Ang Ahensya ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad ay patuloy na nagsasagawa ng mga matatagumpay na mga kwento na patuloy na ibinabahagi ng mga nagging benepisyaryo sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Kami ay nalulugod na ibahagi sainyo ang ilan sa mga nagging suliranin at tagumpay ng isang pamilya, kung paanosiyanakaahon at nakaalpassapagkakatanikala ng kahirapansapamamagitan ng kanilangpagtitiyaga at tulongna ibinahagi ng Ahensya. Ang maiksing kwentong ito ay mula sa isang naging benepisyaryo na si Elizabeth Briones. Isa siya sa mga aktibong sumusuporta sa bawat gawain at proyekto ng Pantawid Pamilya.

Si Elizabeth ay isang butihing may-bahay ni Diosdado Briones na namamahala sa kanilang tahanan at may mga masunuring mga anak. Sila ay may apat (4) na mga supling na kanilang pinagtutulungang mairaos sa araw-araw upang matulungang matupad ang mga pangarap sa pamamagitan ng pagsuporta sa pag-aaral ng mga ito. Hindi naging madali ang kanilang pamumuhay. Ang kanilang tinitirhan ay kanilang inuupahan lamang at nagtitiis na magsama-sama sa maliit na espasyo.

Si “Liza” ay nangarap at patuloy pang nag susumikap na makaahon sakanilang pinagdadaanang suliranin sa kanilang buhay. Ginamit ni “Liza” ang kanyang kakayanan at natutunan sa pananahi. Ayon sakanya noong siya ay nagsisimula pa lamang sa pananahi, siya ay namimili ng tela sa divisoria at siya ay nakakagawa ng iilang piraso ng punda para sa mga unan. Kapag may nakabuo nang mga punda ito ay ibinebenta sakanilang mga kakilala at sa kapitbahay na siya nagiging paraan nila upang pagkakitaan. Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nagkaroon ng karamdaman ang kanyang asawa at hindi nagging madali ito sa kadahilanang mag isa niyang itinataguyod ang kanilang pamilya. Ang pagsubok na ito ay hindi nagging dahilan para tumigil ang butihing ina sa paghahanapbuhay para sakanyang pamilya.

Hanggang dumating ang araw na nagkaroon ng sariling makinasi Liza. Dito sila kumukuha ng kanilang pang araw-araw na pangangailangan at ito rin ay nagsisilbi niyang libangan at pinagtutuunan ng kaniyang oras at kung minsan ay nagiging katuwang niya ang kanyang asawa. Dahil sakanyang kakayahan ay kahit ang kanyang mga anak ay naturuan niyang manahi. May mga pagkakataon na mayroong paligsahan ang kanyang mga anak at sila mismo ang gumagawa o bumubuo ng kanilang isusuot sa programa.

Sila ngayon ay mayroon ng sariling patahian na hindi lamang nagagamit para sa pangangailangan ng kanilang pamilya bagkus ay nakatutulong rin sa iba pang mamamayan na malapit sakanila na dumaranas ng kahirapan upang magkaroon din kahit papaano ng pagkakakitaan at magkaroon din ng sariling hanap-buhay.

May mga panahon na ibinahagi ni Liza kung papaano nila dinanas na kapusin at kulangin sa pera. Nailarawan rin niya na nawalan sila ng kuryente at sa nagkataon rin naman na mayroong umikot sa kanilang lugar nakawani ng ahensya (DSWD) at sapag-aakala na simpleng pagkuha lamang ng detalye o census ang kanilang layunin na ngunit hindi niya alam na ditto magsisimula ang kanyang pag-ahon sa buhay.

Sapag-ikot ng kawani ng ahensya ay nagingdahilan kung bakit siya pinatawag sa barangay para maipagbigay alam na may makukuha siyang tulong pinansyal nagaling sa programa at pinapupunta na siya sa may Commonwealth para pumila na ng maibigay ito. Nagingisang himala ito dahil sa pagkakataon na iyon ay na momoblema at kinakailangan niya ng pera upang may maipambayad sa matrikula ng kanyang anak napanganay.

Sa pagiging miyembro ay may mga dapat silang sundin at isa narito ang pagdalosa FDS naginaganap ng isang beses sa isang buwan. Dahil sa mayroon na siyang pinapasukang trabaho, kung minsan ay hindi siya nakakadalosa FDS sakadahilan ang bawal lumiban sakany ang pinapasukang pabrika. Kung hindi man siya ang makadalo ay nagsusumikap at sinisigurado niya ang kanyang asawa o isa sa mga anak niya ang pupunta para may maging representante sakanilang pamilya.

Malaki ang na itutulong ng pagiging miyembro sa programa dahil sa naibibigay naimpormasyon at mga aral nagaling sa dinadaluhan na FDS (Family Development Session)at ang tulong pinansyal. Ngunit hindi pa rin tumigil si Elizabeth na humanap ng pagkakakitaan. Sa pagkakaroon ng karunungan nagumamit ng makina at kaalaman sa pananahi ay naghanap siya ng trabaho na magagamit niya ang kaniyang talento. Nagkaroon siya ng pagkakataon na makapagtrabaho sa isang pabrika at naging isang malaking kalamangan dahil sakaniya ng kasanayan sa pananahi. Kaya hindi lamang sila nakadepende sa tulong pinansyal nanatatanggap bagkus gumagawa pa rin ng paraan para may pagkakitaan at may maipandagdagsa pang-araw-araw nagastusin.

Maganda ang naging epekto ng programa sa kaniyang pamilya dahil ayon sakanya ay para rin silang nag-aaral. Bawat buwan ay may iba’tibang tinatalakay halimbawa na lamang patungkol sa kalamidad, pagdidisiplina sa mga anak, tinuruan kung paano ang tamangpaghawak o paggastos sa pera at sakanilang relasyon bilang mag-asawa. Sa mga itinuro sakanila ay ito ay kaniyang isinasabuhay lalo napagdating sakanilang mag-asawa. Kung may nagiging problema o hindi pagkakaintindihan ay kailanganpag-usapan, huwag na matutulog ng may samaan ng loob at huwag maglihim sa isa’tisa.

Sa tuwing may darating natulong pinansyal, iyon ang pansamantalang ipinambibili muna niya ng mga tela nagagamitin sa kaniyang pananahi. Kapag nakabenta nasiya ay ang pinagbentahan na may kasamang tubo ay ipambibiliniya ng pagkain nila ng pamilya, ipinambabayad sa kuryente at tubig, binabayaran sa eskuwelahan at ang mga kinakailangan ng mga bata mapatungkol man sa personal o sa eskuwelahan.

Ang kaniyang pangarap na gusto niyang matupad ay makatapos lahat ng kanyang mga anak at magkaroon ng sariling bahay sa probinsya. Sang ayon ay nakatapos na ang kanyang panganay na anak, nakakapag simula na sa trabaho at nakakatulong nasa knilang pamilya. At dahil sa pagsusumikap at pagtitiyaga ay nakabilinasiya ng lupa ng probinsyasa Bicol at sinisimulan na angpagpapatayo ng kanilang bahay.

Sa ngayon ay may sarili na silang pangkabuhayan, sarili niyang patahian, mayroon na siyang mga trabahador habang tumatagal ang oras at panahon na sila ay patuloy sa pagsusumikap ay nagkaroon na rin sila ng mga tapat na kaagapay at naglilingkod. Ang kanilang mganagagawang product galing sa kanilang pananahi ay kanilang dinadala at ibinebenta sa isa sa malaking bagsakan ng produkto sa maynila.

Ayon kay Ginang Elizabeth ang maipapayo naman sa kapwa benepisyaryo o naging benepisyaryo ay gastusin ng tama ang ibinibigay natulong ng programa. Huwag gumastos ng sobra at huwag gamitin para sa walang katuturan na bagay. Hangga’t kayang mag trabaho ay magsumikap dahil sa hindi lang ang programa ang tutulong sakanila, kundi pati ang sarili nila na siyang naging susi para marating nila ang kanilang pangarap para sa kanilang pamilya.

 

 

Please share