Kasalukuyang isinasagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-rerehistro ng mga pamilyang natukoy na mahirap ng ‘Listahanan’ at may mga batang edad 0-18 o buntis na ina, upang mapasama sa mga benepisyaryo ng Set 7, Batch 3 ng Pantawid Pamilya Program.
Base sa tala ng ‘Listahanan,’ ang Metro Manila ay mayroong 28,872 na pamilyang potensyal na mai-rerehistro sa batch na ito na nagtataglay ng mga nasabing kwalipikasyon.
Kaugnay ng rehistrasyong ito, naglabas ng listahan ang DSWD na nagtataglay ng pangalan ng mga kwalipikadong pamilyang maaaring maging benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Program na dumaan sa Eligibility Check Routine (ECR).
Ang mga listahang ito ay kasalukuyang nakapaskil sa barangay halls sa pakikipag-ugnayan ng ahensiya sa mga lokal na pamahalaan.
Sa kasalukuyan, mayroon nang kabuuang bilang na 219, 952 pamilya ang benepisyaryo ng Pantawid Pamilya sa Metro Manila mula Set 1 hanggang Set 7 Batch 2.
Para sa iba pang katanungan tungkol sa rehistrasyong ito, maaaring makipag-ugnayan sa mga City Link na may opisina sa pinakamalapit na Local Social Welfare Office. Maaari rin magtext sa Pantawid Pamilya text hotline 0918-9122813 o tumawag sa 310-14-32.### (DSWD FO-NCR, Social Marketing Office May 13, 2014)