Ang pagtulong sa kapwa higit lalo sa mga nangangailangan ay isa lamang sa mga sinumpaang tungkulin ng ating mga frontliners, na sa kasalukuyang panahon ay kanilang pinaninindigan at isinasagawa, hindi lamang dahil sa ito ay dapat, kundi dahil na rin sa kanilang matinding pagnanais na makatulong at maglingkod sa kapwa. Ilan lamang sina G. Domingo Ocbina, Bb. Llyn Organo, at continue reading : Alay Serbisyo laban sa COVID-19
BUNGA NG MAYBUNGA
Ang Samahang Pantawid Pamilya Mushroom ng Maybunga o SPPMM ay isang samahan na binubuo ng dalawampu’t pitong (27) miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program na naninirahan sa Barangay Maybunga, Pasig City. Ang Samahan ay nabuo bunga ng sama-samang pagkilos ng may malasakit at pagtutulungan ng mga sumusunod na institusyon: DSWD Pantawid Pamilya NCR; Live for continue reading : BUNGA NG MAYBUNGA
ESGPPA Scholar noon, Chemist na ngayon!
Ang kuwento ni Nanay Jiazmin C. Cagoyong at ng kaniyang anak na si Frances Irene ay kuwento ng tagumpay. Si Jiazmin ay isang aktibong miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa San Miguel, Pasig City. Siya ay kasalukuyang Barangay Health Worker ng San Miguel Health Center at dating Parent Leader sa kanilang parent group. Siya continue reading : ESGPPA Scholar noon, Chemist na ngayon!
Kwentong Malasakit: Pasasalamat ni Nanay Thelma
Mahigit dalawampung taon nang mag-isang tinataguyod ni Thelma Fernandez, 51 taong gulang, ang kanyang pamilya. Tulad ng karamihan, hirap ang mga kagaya ni Nanay Thelma ngayong panahon ng krisis pangkalusugan kung kailan halos lahat ng mamamayan sa buong mundo ay apektado. Tatlong apo at isang anak na babae na katulad rin niyang solo parent ang continue reading : Kwentong Malasakit: Pasasalamat ni Nanay Thelma
Ang Kwentong Pagbabago ni Ate Maseng
Pitong taon ng kasapi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program si Maricel Santos o mas kilala bilang “Ate Maseng” sa Barangay 573, Sampaloc, Manila. Sa buong panahon na ito ay nagkaroon si Ate Maseng ng iba’t ibang oportunidad upang mapaunlad ang kaniyang sarili, magabayan nang maayos ang kaniyang mga anak, at maisabuhay ang mga natutunan sa continue reading : Ang Kwentong Pagbabago ni Ate Maseng
Bayanihan sa Gitna ng Pandemyang Pangkalusugang Krisis
Lingid sa kaalaman ng nakakarami, may mga naitatagong kuwento ang 4Ps na tiyak ay aantig at magpapamangha sa inyo. Isa na rito ang bayanihang ipinamalas ng mga Parent Leaders at kasapi ng 4Ps sa Barangay Arkong Bato ng Valenzuela City. Noong nakaraang Marso 25, 2020 naipamahagi na sa mga miyembro ng Pantawid Pamilya ang kanilang continue reading : Bayanihan sa Gitna ng Pandemyang Pangkalusugang Krisis
“Kwentong Listahanan ni Corymar De Jose”
Taong 2009 nang magsimula ang National Household Targeting System for Poverty Reduction or NHTS-PR sa pangunguna ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Lipunan sa Kalakhang Maynila (DSWD-NCR). Ang NHTS-PR, o mas kilala bilang “Listahanan”, ay isang information management system na tumutukoy sa kung sino at saan matatagpuan ang mga mahihirap na pamilya sa bansa. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng household assessment kada apat (4) na taon. Isa si continue reading : “Kwentong Listahanan ni Corymar De Jose”
BUNGA NG SAMA-SAMANG PAGPUPUNYAGI: KUWENTONG ISKOLAR NA SI RAYMOND BARRENO
Si Raymond Barreno ay panganay sa pitong (7) anak nina Ramoncito at Eunice Barreno. Malaking hamon sa pamilya ni Raymond ang mapag-aral siya ng kaniyang mga magulang dahil sa kakulangang pinansyal. Ngunit pursigido ang kaniyang mga magulang na mapagtapos siya ng pag-aaral dahil naniniwala ang mga ito na tanging edukasyon lamang ang mapapamana nila sa continue reading : BUNGA NG SAMA-SAMANG PAGPUPUNYAGI: KUWENTONG ISKOLAR NA SI RAYMOND BARRENO