Binigyan ng pagkilala ng Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD-NCR) ang mga kawaning nagpamalas ng husay sa pagganap na kani-kanilang tungkulin at responsibilidad, kasabay ng pagdiriwang ng ika-37 taong anibersaryo ng Field Office na may temang “Tuloy sa Pagbangon at Pag-unlad” noong Oktubre 23, 2015.
Sa pamamagitan ng Program on Awards and Incentive for Service Excellence (PRAISE), nakatanggap ng pagkilala ang mga sumusunod na kawani:
- Best Center Head – Ms. Teresita L. Valentino
- Best Supervisor – Ms. Flor Cecile G. Calabazaron
- Best Technical Staff (Professional) – Ms. Rose Sharon G. Alcantara
- Best Technical Staff (Sub-Professional) – Ms. Emelinda O. Badong
- Best Homelife Staff – Ms. Leonila B. Angel
- Best Allied/Medical Staff – Ms. Jasmin B. Flores
- Best MOA Worker – Mr. Al Victor L. Talahuron
- Pusong Magiting Award – Mr. Julmar C. Cabero
“Binabati ko kayong lahat at nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa bawat isa. Ipagpatuloy natin ang matapat, mahusay, magiliw at mabilis na paglilingkod,” sambit ni Regional Director Ma. Alicia S. Bonoan.###