sa punto na nararamdaman na ni Roma ang kaluwagan sa kanilang pamumuhay. Tinabi niya ang ilang porsyento ng tulong pinansyal na natatanggap sa gobyerno at ginamit itong puhunan upang magtayo ng negosyo.

Bukod sa tindahan ay naging negosyo niya rin ang pagpapautang. Dahil sa natatamasa na kaginhawaan ni Roma ay naisipan niyang kausapin ang kanyang City Link upang ipagbigay alam ang plano niyang boluntaryong pag-alis sa programa. Agad naman itong pinayagan ng City Link dahil naramdaman nito at nakita nitong nakakaramdam na ng ginhawa ang pamilya ni Roma.

Tirahan at tindahan ni Roma Mirandilla

Buhay Matapos ang Pantawid Pamilya

 “Ayoko maging sakim, kuntento na ako sa nararanasan kong kaginhawaan sa ngayon. May iba pang mas nangangailangan kaysa sa akin,” ito ang sabi ni Roma nang tanungin kung bakit siya nagkusang umalis sa programa.

Ayon sa kanya ay walang pagsisisi sa kanyang parte nang siya ay umalis na sa programa. Para kay Roma ay sapat na ang naging tulong na ibinigay ng gobyerno sa kanya at nagamit niya naman ito sa magandang gawain. Ang mensahe na lamang niya sa ibang miyembro ay nawa’y patuloy na gamitin sa tama at maayos na paraan ang mga nakukuha nilang tulong pinansyal galing sa gobyerno at hindi gugulin sa bisyo.

 Para kay Roma ay marapat lamang na imonitor ng maayos ang ibang miyembro na hindi ginagamit ng maayos ang mga nakukuhang tulong pinansyal upang mas mabigyang prayoridad ang mga taong mas karapat dapat na mapabilang sa programa. Hiling din nya na hindi magsawang tumulong ang programa at ang gobyerno sa mga mamamayang nangangailangan.

Posted in newsComments (0)

SLP Participants attend Seminar on Business Opportunities

The SLP participants proudly hold up their certificate while taking a photo with the representatives from the DTI-NCRO, the Negosyo Center and the Local Government of Mandaluyong City.

Participants from the Sustainable Livelihood Program (SLP) attended a seminar on Business Opportunities on November 7, 2018 at the Negosyo Center, Mandaluyong City.

The seminar consisted of a series of talks on various topics related to starting and managing micro-enterprises such as recoggnizing opportunities for businesses, financial wellness and retail selling. The talks were given by invited resource speakers from the Department of Trade and Industry – National Capital Regional Office, the Bank of Makati and Mhyles Corporation.

The seminar served as a venue for participants to gain new insights and knowledge on starting and managing business from industry professionals as they await the awarding of their seed capital funds from the Micro-enterprise Development track of SLP. The seminar was conducted through the coordination of the Local Government of Mandaluyong City and the Sustainable Livelihood Program.

The Sustainable Livelihood Program is a capability-building program that provides access to opportunities that increase the productivity of the livelihood assets of poor, vulnerable, and marginalized communities, in order to improve their socio-economic well-being. ###

Posted in newsComments (0)

Sibol Negosyo: Rabino Shoe-making Enterprise

Ms. Adelaida Rabino of Barangay Tañong, Marikina City was able to reestablish her shoe-making business through the Sustainable Livelihood Program’s Seed Capital Fund (SCF) modality.

#SLPSibol #SibolNegosyo

Posted in newsComments (0)

NOTICE TO PUBLIC

Tweets from @dswdNCR

Donate Online

Archives

PHVsPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cHM6Ly9uY3IuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC91cGxvYWRzLzIwMTgvMDcvZHN3ZEA2Ny5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8yPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yi5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yy5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1ZC5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9tcHVfYWRzZW5zZTwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9kaXNhYmxlPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbS9hZHMvMzAweDI1MGEuanBnPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfbXB1X3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9hZHNlbnNlPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX2Rpc2FibGU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtICBodHRwczovL25jci5kc3dkLmdvdi5waC93cC1jb250ZW50L3VwbG9hZHMvMjAxOC8wNy9OQ1Itd2ViLWJhbm5lci0xLnBuZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF91cmw8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwczovL25jci5kc3dkLmdvdi5waDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cHM6Ly9uY3IuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC91cGxvYWRzLzIwMTgvMDcvZHN3ZEA2Ny5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF91cmxfMjwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzQ8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZHNfcm90YXRlPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hbHRfc3R5bGVzaGVldDwvc3Ryb25nPiAtIGdyZWVuLmNzczwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2F1dGhvcjwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYXV0b19pbWc8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2N1c3RvbV9jc3M8L3N0cm9uZz4gLSA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19jdXN0b21fZmF2aWNvbjwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHBzOi8vbmNyLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvNC1mYXZpY29uLnBuZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlYXRfZW50cmllczwvc3Ryb25nPiAtIDY8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19mZWF0dXJlZF9jYXRlZ29yeTwvc3Ryb25nPiAtIGZlYXR1cmVkPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVlZGJ1cm5lcl9pZDwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlZWRidXJuZXJfdXJsPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZ29vZ2xlX2FuYWx5dGljczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWVfdGh1bWJfaGVpZ2h0PC9zdHJvbmc+IC0gNTc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19ob21lX3RodW1iX3dpZHRoPC9zdHJvbmc+IC0gMTAwPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29faW1hZ2Vfc2luZ2xlPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19sb2dvPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cHM6Ly9uY3IuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC93b29fdXBsb2Fkcy84LWRzd2RuZXdsb2dvMS5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19tYW51YWw8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vc3VwcG9ydC90aGVtZS1kb2N1bWVudGF0aW9uL2dhemV0dGUtZWRpdGlvbi88L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19yZXNpemU8L3N0cm9uZz4gLSB0cnVlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvcnRuYW1lPC9zdHJvbmc+IC0gd29vPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd19jYXJvdXNlbDwvc3Ryb25nPiAtIHRydWU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19zaG93X3ZpZGVvPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3NpbmdsZV9oZWlnaHQ8L3N0cm9uZz4gLSAxODA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19zaW5nbGVfd2lkdGg8L3N0cm9uZz4gLSAyNTA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb190YWJzPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb190aGVtZW5hbWU8L3N0cm9uZz4gLSBHYXpldHRlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fdXBsb2Fkczwvc3Ryb25nPiAtIGE6Njp7aTowO3M6NjU6Imh0dHBzOi8vbmNyLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvOC1kc3dkbmV3bG9nbzEucG5nIjtpOjE7czo2NDoiaHR0cHM6Ly9uY3IuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC93b29fdXBsb2Fkcy83LWRzd2RuZXdsb2dvLnBuZyI7aToyO3M6NjU6Imh0dHBzOi8vbmNyLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvNi1kc3dkbmV3bG9nbzEucG5nIjtpOjM7czo2NDoiaHR0cHM6Ly9uY3IuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC93b29fdXBsb2Fkcy81LWRzd2RuZXdsb2dvLnBuZyI7aTo0O3M6NjA6Imh0dHBzOi8vbmNyLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvNC1mYXZpY29uLnBuZyI7aTo1O3M6NjQ6Imh0dHBzOi8vbmNyLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvMy1kc3dkbG9nb193cC5wbmciO308L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb192aWRlb19jYXRlZ29yeTwvc3Ryb25nPiAtIHZpZGVvPC9saT48L3VsPg==