joy qc 2“Nais naming linawin na hindi garantiyang mapapasama agad sa mga programang panlipunan ang mga pamilyang nasa inisyal na listahanan ng mga mahihirap. Ang mga listahan ay resulta ng isinagawang assessment ng ahensya noong Mayo hanggang Septyembre 2015 at ngayon ay nakapaskil sa mga barangay halls para masuri ng publiko” paglilinaw ni DSWD-NCR Regional Director Ma. Alicia S. Bonoan.

Sa isinagawang assessment ng DSWD sa Metro Manila, 123,270 pamilya ang natukoy na mahihirap mula sa 1,190,755 na nainterbyu. Ang mga pamilya at komunidad ay maaaring maghain ng reklamo ukol sa naging resulta ng assessment at ang lahat ng mga hindi pa naiinterbyu ay maaari ring umapela.

Hinihikayat ng DSWD-NCR ang lahat na makiisa sa isinasagawang validation para masiguro na ang talaan ng mga pamilyang mahihirap ay maging “Sigurado, Kumpleto at Totoo.”

“Layunin ng ating proyektong Listahanan na matukoy kung sino at nasaan ang mga pamilyang mahihirap. Ito ay ginagamit na basehan ng pamahalaan upang makakuha ng potensyal na benepisyaryo ng programang panlipunan ayon sa mga itinakdang pamantayan,” sabi ni Bonoan. ###

Please share