BUNGA NG MAYBUNGA

Ang Samahang Pantawid Pamilya Mushroom ng Maybunga o SPPMM ay isang samahan na binubuo ng dalawampu’t pitong (27) miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program na naninirahan sa Barangay Maybunga, Pasig City. Ang Samahan ay nabuo bunga ng sama-samang pagkilos ng may malasakit at pagtutulungan ng mga sumusunod na institusyon: DSWD Pantawid Pamilya NCR; Live for continue reading : BUNGA NG MAYBUNGA

Kwentong Malasakit: Pasasalamat ni Nanay Thelma

Mahigit dalawampung taon nang mag-isang tinataguyod ni Thelma Fernandez, 51 taong gulang, ang kanyang pamilya. Tulad ng karamihan, hirap ang mga kagaya ni Nanay Thelma ngayong panahon ng krisis pangkalusugan kung kailan halos lahat ng mamamayan sa buong mundo ay apektado. Tatlong apo at isang anak na babae na katulad rin niyang solo parent ang continue reading : Kwentong Malasakit: Pasasalamat ni Nanay Thelma

Bayanihan sa Gitna ng Pandemyang Pangkalusugang Krisis

Lingid sa kaalaman ng nakakarami, may mga naitatagong kuwento ang 4Ps na tiyak ay aantig at magpapamangha sa inyo. Isa na rito ang bayanihang ipinamalas ng mga Parent Leaders at kasapi ng 4Ps sa Barangay Arkong Bato ng Valenzuela City. Noong nakaraang Marso 25, 2020 naipamahagi na sa mga miyembro ng Pantawid Pamilya ang kanilang continue reading : Bayanihan sa Gitna ng Pandemyang Pangkalusugang Krisis

“Kwentong Listahanan ni Corymar De Jose”

Taong 2009 nang magsimula ang National Household Targeting System for Poverty Reduction or NHTS-PR sa pangunguna ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Lipunan sa Kalakhang Maynila (DSWD-NCR). Ang NHTS-PR, o mas kilala bilang “Listahanan”, ay isang information management system na tumutukoy sa kung sino at saan matatagpuan ang mga mahihirap na pamilya sa bansa. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng household assessment kada apat (4) na taon. Isa si continue reading : “Kwentong Listahanan ni Corymar De Jose”

BUNGA NG SAMA-SAMANG PAGPUPUNYAGI: KUWENTONG ISKOLAR NA SI RAYMOND BARRENO

Si Raymond Barreno ay panganay sa pitong (7) anak nina Ramoncito at Eunice Barreno. Malaking hamon sa pamilya ni Raymond ang mapag-aral siya ng kaniyang mga magulang dahil sa kakulangang pinansyal. Ngunit pursigido ang kaniyang mga magulang na mapagtapos siya ng pag-aaral dahil naniniwala ang mga ito na tanging edukasyon lamang ang mapapamana nila sa continue reading : BUNGA NG SAMA-SAMANG PAGPUPUNYAGI: KUWENTONG ISKOLAR NA SI RAYMOND BARRENO

MAAGAP AT MAPAGKALINGANG SERBISYO NI NANAY QUENNIE

Isa sa mga katangi-tanging benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program mula sa Caloocan City si Nanay Quennie Gallo dahil sa kaniyang dedikasyon sa pagsasabuhay ng maagap at mapagkalingang serbisyo ng Kagawaran. Si Nanay Quennie kasama ang kanyang asawa na si Christopher at ang apat (4) nilang anak ay kasalukuyang naninirahan sa Barangay 158, Caloocan City. continue reading : MAAGAP AT MAPAGKALINGANG SERBISYO NI NANAY QUENNIE